Chapter 2

28 10 0
                                    

"How are you, my princess Ceana"

damn,

"I, im fine, kuya Ash" nauutal na rin ako

Tumayo sya at umakyat ng hagdan, so yun na yon?

pero mga ilang hakbang pa lamang ay bigla syang tumigil at bumaling ng tingin sa akin

"Follow me"

-------------------

Nasa loob kami ng kwarto nya, at dahil first ever kong pumasok dito ay kasing cold rin nya ang kwarto. Mas malaki pa ang kwarto nya kesa sa akin, at mas malinis pa. Walang ka-alikabok at siguro nga, si kuya Alex ang naglilinis dito.

Nakaupo ako sa kama nya habang inaantay syang makalabas sa banyo, narinig ko ang pag tigil ng shower at bumukas na rin ang pinto,

What the...

eh paano ba naman naka-topless tong nasa harapan ko?

Para syang modelo or maihahalintulad ang katawan nya sa mga greek Gods, walang ka balbon at sobrang kinis.

Napaiwas ako ng tingin, at baka mahuli pa nya akong nakatitig sa kanya.

Umupo sya sa sofang nasa harapan ko, wala ba tong balak bumihis? anlakas kaya ng aircon, hindi lang man nilalamig?

"How's the study, Ceana?" he said habang nagsasalin ng wine sa wineglass,

"Ok lang, kuya"

"By the way, don't call me like that, just call me by my name" and he taked a sip

Napangiwi ako sa sinabi nya, tama ba naman yon? habang nag-uusap kami ay hindi talaga ako makatitig sa kanya, nakakahipnotismo ang mga titig nya at lalong lalo na ang makisig nyang katawan.

"So, you're not comfortable?" ani nya at tumayo, tinungo ang closet at sumuot ng puting t-shirt

Pinagpapawisan ako na kahit napakalakas ng aircon, Namumula na yata ang pisngi't talampakan ko.

May inabot sya sa aking maliit na box, nanginginig ko iyong tinanggap pero hindi ako nagpapahalata

"Thank you"

Nang binuksan ko ang violet na box ay  napaawang ang labi ko,

Its a necklace, but an attractive necklace!

Color red ang pendant nito na teardropped, alam kong mamahalin ito,

"Thank you again, kuy- i mean, Ash"

"It is made from England, and i think it suits you" kinuha nya ang necklace sa akin at sya na mismo ang naglagay sa leeg ko, yumuko sya at halos niyayakap na rin ako, mabuti na lang at nakapusod ang aking mahabang buhok

Nanindig ang balahibo ko ng tumama ang hininga nya sa leeg ko, halos maaamoy ko na rin ang natural scents nya na pinaghalong petal soap

Lumayo sya sa akin at pinagmasdan ako"There you go, it suits you"

How to calm down!

Ngiti lang ang sagot ko sa kanya, pero napansin kong nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata, from green to a,-

bloody red.

How,?

Our eyes locked up in a moment, hindi ko na rin maigalaw ang aking sarili, naririnig ko rin ang bawat pagtibok ng puso ko,

Umiwas sya ng tingin "Get out now"

Doon lang ako natauhan.

dali dali akong lumabas pero nilingon ko muna sya,

"S-salamat ulit"

-------------

"Kuya Alex, we need to ta-"

"What do you like? strawberry or blueberry?"

Napabuntong hininga na lamang ako. Kanina pa ako nagtatanong pero iniiba nya ang usapan. Nasa kusina sya at nagpeprepare ng breakfast namin

"Kuya,-"

"Oh i forgot to buy some special herbs! hahaha so funny darling-"

"Kuya ano ba!" pagpuputol ko

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso "Look honey, baka namamalik mata ka lang. It is not true that kuya Ash is a monster"

Tinalikuran nya ako at pinagpatuloy ang pagluluto, i went upstairs at napatigil sa unang kwarto, heto ang kwarto ni ku- Ash.

As always palagi itong nakasara at parang multo lang ang nasa loob. I decided to go to my room at kukunin ko lang ang mga notebooks na kailangan ko dahil tuturuan ako sa last day na to,

Yeah, baka kung nasa University ako eh makakaranas ako ng graduation, nakakalungkot isipin na parang hindi ako malaya,

"Kuya Alex, bakit po wala tayong mama at papa?"

"Kasi nga be, nasa ibang bansa nga sila, kasama si kuya Ash natin. Maybe, uuwi si kuya Ash kapag nasa high school ka na or nasa college"

Naisip ko rin na, bakit wala yata kaming connection sa parents namin if nasa ibang bansa talaga sila?

-----------------------

"Congratulations Ms. Landgreen! isa ka na ring ganap na Fashion Designer!" sabay beso sa akin ni miss Cue.

Fashion Designer ang kinuha ko dahil mahilig ako sa mga designs about Fashions. Hanga nga sa akin si miss Cue dahil napakagaling ko raw sa mga naturuan nya.

My brother spend almost a million para lang mapaaral ako ng homeschool, at dahil nga malayo kami sa syudad.

Nasa labas kaming dalawa at nag-uusap, pero nagulat ako ng napatigil si miss Cue at biglang sumeryoso ang mukha.

"Tatapatin na rin kita Ceana, alam kong nawiwierduhan ka na rin sa kuya mo. Mga ilang years na rin akong nagtuturo sayo at tila yata na hindi sila tumatanda"

Kinabahan rin ako sa sinabi nya, akala ko ay ako lang ang nakakahalata.

"Tatapatin na talaga kita, inhale"

sinunod ko naman sya, baka marelax pa ako

"exhale"

"inhale, exhale"

"Ceana" tiningnan nya ako ng parang nag-aalala

"po"



"Anong iniintake ba nila? conzace ba? ano yung ginagamit nyang sabon? yung lotion, mga beauty products, bilis na at oorder lang ako sa Lazada!"

duon na ako napangiwi, is she a psycho?



"Congrats sa bunso namin!!" kuya Alex said happily while he served my favorite food ever, ang roasted turkey.

Nasa hapag kainan kami tatlo at nagsimula nang kumain, habang kumakain ako ng paborito ko ay inabutan ako ni kuya Alex ng regalo

"Thank you kuya pangeet" mamaya ko na to buksan

May inaantay pa akong isa pang regalo pero mga ilang minuto na ang nakalipas ay walang wala.

"Kuya busog na ako" tumayo na ako at bitbit ang regalo nya, pumunta ako sa kwarto ko at naupo sa kama,

Bakit ganyan sya? ano bang problema nya? bakit parang may kakaiba sa kanya?

I have crush on him since the day that i met him for the first time ever in my entire life, kahit na kuya ko sya ay parang hindi ko feel na totoong kuya ko silang dalawa,

He, he is my love for the very first time.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon