Chapter 26 ~ Back to normal ╯△╰

20 1 2
                                    

KOBIE'S POV

Back to normal na ang lahat. Nakakatamad na nga eh, kasi matatapos na ang highschool life namin. Pupunta na kami sa stage na kung saan mararanasan namin maging isda, machine at super human. Pag dating ng College-Life namin hindi ko na maaasikaso si girlfriend. ╯︿╰. My computer.. ツ

Recess time ngayon, at kailangan namin ayusin ang mga requirements namin for the preparations. Maaga kaming magtetest kaysa sa mga juniors sophomores at freshmen dito. Dahil graduating na kami, sinusulit namin ang pagiging highschool dito sa Tak. Baka kasi lumipat ako ng Farra Lemkova University. Kasama ko ang mga kaibigan ko, sila Marco Sj at Anthon. "So pre, okay na ba lagay mo?" tanong ni Marco. "Di ka ba maka-move on pre? Nung foundation pa yun. Nako, 'wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo. Dapat ikaw ang tinatanong ko. Okay na ba lagay mo? Diba na empacho ka nun?" napasimangot sya at tumawa nalang kami.

"Ganoon ba nangyayari sayo pag nabibigla ka?" tanong sakin ni SJ matapos nyang tumawa. "Oo eh." gusto nyong malaman?

FLASHBACK

Ano ba 'tong pakiramdam ko? Bakit ang sakit ng tiyan ko? Don't get me wrong dahil hindi ako napo-poop. This is my first time to feel this kind of pain.

After nya akong kantahan at magpasalamat  dumeretso ako sa staff room para ipacheck 'tong sakit sa tiyan.

"Ate may pain killers kayo? Ang sakit talaga eh" tanong ko kay ate. "Ay iho, hindi pwedeng uminom ng pain killers basta basta. Wala ka namang sakit eh, ano ba nagyari?" kinuwento ko yung mga nangyari at nagnod lang siya. "Yaan din yung nangyari sa asawa ko nung ginawa ko sa kanya yan." ang gulo. "Sige iho, una na ako. Humiga ka lang tas kumanta ka ng Barney mawawala yan" ang baklang dinosaur? Kakantahin ko yun? Haay.. Pumunta ako dun sa kwarto ko dito na pinag check in-nan ko at sinunod ang sinabi niya.

END OF FLASHBACK

"So yun lang ang ginawa mo? Tas nawala na" tumango lang ako. "Wow pre may sayad ka ata. "

*PAK*

"Aray naman! 'wag ka naman mangbatok ng basta basta. Naiiyak na ko fafa marco" pagdadrama ni Anthon. "Hindi yun ganun na lang, may tawag sa ganun eh. 'DhanibieSyndrome'" binatukan ko rin si SJ. "Ano ba pre di mo gets? Nagrambulan yang mga organisms sa tiyan mo, dahil iba ang feelings mo para sa kanya" feelings? Wala..  Wala akong feelings kay Dhanice.

Natahimik kami. Nakita ko sila dito sa cafeteria habang bumibili ng makakain. Sayo dhanice maiinlove ako? Hindi.. "Pustahan tayo pre, sa araw na 'to gagawa tayo ng deal." paguumpisa ni Marco. "Ito ang plano. First, ipupusta ko ang anumang gadgets and collection ko ng mga laro. Ang case is magiging crush mo si Dhanice." pustahan na ba ito? "Sali din ako! Ipupusta ko yung bago kong pc tas ang mangyayari ay maiinlove ka sa kanya." dagdag ni Anthon. "Ikaw pre, may isisingit ka?" tanong ko kay SJ. Napahawak sya baba nya at hudyat ito na nagiisip sya. "Ipupusta ko ang 1 year allowance ko. Magiging kayo ni Dhanice" sagot niya. Grabe sila kung makapag pusta.

"For sure mananalo na ako nyan. Hindi totoo ang mga sinabi nyo. Ang pusta ko? Bibili ako ng Kotse para sa ating magbabarkada. Isa lang pero ang pinakamahal na model sa pagkakataong iyon." pagmamayabang ko. Napatingin ako sa direksyon nila Dhanice. "Hindi ako magkakagusto sayo, Sana.." bulong ko. Nag apiran sila at naglapag ng papel.

"Katunayan at proweba sa deal natin." aba't gumawa pa ng kasulatan. Agad akong pumirma at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"For sure mananalo na ako nyan. Hindi totoo ang mga sinabi nyo. Ang pusta ko? Bibili ako ng Kotse para sa ating magbabarkada. Isa lang pero ang pinakamahal na model sa pagkakataong iyon." Boses ko ba yun? Napasmirk si Anthon at "Bro, alam kong genius na ako kaya 'wag na kayong mag taka. tsk" nirecord ba naman nya yung boses ko. Haays, wala na talagang mangyayari dito. Pasaway.

I Less Than Three You [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon