Kabanata 1.2: Opportunity?

26 4 3
                                    

"Yun ay kung talagang magugunaw ang mundo, diba?" high-pitched na ipinaglalaban ni Mine ang point niya kay Candice. Magkasama silang nag-aayos ng gamit sa area nila. "Wala naman talagang mabubuhay pag ganun kaya.. Ah mygad! Kainis." Ibinato niya sa sahig ang libro niyang Ultimate Guide. "Ginawa ko nang lahat ng nakasulat diyan pero bakit parang mali pa rin? Pinag-aralan koi tong mabuti. Hindi ko na tuloy alam talagang palakaran sa paghahanap ng trabaho."

"Ikain mo na lang yan." Abot ni Candice ng biscuit sa kanya.

"Di ko din maintindihan kung ano ba talaga ang hanap ng mga employers nay un na nasa job's fair din kahapon. Sampong resume din ang nabigay ko, pero pakiramdam ko wala na naman ni isa ang ok sa lahat ng iyon."

"Kahit ilang resume pa ang ipaprint mo. Wala nang magkakamaling kukuha sa'yo." Sulpot na naman ni Warren, sabay abot nito sa librong ibinato niya.

"Masyado kang harsh ha,"angil niya. Pero hindi man niya alam ang eksaktong dahilan, ramdam niyang totoo ang sinabi ni Warren. Mas nafustrate na naman siya lalo niyan.

"Kahit writer na lang din sana.. Yun naman talaga kasi ang gusto ko din eh,"napayakap na lang din siya sa librong binalik sa kanya. "Ah. Naalala ko. Ni hindi ka pumunta kahapon sa job's fair? Di man lang kita nakita."

"Hindi naman talaga."

"Akala ko pupunta ka. Kaya nga di ba..--" Hindi na niya tinapos yun kasi mukhang hindi na naman siya pinapansin nito. "Ah kung tutuusin hindi mo na din pala kailangang maghanap ng trabaho. Mamanahin mo na lang din yung kompanya ng tatay mo, diba? Ang swerte mo."

Naalala niyang maski si Candice din pala. Nakakaangat din sa buhay. Hindi nila problema kung di man sila makahanap ng trabaho agad. Isa rin yung dahilan kung bakit andudun pa din sila bilang volunteer. Habang nagsisihintayan pa sila ng mga kukuha sa kanila abroad, ganun. Habang siya. Wala siyang choice kundi ang araw-araw problemahin kung saan na naman ba siya huhugot ng mapanggagastusan niya.

"Pakasal na lang kaya ako sa'yo, Warren," maya maya ay sabi ni Mine.

Awtomatikong tinignan siya nito ng masama. Kaya itinawa ito ni Mine. Ang weird ng reaksyon nito kahit kalian. "Wag mo kong tignan ng ganyan. Joke yun."

Pero hindi ito nagbago ng tingin. Tapos ay tumalikod at umalis na. "Seryoso masyado."

Natawa na lang din si Candice. "Ba't mo kasi sinabing joke? Mas nagalit tuloy."

"Ha? Totoo naman kasing joke yun."

Napakibit-balikat si Candice at nagpaalam na rin na pupunta sa kabilang area. Iniwan na naman nila siya. Napatingin siya sa libro niya nang mapansin niyang may nakaipit doon na something event coupon. "Book Fair and Writers Festival. Where the Readers and Writers Meet. SM Baguio Upper Session Rd., Baguio City. Saturday, September 27, 2014." Di siya talagang book reader, at lalo na hindi talaga siya writer. Pero pangarap niyang makapagpublish ng sarili niyang book, someday, somehow. Frustrated writer nga kasi siya. Gusto niyang matry na magpunta sa ganitong event kahit one time lang, kaso panay o halos sa Manila. From La Union kasi siya. Bukod sa medyo malayo, (para sa kanya) yung oras at pera din kasi ang mga ilan pang kinokonsider niya. Di rin pala niya alam ang paikot-ikot sa Manila, baka mawala siya at di na makabalik. Pero since sa Baguio ito, mas malapit na lang.

Napatingin siya sa pintong nilabasan ni Warren at napangiti. "Loko loko ito. Pwdeng seryosong mainlove ako niyan sa'yo ha."

Ngayon na naman siya nagbukas ng Wattpad account niya. Last year pa ata siyang gumawa ng account dito, at kahit papaano, nag-release ng mga ilang write-ups niya. Mga write-ups na sinimulan pero hindi na ata madudugtungan. Bukod sa nakalimutan na niya ang original plot niya sa mga nasulat niyang yun, nawala na yung motivation niya nung nagsusulat pa siya.. Tapos wala din naman kasing pumapansin man lang sa mga yun. Sabi nila, isang magandang technique daw para makilala at mapansin e, magbasa ka din ng works ng iba, makipag-socialize online, tapos i-advertise mo yung sa'yo habang ina-apreciate mo yung sa kanila din. Kaso hindi siya magaling sa ganun. Kahit na siguro i-follow niya halos lahat ng may account dun, makipag socialize online sa halos lahat, mag comment, mag advertise, hindi pa rin hundred percent sure na mapapansin siya.

Ilang minute na rin siyang nakatitiglang sa screen ng laptop na gamit niya. Create New Story. Title of Your Story. Title of Your Part. Nawala na naman lahat ng naisip niyang isulat sana. Nagpakawala ulit siya ng isang buntong hininga. Click pabalik sa Home Page. Magbro-browse na lang siya ng mababasa siguro, kahit na hindi din talaga siya nagbabasa ng kahit anong libro dito.

Wattpad User: toyouanythingispossible

Na-tempt siyang tignan ang account na yun. May nagawa itong limang works, panay series. Completed na yung tatlo. Ang galing, thousand ang reads ng halos lahat. Mukhang Wattpad Famous ito ha. Ok, Follow.

Napatitig siya sa userpic nito. Image ng isang pendant, moon-shaped design na silver. Halos same sa pendant na meron siya at nataong ung userpic na gamit din niya e capture niya suot yung necklace niyang un ang pendant. Sa userpic nga lang niyang iyon hindi kita ang mukha niya kasi talagang sinadya niyang sa necklace at pendant na yun lang ang focus.

Tinignan niya ng mabuti. Parang same necklace lang din talaga yung nasa userpic nito. Maski style nung naka-engrave sa lower part na initial na B.F. Natuwa siya kaya naisipan niyang mag-comment sa message board nito.

That pendant :) B.F. Tsuki.

Tsuki. Japanese term for moon na siyang design nung pendant na yun. Yun na rin ang default name ng pendant na nasa kanya. Gusto niya tuloy ma-meet ang user na ito para makita kung talagang parehong pareho yun ng sa kanya.

Sinubukan niyang basahin ang pinakaunang ginawa nitong story. Komplikado at sobrang lalim pero maiintindihan pa rin ng isang common public na kagaya niya. Sa pagpili pa lang nito ng wordings niya, mahahalata mo nang sobrang galing ng nagsulat, maski yung writing style. Elite ang dating.

Sa sobrang engrossed niya sa pagbabasa di na niya napansing inabot na siya ng madaling araw. Nang sobrang inaantok na siya, saka siya nag-decide na mag-out na. Saktong napansin niya sa notification niya na nag-comment back si toyouanythingispossible.

Tsuki? Can we meet?

Some hours ago pa yung comment na yun. Nainip siguro sa paghihintay ng reply niya kaya maski sa inbox niya e nagiwan din ito ng same message na yun.

Please let's meet. – isa pang message nito ulit. An hour ago.

Iniisip niya kung anong isasagot dito, at the same time nagtataka kung bakit gusto nitong makipagmeet. Di niya maisip. Inaantok na din siya.

Bukas na lang nga, napagdesisyonan niya at pinatay na niya ang laptop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Not-So-Famous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon