Kabanata 4 -Royal Gold Cup

4K 50 2
                                    

Next assignment ko is kunin at ibalik ang ninakaw na Royal Gold Cup o kilala din sa pagiging Saint Agnes Cup. Galing syang France pero nakalagay sya sa British Museum. Dalawang buwan na mula ng nakawin ito ng crimson at nagawa pa nilang pumatay ng walong gwardya para lang makuha ito. Hindi ito agad nalaman ng organisasyon namin dahil sa dumadaming kaso ng nakawan ng mga artifacts, paintings at ng mga alahas.

Saka lang namin nalaman ng may narinig kaming may magaganap daw na pagsasalo sa mansyon ng mga Ortega, may ari ng isang hotel sa Cebu dahil sa pagkakaroon nito ng complete replica ng Royal Gold Cup. Pero sigurado akong hindi yun ang replica kundi yung totoo talaga. Kaya naman medyo busy ang lahat ng tauhan ng organisasyon namin dahil sigurado akong hindi madali ang pagkuha ko sa bagay na yun.

"Beep Beep.." tunog ulit ng maingay na alarm clock ko.

Panibagong araw na naman pala para sakin. Panibagong trabaho. Buti na lang at hindi ako masyadong na-sstress at nahihirapan sa pagsasabay ko sa dalawang buhay na to. Mahirap din kasi na paminsan minsang kumakati yung dila mo. Kapag nalaman ng daddy ko na ako si Black Phantom.. Ewan ko na lang.

Pumasok ako sa school gaya ng inaasahan. Matutulog sana ako sa gitna ng History class ng biglang banggitin ng teacher namin ang tungkol sa Royal Gold Cup. Nakinig naman ako at hindi na naiwasang magtanong.

"Sir, sa France po ba galing ang Royal Gold Cup?" tanong ko sa teacher ko.

"Yes it is and tinatawag din itong Saint Agnes Cup." Sagot naman nung teacher ko.

"Eh sir gaano na ba ito katagal? I mean anong year inumpisahang gawin?" tanong ko pa.

"1370. Yun ang pagkakaalam ko.. bakit mo natanong Ms. Perrault?" tanong naman niya sakin na mukhang natutuwa siyang nakiki-cooperate ako.

Hindi ko sinagot yung tanong niya sa halip ay napaisip ako bigla. Saka ko sinundan ulit ng isa pang tanong. "Sir, kung matagal na tong ginawa tingin nyo lumipas na din ang natural na ganda nito? Yung tipong kumupas na?"

"Hindi syempre, gawa ito sa magandang uri ng ginto kaya nagawa nitong mag-survive ng matagal. Seems like your finally interested in my subject Ms. Perrault ha?" pangaasar nya sakin.

"I guess so sir.. besides madami pa kong gustong malaman." I said then smirked.

Hindi na ako magtataka kung bakit madaming may gusto ng Royal Gold Cup na yun. Pero bakit naman pinalabas lang nila na complete replica lang yun? Dahil ba alam nilang ninakaw ang totoong Royal Gold Cup at ayaw nilang magkaroon ng kumplikasyon? Bukod pa dun paano ko naman malalaman ang totoong Royal Gold Cup sa hindi. Pano kung replica talaga yun? Mahirap magkamali kaya kailangang mag imbestiga pa.

*******

Nag meeting ulit kami sa Noire Headquarters ng mga 8pm para I-discuss ang next assignment na gagawin namin. Kasama ko dito sila agent apple at agent glass kasama na din ng iba pang researchers at scientists. Kailangan kasi naming pagplanuhan ang lahat ng hakbang na gagawin para dito.

"Kelan nga pala yung party?" tanong ko sakanila.

"Thursday. 10 o'clock pm sharp mag-uumpisa." sagot nung isang researcher namin na si kiara.

"Eh yung dami nung tao na aatend?"

"Based on my calculation, 50% of the expected guest are from the business society and 50% left are disguised agents and guards." sagot naman nung isa pang researcher namin na si Mina.

"Ganun kadami? G-grabe naman!" napasigaw ko kaagad.

"Wag kang mag panic. May mga paraan din naman si Black Phantom para hindi sya makilala diba?" sabat naman ni Micah sabay ngisi sakin.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon