Entry #2

36 2 0
                                    

Diary,

                Lunes ngayon at balik paaralan na naman. Ayaw ko pa sanang bumangon sa higaan ko lalong lalo na ang lumabas ng bahay at pumunta sa school. Pero kailangan, malapit na kasi ang finals namin. Kaya kahit masakit pa ang puso ko ay kaiangan kong pumasok.

                                                                     

“ Hoy dude! Lutang ka na naman! “  siniko ako ni Richard sa tagiliran. Sa likod kasi kami nakaupo kaya hindi kami masyadong pansin pero ngayon araw ay nag-iba an ihip ng hangin. Kanina pa pala ako tinatawg ni Maam para basahin ang  laman ng handouts namin.

“ Hoy Jay Mark anong problema? “ pabulong na tanong ni Ria, best friend ni Richard. Mabuti pa tong dalawang ito, may pa best friend best friend pa, halata naming gusto nila ang isa’t isa.

“ Ha? Wa-wala. “ napakamot ako ng ulo ko habang tinitignan ang handouts na hawak ko. Pero sa totoo lang , hindi ko naman mabasa ang laman nito e, parang naging Chinese letters ang mga letra.

“ SO, as I was saying Mr. Guzman…”

“ Yes Ma’am?” at agad na nagtawanan ang mga kaklase ko.

“ Naka drugs ka ba ngayon JM?” panunuya ni Gerard. Tinignan ko ito ng masama kaya mas lalo itong ngumisi.

“ PIKON!” bulong nito sa hangin. Kita ko kasi kung paano bumuka ang bibig niya,kaya nabasa ko ang sinabi niya.

“ Meron ka bang problema Jay Mark? “ Tanong ni Maam, umiling ako bilang sagot. Tinignan niya ulit ako as if confirming kung talagang OK lang ako. Kaya pinilit ko na namang ngumiti

“ Ok class, as I’ve said , we’ll be having our Housekeeping  NC II seminar on Friday at  WVCST so I’m encouraging all of you to attend.”  Lahat ng classmates ko ay nagpalalista na.

“ JM ikaw? Ayaw mo?” tanong ni Ria sa akin. Umiling ako sa kanya at ngumiti. Nagkibit balikat ito at bumalik na naman sa pamimikon niya kay Richard. Ang saya nila tignan, lalo na si Ria isip bata kasi kaya ganun.

“ O dude! Hindi ka pa uuwi?” tinapik ni Richard ang balikat ko.

“ Ha? Uuwi syempre. “ ngumiti ako ng pagkalapad lapad sa sobrang lapad ay lalong sumakit ang dibdib ko. Putangina!

Lumabas ako ng school at dumiretso sa tambayan namin ng ex ko. Kapag lunch break ay dito kami nagkikita para sabay kaming mag lunch. Sa bawat sulok ng tambayan nato, marami kaming moments, sa sobrang dami at sobrang tagal naming tambay ditto parang gusto kong ipademolish ito bigla. Saksi ang lugar na ito sa aming pagmamahalan, sa mga sweet moments at sa panahong nag-aaway kami.

“ Oh Jay Mark hindi ka pa kakain? Niresrve kita ng paborito niyo ni Grasya. “

Grasya, Grace , Grace, Grace. Hinithit ko ang sigarilyo ko, her name keeps on echoing in my mind. Mababaliw na ata ako.

“ O Jay Mark! “ tawag ni Aling Maring.”

“ Ibenta nyo nalang muna Aling Maring, wala po akong ganang kumain.”

Umiling iling ang matanda habang tinitignan ang hawak kong yosi.

“Akala ko ba ay tumigil ka na sa pagyoyosi? Hindi ba at ayaw na ayaw ni Grasya na nagyoyosi ka?” agad kong itinapon ang yosi sa kanal. Pero nagsindi ulit ako ng maalala ko. Wala na si Grasya, wala nang magagalit. Wala na kami ni Grasya Aling Maring, wala na ang babaeng nagpabago sa akin.

“ Teka nga at tatawagan ko si Grasya. “ hawak hawak ni Aling Marin gang Telepono niya, inilapit niya ito sa kanyang tenga.

“ Hello Grasya---“ hinawakan ko ang kamay ni Aling MAring, tinignan ko siya sa  mga mata habang umiiling. Agad niyang ibinaba ang telepono.

“ Wag nyo na po siyang istorbohin , cos she doesn’t care anymore. “

“ Naku mga bata kayo, ngayon pa siya mawawalan ng pakialam sa iyo e ang tagal tagal nyo ng mag Boyfriend. “ Yun na nga po e, ang tagal tagal na namin. Sobrang dami na naming pinagdaanan ngayon pa siya sumuko.

“ HAHAHA! E, that’s life Aling Maring. “  Grabe that’s life, so cruel.

“ O siya sige, ayaw mo talagang kumain?”

“ Hindi na po, busog po ako e. “  Wala talaga akong ganang kumain. NAgkibit balikat si Aling Maring.  

“ O siya sige, at ako’y marami pang gagawin. “

Natapos ang lunch break diary at hindi ako kumain ng lunch. Bumalik ako sa school na late , nasabi ko bang naka isang bote ako ng red horse kanina? Yun na pala tanghalian ko diary. At aattend ako ng klase na lutang at lasing.

Hanggang ditto na muna ang kwento ko sayo diary.

Lutang dahil sa pagmamahal,

JM  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon