Pag upo namin, natahimik kami sandali.
"bakit kayo nag break?" tanong ko sa kanya
"Nagcheat sya" sagot nya
"bakit?" tanong ko
"Siguro dahil sa kakulangan ng oras" sabi ko
"bakit, siguro di ka sure?" tanong ko
"iwan ko ba, diba sabi nila pagmahal mo daw yung isang tao matitiis mo lahat, pero siguro di na nakayanan ng gaga nayon yung mga sakit na nararamdaman nya, sa sobrang kulang ko sa oras" sagot ni gino na parang maluluha pa ang loko
"bakit hindi ba kayo naging masaya?" tanong ko sa kanya
"lahat naman ng relasyon masaya sa umpisa, lahat naman, pero dahil sa hindi na nagtatagpo yung schedule naming, dalawa kaya nag cheat sya" sagot nya, sabay tingin sakin
Nalungkot ako sa mga sagot nya
"ikaw bakit kayo nagbreak?"tanong ni Gino
Nagulat ako sa tanong nya, sabay ng pagkagulat ko ay ang pagtititig ko sa mukha nya na ang puti at ang lakas makaclear skin ang mga matatangos nya na ilong at ang brown nya na mata at ang mahahaba nyang pilikmata na bumabagay sa makakapal nyang kilay. Nagulat ako pero i answer the question honestly.
"nagbreak kami dahil sa sakit ko" mahinahon kong sabi
"dahil lang sa sakit, ang babaw naman pala nang gago na yun" sabi nya
"siguro, sabi nya kasi sakin hindi na daw matutupad yung pangarap nya na magkapamilya kaya habang maaga palang maghiwalay na kami para makahanap na daw sya ng babaeng karapatdapat na tutupad sa mga pangarap nya" sabi ko sabay tulo ng mga luha ko
"alam mo malalagpasan din natin ito" sabi nya
"tama ka" sabi ko, sabay punas sa luba ko
"sabi nga nila lahat ng problema ay may hangganan" sabay abot nya sakin ng panyo
"salamat ha pero may panyo din ako" sabay labas ko nito sa bag
"hahaha.. Ok" sabay kuha nya ulit
"alam mo first time kong mag open ng kwento tungkol sa gago na yun" sabay ngiti ko
"hahha alam mo masanay ka na" sagot ni gino
"oo nga sa future maiisip ko na lang na bakit ko ba iniyakan yung gago nayun" sabay tawa ko
"alam mo karen hindi masamang maging malungkot at umiyak, pero kung pinagsasabay mo yung lungkot at saya nakakabuang yan" sabat tawa ni gino
"alam mo, okay lang yan atleast ngayon di pa ako buang sa future pa kung makakaabot ako" sabi ko
"may tanong ako sayo" sabi ni gino"kung okay lang"
"ano yun?" sabi ko
"ano ba yung sakit mo?" sabi ni gino
"may butas yung heart ko, three months nalang yung itatagal ko dito sa earth sabi ng Doctor" sagot ko
"aw.. Sorry akala ko kasi baog ka" sabay tawa nya
"alam mo di nakakatuwa yung joke mo" sabay tingin ko sa kanya sabay tingin nya din sa kin sabay tawanan naming dalawa
"ang sarap para sa feeling pagnalabas mo lahat ng dinaramdam mo noh" sabi ko
"oo try mo din kasi magsalita minsan" sabi ni gino
"oo nga puro sulat at pagbabasa lang yung ginagawa ko" sabay tawa ko
"kaya pala puro sad ending na yung mga aklat mo" sabay tawa nya din
"napansin mo din"sabay tawa ko
" alam mo labas ulit tayo minsan para makalimutan na nating dalawa yung mga gago nayun "sabi ni Gino
" oo ba"sabi ko
Alam kong parehas pa kaming di nakakamove on ng maayos
"anong oras na pala" sabi ko"anak ng tupa six na"
"bakit, anong meron?" sabi ni gino na parang nagtataka
"kailangan ko nang umuwi" sabi ko
"ihatid nalang kita" sabi ni Gino
"may kotse ka?" sabi ko
"meron" sagot ni gino na nagtataka sa tanong ko
"eh bakit kanina mas pinili mo mag lakad kaysa sumakay" sabi ko
"iniwan ko kasi dito sa mall yung kotse ko" sagot nya "ano, gusto mo ihatid nalang kita"
"sige ba" sagot ko, syempre pinoy tayo sino bang tatangi sa libre, libre na yan.
"tara" sabi ni gino "hintayin mo ako dito at kukuhain ko lang yung car ko"
"okay" sabi ko
Hindi naman ako inindian ni gino
Dumating sya para ihatid ako sa bahay."dito na ako" sabay turo ko sa gate
"sige" sabay tabi nya ng kotse
"bye, ingat gino sa pag dadrive" sabay ngiti ko kasabay ng pagkaway ng aking kamay
"sige" sabi nya
Nagpasok na ako ng gate at hinintay na umalis yung kotse ni Gino
Pagkapasok ko sa loob nakita ko si mama kasama si scarlet na mukhang gutom na.
"bakit ngayon ka lang karen?" sabi ni mama
"pasensya na ma" sabi ko
"sige karen,kumain ka na ba?" sabay kuha ng dog food
"wala pa po ma" sabi ko
"sige sabay na tayo, pakainin ko lang si scarlet" sabi ni mama
"sige po" sabi ko
Kumain kami ni mama pagkatapos hinugasan ko na yung mga plato at nagpaalam na matutulog na
Umakyat ako sa kwarto na may tanong sa isipan ko
"bakit kaya hindi kinuha ni gino yung number ko" sabi ko.Kadalasan kasi kinukuha yung mga number ng mga babae na nakakusap nila pagkatapos para magkaroon parin ng communication sa isat isa
"siguro di nya ako type" sabay ngiti
Pagkatapos ko maghugas ng katawan naghiga na ako sa kama pero na sa isip ko parin yung tanong na bakit di kinuha ni gino yung number ko
Siguro iaadd nya na lang ako sa fb so binuksan ko yung account ko sa fb pero wala" sabagay sobrang dami nga namang karen sa buong mundo" bulong ko sa sarili
"siguro di nya talaga ako type" sabi ko namay buntong hininga
Matutulog na sana ako ng may biglang may nagtext sakin