Chapter 5

22 1 0
                                    

----- The Following Day -----

Hindi ko alam kung anong oras na ng nagising ako. Basta ang alam ko ay mataas na ang sikat ng araw. Ayaw ko pang bumangon dahil masakit ang buong katawan ko after ng nangyari kagabi. Nahiga lang naman kami tapos may ginawa pero ba't ganito. Nananakit ang buong katawan ko. But I’m really  his official wife now, the one and only Misis Princess Alexandra Lim.

Wala na si Kyou sa tabi ko ng magising ako. Pero may tatlong red roses siyang iniwan sa tabi ko at nag-iwan pa ng note. I’ll be back before you knew it. Love, Kyou. Iyon ang nakalagay sa note niya. Bumangon ako  at naligo sa little bathroom sa kubo bago lumabas. Still the same, ang sakit pa rin ng katawan ko.

Before I left, palihim kong tinangal at pinalitan yung bedsheet ng kama dahil syempre may bakas pa doon. Ayaw kong malaman iyon ni Ayay. Hehe. This place will be forever be treasured.

Pagdating ko sa kwarto ko, nagulat ako kasi napalitan yung mga wallpaper ko bago ako nagpunta ng Paris. Tapos may mga bagong gamit doon. Yung mga bagahe ko ay nakakalat lang sa may karpet. Pero mas natuon ang pansin ko sa bagong pintuan na dati namang wala doon. Natempt ako na buksan iyon. Sa may pintuan ay may little envelop na nakalagay doon. Kinuha ko at binuksan.

For the love of my life. Happy 18th birthday. Love, Kyou.

So this is Kyou’s birthday gift to me para sa 18th birthday ko noon. Kasama ng letter ang isang susi na siya sigurong susi para sa pintuan iyon. Ibinalik ko ang note sa envelop at sinubukan ang susi sa pintuan. Nabuksan ang pintuan.

I didn’t expect na reregaluhan ako ni Kyou kahit na wala ako. Isang malaking dressing room ang nasa likod ng pintuang binuksan ko. Kompleto na sa gamit at with wallpapers pa ang dressing room na iyon. May mga kabinet para sa mga sapatos. May mga hanger na rin doon. At may space para sa mga jewels and other accesories. One word to describe it --- PERFECT.

Sa center na dressing room ay ang dalawang maniquin na lalaki at babae suot ang wedding dress ko at ang suit ni Kyou noong ikinasal kami na nakalagay sa round glass para makita ang kabuoan ng damit.

May ribbon pa iyon na nakapalibot at may isang envelop na naman akong nakita.

Happy 19th birthday, Sammy. I miss you and wish you good health always. I wanted you to be here but I know it’s impossible. I bought our wedding dress because I know you wanted to keep it. Loving you always and forever, Kyou.

Now I’m really sure na mahal na talaga ako ni Kyou.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. May little mirror area sa isa sa mga corner ng kwarto na malapit lang sa isang dressing corner. White carpeted ang buong kwarto. Ang kulang na lang talaga sa kwartong iyon ay ang mga damit, sapatos at kung ano pa na dapat ilagay doon.

Na-excite tuloy akong ilagay na doon ang mga damit ko pero syempre hindi ako pinakisamahan ng katawan ko kaya natulog muna ako ng matapos kong i-blower ang basa ko pang buhok.

------------------------------------------------------------------------------------------------

----- Kyou’s POV -----

Masaya akong pumasok ng trabaho ko ngayon ng dahil na rin kay Sammy. I got her back at hindi ako makakapayag na malayo ulit siya sa akin.

“Good morning, Sir.” Bati ng lahat ng empleyadong nakakasalubong ko.

“Good morning.” Sagot ko naman sa kanila.

“Good morning, Sir.” Bati ng secretary ko.

“Good morning too, Betty. What do we have for today?”

“Sir, nasa loob po ang mga kaibigan mo. Maaga po silang dumating dito.”

“G-ganun ba. Sige. Papasok na ako sa office.” Sagot ko naman. Nabigla ako ng sinabi iyon ng secretary ko. Ano na naman kaya ang kailangan nila sa akin at lahat sila ay napasugod dito at dito pa talaga sa office ko. Pagpasok ko sa office ay narinig ko na agad ang ingay nilang lahat.

“Speaking of the MARRIED man.” Salubong ni Migs sa akin pagpasok ko. Emphasizing the word married.

“What are you doing here, guys. Its office hours.” Sagot ko naman.

“You. You and YOU!” Tiro sa akin ni Rigs. “Ano itong nababalitaan namin kay Jigs na may asawa ka na raw. At hindi lang basta-basta asawa. She’s a supermodel, man. A SUPERMODEL!” Ang ingay talaga ni Rigs. Tama bang ipagsigawan sa akin ang bagay namatagal kong alam tungkol sa asawa ko. Itong si Jigs namne napaka chismoso. Hay buhay nga naman oo.

“You don’t have to shout. Rinig na rinig na kita kahit malayo pa ako sayo.” Sagot ko.

“Umamin ka nga.” Si Vigs ang nagsalita. “Totoo ba lahat ng nabalitaan namin kay Jigs?”

“Kung yung tungkol sa pag-aasawa, Oo. Kung supermodel ang asawa ko, yes, she is the recently crowned supermodel of the year.” Pagmamalaki ko sa accomplishment ng asawa ko.

“Wow Pare, inangkin mo na lahat. Tapos hindi ka man lang nagpasabi. Ang selfish mo naman.” Sabat ni Rigs.

“Dahil gusto kong maenjoy pa niya ang buhay niya kahit na may asawa na siya.” Simpleng sagot ko. “I don’t want to ruine her dreams.”

“So, when are we going to meet her, personally?” finally at nagsalita rin si Nigs.

___________________________________________________________________

A/N:

Pinag-iisipan ko kung tatapusin ko pa ang story na ito dahil may balak akong isulat na panibagong story. 

Marami kasi ang nagandahan eh. .

Kaya we'll see na lang po. .

Thanks. . . 

Don't forget to VOTE po....<3

Someone Like You -- Sam - Leonard - Elina - K'youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon