AUTHOR'S NOTE
Out of frustration (dahil nasira, este na virus ung laptop ko). Naisipan kong irevise yung kwentong nasimulan ko ng iencode sa laptop ko (na pina-ayos ko sa kaibigan naming IT student) gamit itong laptop ng kapatid ko (tag-isa kasi kami, haha).
Different plots of story pero same title pa rin kasi nagustuhan ko yung title eh. Nakuha ko kasi yung title sa isang bus na sinakyan ko ng minsang umuwi ako sa amin. Walang van noon kaya napilitan akong sumakay ng luma at puno ng pasahero na bus dahil gusto ko na rin kasing makarating sa bahay. Sa may salamin sa itaas lang ng driver seat, nabasa ko ang mga katagang iyan. Originally, may 5 different colors siya. Bale ganito ang itsura:
SOM - EON - ELI - KEY - OU
Since 4 main characters lang ang gusto ko kaya base sa title, nag-isip ako ng mga pangalan ng mga lead characters ko. Ayos no. Salaman din dun sa bus na pinagmulan ng title na napili ko para sa story na ito. Hope you’ll like it.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
----- Kyou’s POV -----
3 years have already passed since I last saw her. That day, I did not realize that I already loved her. Not because she is my best friend since childhood but she is what she is and I’m proud to say that she is already my wife. We’ve been separated for 3 years now ng dahil na rin sa akin.
----- Flash back -----
“Kyou, I’m leaving.” Paalam niya sa akin.
“Where are you going?”
“I’ll be studying in Paris. Alam mo namang pangarap ko na noon pa na maging isang fashion artist. Doon ko gustong mag-aral dahil masmaganda ang quality of education nila pagdating sa fashion.”
“I know, pero kailangan ba talagang doon ka mag-aral. Meron namang fashion school dito sa Pilipinas ah. Kung gusto mo, ako pa ang magpapa-aral sayo with allowance. Wag ka lang lumayo.”
“You know that I’ll say no, Kyou. This is my dream. Besides, alam kong hindi pabor sayo ang kasal nating dalawa. You just drag me into this para hindi matuloy ang pagpapakasal mo sa babaeng gusto ng mama mo para sayo. Becasue your my best friend, iniligtas kita at sinakyan ko kung ano man ang gusto mo just to make you happy. And I can see that your happy. Now, may I have the favor back? Just this time, Kyou. After this, I’ll be back for good.”
“G-gaano ka katagal sa Paris?” tanong ko. Ayaw ko talagang umalis siya dahil baka ano na naman ang gawin ko sa sarili ko kapag wala siya. I just got her back. Bata palang kasi kami best friends na talaga kami. Yung tipong close na close talaga. Sabi nga ng parents namin na childhood lovers daw kami pero best friends lang talaga kami. 8 years old ako noon at siya naman ay turning 5.
Until one time. Ng mamatay ang mama niya, nag-migrate sila sa America at doon na tumira. I’m turning 16 when my dad gave me a birthday party. Syempre, with my barkada’s and some close friends. May mga nagmessage sa akin noon dahil I’m about to enter college. Syempre mostly mga payong estudyante ang sinabi nila especially my antie’s and uncle’s. The last one to talk is her, my very best friend, Sam.
After she talk I walk towards her and embraced her so tight na parang wala ng bukas para mayakap siya dahil talagang namiss ko siya. That was my happiest birthday ever dahil I got my best friend back for good. Dito na daw sila sa Pilipinas maninirahan dahil napilit na rin niya sa wakas ang kanyang daddy.
“I don’t know, Kyou.” Sagot ni Sam sa tanong ko.
“What do you mean by ‘I don’t know?’”
“I’m not sure, Kyou. Maybe a year or two. Maybe more. Depende kung kailang ko gusto.”
“I hope it’s not forever.” Dagdag ko. “May communication pa rin naman tayo diba,” tanong ko na hindi sigurado. “dahil asawa na kita ngayon at hindi pwedeng wala tayong communication.”
Nakita kong umiling si Sam. Hinawakan niya ako sa mukha bago nagsalita. “Kyou, ayaw kong umalis sa tabi kung maaari lang dahil alam kong ako ang maspinapakinggan mo kaysa ang Daddy. But this is for your good. I know you’ll survive this. I’ll give you more or less two years to rethink if we will still work for this marriage. Ayaw kong makita ka na napipilitan ka lang na gampanan ang pagiging asawa ko. Ayaw kong maramdaman na it just so happened na ako ang nakita mong babae na available para maging bride kaya ako ang pinakasalan mo. Help your self, Kyou.”
“Please, don’t do this to me again, Sam.” Nagmamakaawa na talaga ako.
“Kyou, please. Listen to me. I know your now the good guy. Your responsible, intelligent, generous and all, Kyou. I’m giving you a chance to think if you really favor this marriage. I’ll have the answer when I’m back. I’ll be 19 or even 20 by then and ready what ever your answer is.” Sagot niya. Talagang hindi ko na siya mapipigilan pa. “I will still be your best friend.”
“Paano mo malalaman kung ano ang sagot ko?”
Saglit siyang nag-isip ng isasagot. “Make me pregnant the night that i’ll be around if you still want to continue this marrige, if not, expect for an annulment paper on your table first thing in the morning. So better be ready. I’ll come back, I promise.”
“When will that be?”
“I don’t know, Kyou. This is goodbye for now. I’ll make sure that you’ll fall in love with me when I’m back.” Iyon lang ang sinabi niya at sumakay na siya sa kotseng maghahatid sa kanya papuntang airport. Ayaw niyang magpahatid sa airport.
----- end of flash back -----