Chapter 4

25 1 0
                                    

----- Alexandra's POV -----

“How’s life, Kyou?”

“It sucks without you.” Sagot niya at humalik sa leeg ko. “But I survive.”

“Really? Tell me one crazy thing you did back then.”

“Crazy.” Ulit niya sa sinabi ko. “I think there’s none, Sammy. Puro trabaho lang kasi ang inasikaso ko simula ng ibinigay sa akin ni papa ang companya. Starting then, hindi na ako tumigil pa just to make you proud of me when your back.” Hinila ako ni Kyou papunta sa may sofa sa loob din ng office niya at naupo siya. Ako naman ay kinandong niya para magkayakap pa rin kami.

“Is that for real?” tumanggo lang siya sa akin habang nakangiti. Ngiti na ngayon ko lang nakita simula noon. Sa totoo lang, gwapo si Kyou pero seryoso kasi ito sa buhay kaya nabibilang lang talaga ang mga babaeng inilalabas niya lalo na nung binata pa siya. Most of the time din kasi ay ako ang kasama niya.

“Let’s dine out.” Wika niya.

“But what about your work.”

“I’ll pass for now. Malapit ko na ring matapos iyon.”

Lumabas nga kanming dalawa ni Kyou. Yung briefcase na dala ko kanina na ay naiwang naka kalat sa sahig. Pinulot ko na lang at inilapag sa table niya bago kami umalis. Wala daw naman siyang gaanong ginagawa ngayon kaya ayos lang daw na umalis siya sa office.

Kumain kaming dalawa sa isang Italian Restuarant at talagang ipinareserve pa niya ang pinaka magandang spot sa lahat. Sa may veranda ng restuarant kami naupo. Sa spot kung saan matatanaw mo ang naggagandahang tanawin. Sa ibaba ay may riding club doon.

Doon ako dinala ni Kyou after naming kumain. Napansin daw kasi niyang panay ang tingin ko sa mga sumasakay ng kabayo. Nagrent siya at sumakay kaming dalawa sa isang kabayo. Though its not my first time na sumakay ng kabayo pero its my first time na nakaankas na kasama si Kyou at ang sarap ng feeling. At dahil naka dress lang ako, paside akong naupo sa kabayo.

Since the time we reunited, hindi na niya ako pinakawalan lalo na ang kamay ko. Lagi kaming magkaholding hands saan man pumunta. Feeling daw kasi niya na kapag bibitiwan niya ako ay mawawala na ako. Parang bata, pero I know and I can feel na talagang namiss niya ako.

Ang bagal ng oras habang kasama ko siya. Ng naramdaman ni Kyou ang pagod ko ay nagyaya na siyang umuwi pero tumutol ako. Gusto kong masulit talaga ang araw na ito kaya naman naglakad-lakad sa may park.

“Ang saya nung mga bata oh.” Turo niya sa mga batang naglalaro sa swing kasama yung parents nila. I remember our last talk before I went to Paris. Make me pregnant the night that i’ll be around if you still want to continue this marrige. Speaking of night, the sun is almost set. Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari ngayon habang may oras pa.

“Ang sweet naman nung dalawang bata dun oh.” Turo ko naman sa dalawang batang nagkahording hands pang naglalakad and based from their height, I know na magkapatid iyon.

“Ang sweet ni Kuya kay ading. Ahahaha.” Grabe, ang saya yata ni Kyou ngayon.

“Tignan mo si Lolo at Lola naman doon, ang sweet pa rin nila oh. Kahit matatanda na sila eh may time pa rin sila para sa isa’t-isa.”

“We’ll be like them. Pero sana, matagal pa iyon. Ayaw ko pang tumanda ng hindi nagkakaanak no.” Sagot niya. Bigla akong napatinggin sa kanya. Nasa mukha pa rin niya ang kasiyahan ng nagsalita ulit siya. “Oh, bakit ganyang ka makatingin? Kala mo siguro nakalimutan ko na yung usapan natin. The day is still fresh at may oras pa tayo.”

Someone Like You -- Sam - Leonard - Elina - K'youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon