Kabanata 1.1: Work Please

47 3 1
                                    

Ayan. Simula na ito, nangingiting bulong ni Mine sa sarili niya. Nang may biglang bumatok sa ulo niya.

"Ano na naman ba yang sinusulat mo dyan? Imbis na magbasa ka na lang ng mga libro doon, nang alam mo yung mga sinasagot mo sa mga turo mo", sita ni Nikko, isang senior instructor niya sa isang organisasyon kung saan siya kabilang ngayon. Nawala tuloy ang pagkakangiti niya, pati ang ganda ng mood niya.

Napasimangot na lang siya, sabay ayos sa buhok na nagulo. Ang sakit nun ha. Diary ko eto. D-I-A-R-Y. Walang kwenta para sayo, pero sakin sobrang important. Ikamamatay ko. Syempre pa-OA haha. Pero bakit ba, baka makalimot ako pag di ko naisulat lahat ng mga gusto kong isulat kasi. Ewan ko basta feeling ko disorder ko yun. Di ko lang alam ang tawag. Self-diagnosed eh. Tapos, isa pa, ako naman nagpapagod magsulat. Nangengealam siya. Ayun at bwisit na bwisit na naman si Mine.

Iniayos na niya yung mga pinagsusulat niyang kung anu-ano. Nawala na naman siya sa momentum niya. Wala na naman yung creation ng something na bookseller sana. Pero hindi siya tumayo para gawin yung sinabing gagawin niya dapat. Lumabas muna siya para bumili ng makakain. Lampas lunch na, ni hindi pa pala siya nakakakain since nung umaga.

Ganun talaga ang buhay niya ever since nung naka ilang months na siya sa organisasyon kung nasaan man siya ngayon. Wag niyo nang alamin kung saan o ano, basta organisasyon. Buhay volunteer. Pero starting last month, naging instructor na din under ng isang service nila. Instructor, pero volunteer pa din. Walang sahod, walang pera.

Pag ganitong walang event o activity o turo o kahit sinomang trip manlibre, walang mahihintay na free food. Ang hirap noh? Hindi nga niya alam kung bakit andudun pa siya at hindi pa naghahanap ng ibang work.

Naghahanap naman siya, sa totoo lang. Nga lang ayaw ata ng trabaho sa kanya. O dahil sadyang mapili lang din talaga siya. O baka sadyang may hindi lang siya maiwanan.. Joke lang yung last.

"Libre kuma," kantsyaw niya kay Candice na nakatambay sa isang bilihan malapit sa office. Babae ito, obvious naman sa name, pagdududahan mo nga lang pag nakita mo na personally. Hindi naman siya mukhang lalaki pero hindi kasi siya kagaya ng ibang babae na pa girl, pa cute, pa landi. Astig siya, pero kung tutuusin maganda siya lalo na pag tinitignan ng matagal. Kaya siguro malapit ang loob ni Mine dito kasi medyo boyish din si Mine kung tutuusin. Isa na ito sa close friend na nakakasama niya halos sa office. Mas mauna nga lang ito kaysa sa kanya. Mas madami na rin itong experience compared sa kanya, kaya minsan din siya ang takbuhan niya sa karamihan ng mga concerns niya sa buhay-buhay.

"Wala pa nga din akong pera."

"Ako nga din," bigla na lang sumulpot ang isa pa nilang kaibigan mula sa likuran niya. Ang medyo pogi na si Warren na medyo joker nga lang din. "Wala akong perang pang date."

"Sinong ide-date mo? At pwede bang wag kang nanggugulat," sita ni Mine kay Warren.

Pero parang wala itong narinig. "Punta ka bukas sa job's fair?" Kay Candice lang ito nakatingin.

"Ha? Bukas napala yun? Duty ko naman tol, paano yan?"

"Ganyan naman eh." Sa wakas napa tingin na rin siya kay Mine. Hinihintay ni Mine na tanungin din siya nito kung pupunta siya o hindi. Kaso wala. Nakatingin lang ito sa kanya.

"Pupunta ako." Sabi na lang din ni Mine.

"Saan?"

"Bukas. Sa job's fair."

Your Not-So-Famous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon