Chapter 27 - Malas.

21 0 0
                                    

DHANICE'POV

"Ssshhh! Huwag kayong maingay, baka magising" naririnig ko ang mga bulong ng kung sino man.

*Blaaag!*

Napabangon ako at nakita ko ang mga taong hindi ko kilala. 2 sila at mga nakamask na itim. Nagka-titigan kami habang kitang kita kong hawak nya yung Flat screen TV namin. Magnanakaw.

"AAAAAAAH! MAGNANAKAAAW" sumigaw ako ng sobrang lakas dahil corps commander ako. Tumakbo sila dala-dala ang TV. Hinabol ko sila pababa ng hagdan.

"Pre dalian mo! Ang bilis nung babae" sabi nung nakaitim na mask na mukhang mga mid 30ties. Pano ko nahulaan? Habang tumatakbo siya nalaglag nya ID nya sa may kwarto ko.

JEREMY'S POV

Papunta ako ngayon kila Dhanice, may ibibigay kasi ako sa kanya. Sa loob ng paperbag na dala ko, nandito ang niluto ni mama na soup na may fried tilapia na favorite niya.

"Kuya bilisan natin, baka kasi lumamig ito" katabi ko yung butler ni papa. Ewan ko ba, sabi nya for protection. Haay, iba na yung driver namin. Si Manong Edgar na ngayon. Ang laki ng katawan. Parang bouncer.

Habang papalapit na kami, napansin kong tumatakbo pababa si Dhanice sa loob ng bahay nila dahil nakabukas yung mga bintana at may lalaking mga naka mask. Yung isa nagmamadaling buksan yung gate.

"Crap! Manong ihinto nyo at kuya butler, bumaba ka." ninanakawan sila. Lumabas na rin ako at hinabol namin ni kuya butler yung naunang lalaki na nagmamadaling pumasok sa kotse nya. But he's too late. Nahawakan na siya at na-isprayan ng pepper spray. Yung isa na may hawak na flat screen ay napabitaw na sa kanyang dala at tumakbo sa kabilang way pero hinarangan sya ni Manong Edgar kaya hindi rin sya nakatakas at kagaya ng una, na sprayan siya. Nakita ko si Dhanice habang umiiyak at nakatulala.

Lumapit ako sa kanya agad at niyakap. "Ssssh. Okay na Dhanice. Nandito ako" hinahaplos ko yung buhok nya dahil nanginginig talaga sya sa sobrang takot. Niyakap nya ako ng mahigpit para siguro marelieve yung nararamdaman nyang trauma.

Inalalayan ko siya at pinasok sa loob ng bahay nila. Kukuha sana ako ng tubig pero bigla nyang hinigit yung damit ko. "*huk* Dito.. ka *huk* lang" napaupo ako at niyakap nya ako ulit. "Okay, dito lang ako." hinalikan ko siya sa noo nya.

Inasikaso na nila yung mga magnanakaw at dineretso sa presinto. Tinawagan ko si tita at on the way home na raw siya. Yung TV nila nasira na dahil sa pagkaka-bagsak. Buti nga yun lang, e pag si Dhanice pa baka hindi ko sila mapatawad at patayin ko sila.

---

6pm na pala.

Nananatili parin syang nakayakap sa akin samantalang ako naka-akbay sa kanya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" iniangat nya yung ulo nya at tumingin sakin "Oo." napabuntong hinga ako at umayos na kami sa pag upo. Tinanong ko kung ano ang nangyari.

"Pagka-uwi ko, hindi ko namalayang nakatulog ako agad dahil sa sobrang pagod. At siguro dala na rin ng dalaw ko ngayon." inilibot ko ang mata ko. Nasan ang tinutukoy nyang dalaw?

"Bukod ba sakin, may naunang dumalaw sayo?" binatukan nya ako. "Bat ba ang slow nyong mga lalaki? Dalaw means Period. " napasmirk sya at nakita ko yung mata nyang medyo maga at nakuha pa ring ngumiti sa kabila ng nangyari. "Habang natutulog nga ako may napanaginipan akong nakakagulat."

kinuwento na nya.

DHANICE'S POV

Okay na ako. Pero na-totrauma parin ako. Natakot ako kasi ako lang mag-isa dito sa bahay namin. "Habang natutulog nga ako may napanaginipan akong nakakagulat." parang kumunot yung noo nya dahil siguro sa kuryosidad.

I Less Than Three You [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon