Damon James Montefalco

13.2K 142 8
                                    

"Ang haba ng hair mo Eba" bulong ng mga kasama ko. Umiling nalang ako at nag umpisang ligpitin ang mga gagamit nadadalhin ko.

"Ano bang pangalan ng gwapong lalakeng yun?" Tanong ni Maye. Hindi ako sumagot sa halip ay nagkunwari akong hindi  sya narinig at pinagpatuloy lang ang pagligpit ng gamit.

"Nakailang balik na ba yun Anna?" tanong ng isang kasama ko.

"Ikapat na ngayong week. Nako Eba alam naming ikaw ang binabalikan nya dito" hagikhik ni Anna.

"May mga bitbit din syang mga pagkain kapag bumibisita dito! Athena, sagutin mo na sya para may libreng meryenda araw-araw" tumawa naman sila sa sinabi ni Maye

"Tumigil nga kayo." Saway ko sa kanila, umalis na ako pumunta sa kanyang room

Nang makapasok ako ay agad kong narinig ang boses ni Dr. Avilla.

"Oh nandito na pala ang personal nurse mo. May kailangan ka pa ba?" Nakangising tanong ni Dr. Avilla sa kanya.

Ngumisi rin sya ng nakakaloko at umiling ng mabilis.

"Oh sige, aalis na ako. Eba alagaan mo ang pasyente natin ha. Malala ang sakit nyan wala pang gamot" mahinang sabi ni Doc at tinapik nya sa balikat ang pasyente at umalis.

Hindi ko imatatanggi talagang gwapo  ang isang ito.

Umupo sya ng maayos at tinignan ako.

Inirapan ko sya at tumawa sya ng malakas.

"Ano naman bang trip mo Damon?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"You don't wanna date me" sagot nya sa akin.

Humarap ako sa kanya. I like him pero hindi nya dapat malaman yun dahil sigurado akong hindi na sya titigil.

"Kaya mo ako ginugulo sa trabaho ko ngayon?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Pilit nyang pinipigilan ang kanyang ngiti.

"May sakit ako, won't you take care of me?" Pagpapacute nya.

Damn him.

"Anong sakit mo? AIDS?" Tanong ko sa kanya agad naman syang tumawa ng malakas.

Tinapunan ko naman sya ng throw pillow at tumama ito sa kanyang mukha.

"Fuck! Aray"sigaw nya at kinamot ang kanyang noo.

Masyado atang napalakas ang pagtapon ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kamang hinihigaan nya.

"I'm sorry, ikaw kase ang kulit mo eh. Saan ang masakit?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Bigla naman syang natahimik at ngayon ko lang napansin kung gaano kami kalapit ngayon.

Hinawakan nya ang aking kamay habang tinitignan ako sa mata.

Hindi ako makagalaw para akong naghihina. Hindi ko mahanap ang aking boses.

Agad nyang tinuro ang kanyang labi.

"Dito masakit" sabi nya at ngumisi ng nakakaloko.

A way to ruin a moment.

Agad ko syang tinulak at iniripan.

Halos tatlong linggo na syang pabalik balik dito sa hospital.

At halos araw-araw nya rin akong kinukulit.

"Nag-aaksaya kalang ng pera! Umuwi ka na nga!" Sabi ko sa kanya.

Ngumisi sya at inaayos ang kanyang buhok.

"Date me first" inirapan ko sya.

Alam ko ang reputasyon ng lalakeng to. Mali, reputasyon ng mga lalakeng Montefalco. Playboy.

Jonaxx BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon