Chapter 1

33 9 0
                                    

"So, bukas, may pupuntahan ako, kaya sa susunod na araw na lang, ok ba yon?"

"Yes po"

Matapos akong turuan ni Ms. Cue ay lumabas na sya ng bahay. Actually, homeschool ako since kindergarten till now, and im already college, yeah seriously hindi lang sya ang tumuturo sakin kundi marami. My brother Alex told me na huwag lalabas ng bahay. Hindi lang ngayon ako nagtataka kung bakit, kundi since nung ako ay nakakaintindi na ng mga bagay.

My brother told me na uuwi raw bukas yung kuya namin, our older brother.

He works in US for so many years since i was a child, at wala pang kamalay-malay. I cannot see his face, kung kasing gwapo rin sya ni kuya Alex.

Noong bata pa ako ay marami pa akong mga yaya na nag-aalaga at nag-aasikaso sa akin. But nagulat nalang ako nung pinalayas iyon ni kuya Alex, kasi utos raw ng Kuya namin.

Im so proud of myself, malaki na  ako, at maputi ang kulay ng aking makinis na balat ngunit nagtataka ako kumbakit naiiba ang kulay ng aking mga mata, samantalang kay kuya alex naman ay berde. Kay kuya Ash kaya? asul ba o berde rin?

Muntik na akong mapatalon nang bigla akong gulatin ni kuya

"The heck kuya! please lang huwag mo akong gulatin! palagi nalang to eh!" at pinaghahampas ko sya

"Haha, hay nako be" sabay yakap sa akin "Ambango mo, pero bakit ba pangit ka?"

Tinulak ko sya ng buong lakas "Eh kelan ka pa ba naman nagsabi sa akin na maganda ha? for your info pangit ka rin!"

Ayun, at tatawa tawa pa ang timang. Matangkad si kuya, hanggang dibdib nya lang ako, what if si kuya Ash?

alangan naman tsunano diba? tss..

...................

Gabi na at as always patay ang lahat ng ilaw maliban sa kwarto ko. Kuya alex said na nagtitipid daw ng kuryente, wow, isang milyon nga barya lang sa kanya. Pero hinayaan ko na lang sya sa tri nya

Noon pa naman ay marami rin akong bawal like, lalabas ng hacienda, makipagboyfriend at marami pang iba. Once lang ako nakapunta ng syudad, when i was seven years old na kasama si kuya Alex.

Nasa veranda ako at tumatanaw sa buong paligid na ang tanging ilaw mula sa buwan lang nanggaling, kung kaya't makikita ko pa rin ang ganda ng paligid, lalo na sa hardin namin na kay puno ng pulang rosas.

Malaki ang bahay namin, nakakatuwa lang tapos dalawa pa yung nakatira.

Nag-iisa lang ang bahay namin at wala ni isang bahay akong natatanaw, at napakalayo pa namin sa syudad.

Dahil inaantok na ako, napagpasyahan ko nang pumunta sa kwarto ko

Naisip ko rin na tila hindi tumatanda si kuya Alex? amputi nya, ang kinis ng mukha na walang kapores pores.

Btw matutulog na talaga ako

Excited na akong umuwi si kuya Ash.

................

Gumising ako ng maaga at napagpasyahang maligo bago bumaba. Pero obviously si kuya ang palaging unang nagigising.

Pagbaba ko ay napakaraming pagkain sa mesa, at obviously ulit inorder to ni kuya, kelan ba to nagluto? eh nagprito nga lang ng itlog sunog pa

"Oh be gising ka na" he said habang inaayos yung mga pinambili nya,

"Ay hindi baka tulog pa" pabiro kong sagot. Ang gwapo talaga ni kuya, nakapajama pa sya at nakasuot ng kulay puting Vneck shirt, di ko rin maiwasan na mapadako ang tingin ko sa namumukol nyang-

gosh what am i thinking! but its ok im at the right age na, 20 years old. Pero mali pa rin itong iniisip ko!

Napansin nya yatang nakatitig ako sa ano nya, kaya napangisi ang duwag

"What are you looking at be? eyes up now"

shit..don ako natauhan

"Ah..w-wala.. masarap yata yung binili mo, ipagtimpla mo na ako ng gatas, bilis!"

........................

Nakaupo ako sa sala at nagtitipa ng phone. Si kuya Alex naman ay sinundo na si kuya Ash sa airport, na eexcite ako at kinakabahan.

May ka chat kasi ako, Veah ang pangalan, kasing edad ko rin sya. Pag nabobored ako ay nagvivideo call lang kami at ang ganda nya kahit morena, at kulot ang buhok.

Narinig ko ang paparating na sasakyan ni kuya, malamang kanino pang sasakyan ang papasok dito

Kinakabahan ako at the same time na eexcite na binuksan ang pinto, paglabas ni kuya Alex at sya ring pagbaba ng.....

kasing tangkad nya.

Tama nga ako, so, mas gwapo to kay kuya alex, antangos ng ilong at, parang kasing edad nya si kuya?

Nakasuot ito ng itim na jacket, at grey na Vneck shirt sa loob, black pants din sa baba at hila-hila ang malaking maleta

Pumasok ako at napaupo sa sala, base sa ekspresyon at aura nito ay mukhang suplado, na ewan.

Kinakabahan talaga ako, at dumagdag pa iyon ng bigla silang pumasok,

Kuya Ash looked at me in a cold way, walang ka-ekspresyon ang mukha, at  biglang umiwas at tinungo ang hagdan paakyat at papunta sa kwarto nya. Kuya Alex also told me na hindi ko dapat bubuksan ang kwarto nya, na pwede nya naman i-lock iyon pero sinunod ko nalang ang utos nya.

Para akong sinaksak at binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa simpleng pagtitig nya sa akin,

Malakas rin ang kutob ko na may kakaiba sa kanya, at also kay kuya Alex. Kuya Ash is also a green-eyes.

Posible nga na, ampon lang nila ako,

...................

Nasa kwarto ako ngayon at nag-iisip kanina pa, nang may kumatok sa kwarto ko at mabilis akong napahiga at nagtalukbong ng kumot

"Be, baba na kakain na tayo"

I didn't respond...

"Be, ayaw ni kuya na pinag-aantay sya, please lang gusto nya tayong makasabay kumain"

Tumayo na ako at habang sumusunod sa kanya na bumaba ng hagdan ay inayos ko ang pagkatali sa aking buhok

Heto na naman ako kinakabahan.



Habang nasa hapag-kainan, ay di ko maiwasan na halos mabulunan, hindi ako halos makalunok ng kinakain ko, pati ba naman kasi ang amoy ng lalaking ito ay matapang at medyo cold rin!

Muntik na akong masamid nang tapos na syang kumain at  napatingin sa akin, pinagsalikop nya muna ang kanyang mga palad at,

ayan na naman ang mga mata nyang nakakahipnotismo

"How are you, my Princess Ceana?"

Pati ba naman yung tinig at pananalita, cold rin!

Ceana is pronounced as "syana"

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon