The Bestfriend

20 2 0
                                    

A/N: Ito po ay filler page lamang para sa buong istorya. Kailangan ko pong isulat ang parteng ito pagkat mayroon siyang malaking gagampanan sa pagkakalikha ng series na ito. Bale magiging tatlong aklat po ito pero sisikapin kong hindi ganoon kahaba maliban na lang kung kailangan. Malalaman po ninyo kung bakit napakahalaga ng filler na ito balang-araw. Without further ado, here comes the fourth chapter.

"I Love You... maybe one day you'll love me as much as I do...."

[Pananaw ni Crista Alliana]
-Flashback-
            Papunta ako sa bahay ng mga Denosta pagkat mayroong pagdiriwang. Nagtapos kasi kanina bilang Summa Kabi Langbuhay este Summa Cum Laude si Kuya Angelito kanina sa kolehiyong kanyang kinabibilangan. Nakakapagtaka na maraming handa pero wala yung dahilan ng pagdiriwang. Kaya tinanong ko si Papa Edgardo este Mang Edgar kung nasaan yung iniirog ko este yung bestfriend ko.
          
               Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Crista Alliana Garcia. Lakaiba ba ang pangalan ko?  Kinuha yan mula sa pangalan ng mga magulang ko. Christopher at Allia Natasha ang pangalan nila. Labingpitong taong gulang. Ahm ano pa ba? Sexy pero medyo malaman naman nang kaunti. Maputi ang kulay ng balat at mahaba ang buhok. 5"3' ang taas kaya mas matangkad ako kay future hubby. Madalas sumali sa mga beauty pageants sa bayan. Sumasali din ako sa singing contests pagkat hilig ko ang pagkanta. Sikreto lang pero alam nyo bang magaling din kumanta yung mamang kanina ko pa hinahanap?  Duet nga kami madalas niyan eh. Nananalo naman kami. At siyempre ang pang-finale kong paglalarawan sa sarili ko,  head over heels ako kay future hubby. Saka nyo na lang malalaman kung bakit.

"Nandyan lang yun sa creek. Marahil nagpapalipas ng sama ng loob. Ewan ko ba sa asawa mong iyon este sa anak kong iyon kung bakit sa halip na nagdiriwang eh nagmumukmok doon at nag-iinom pa yata",     sabi ni Papa este Mang Edgar. Napamulagat na lang ako pagkat tinutudyo ako ni Papa este ni Mang Edgar sa soon to be hubby ko. Mabiro lang iyan pero mabait naman. Kumbaga kapag naging bahagi ka ng pamilya nila,  walang dull moment kapag oras ng biruan. At ayun nga pinuntahan ko ang kinaroroonan ng hubby este ng bestfriend ko. Naramdaman yata niyang papalapit ako. Sinikap niyang itago ang bote ng Pulang Kabayo sa kanyang likod ngunit di ito nakaligtas sa mapanuri kong paningin. Alam ko naman kung bakit nagkakaganyan yan eh. Babae na naman ang dahilan. Di yata iilang beses nang ganyan ang ginagawa niya kapag nasasaktan. Di yata iilang beses na ding ako ang dumadamay sa kanya sa mga ganitong pagkakataon. Isa nga pala siyang Christian. Huwag niyo sana siyang huhusgahan mga mambabasa ha? Hindi naman yan laging umiinom. Kung bakit ba kasi -

"Bakit ba kayo ganyan na mga babae? *Hik* Makuha nyo lang ang gusto nyo *Hik* sa aming mga lalake, pagkatapos iiwan nyo kami nang ganoon na lang. *Hik* Ni wala man lang kayong konkretong dahilan. You always leave us hanging. You always leave us clueless", sabi pa nitong bulag na lalaking ito. Lasing na nga talaga itong kumag na ito. Nage-spokening dollar na eh. Hindi po siya literal na bulag. Teka parang ang gulo lang mga mahal kong mambabasa ano? Bakit kamo? Kasi naman matagal na akong may pagtingin sa lalaking ito aba'y hindi yata makita ang halaga ng magandang si ako. Lahat naman ng napupusuan niya, (maliban sa akin siyempre) sinasaktan lang siya o kaya ay iniiwan. Ewan ko ba naman kasi sa lalaking ito at tila hindi tinatanggalan ng kaliskis ang mga mata kapag ako ang kaharap. Ako tuloy itong nasasaktan para sa kanya. Nandito naman kasi ako. "Sino na naman ba kasi yan? Sino na naman ba ang nanakit sa mahal ko e este sa bestfriend ko?", tanong ko sa kanya. "*Hik* si Kat. Yung syota ko ng dalawang *hik* taon sa kolehiyong pinapasukan ko. Akala ko talaga *hik* siya na eh. Parang nung *hik* nakaraan,pinag-uusapan pa lang *hik* namin mga pangarap namin na kapiling ang isa't isa. Ang hindi ko *hik* alam, ako na lang pala mag-isa ang tutupad pagkat *hik* pupunta na siya ng Amerika. Sabi pa niya kung malalamnan ba *hik* ng mga pangarap namin ang aming mga sikmura. Packing tape lang di ba?", litanya niya. Ang totoo, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko pa kasi nararanasan na maiwan eh. Lalo na kung isang tulad ng manhid na ito ang gagawa nun sa akin. Ang magagawa ko lang talaga yung ganito na nakikita niya ang maganda kong presensiya. Ganoon dapat, self-supportive di ba?"Kailan ba ang alis niya? Gusto mo samahan kita? Malay mo naman maliwanagan tapos hindi ka na niya iwan. ", sabi ko pa. "Mamaya yatang alas dose ang lipad ng eroplanong sasakyan niya . Talaga sasamahan mo ako? Kaya naman mahal ko ang bestfriend ko eh. Maaasahan talaga kita. Hayaan mo, kapag hindi nga siya umalis,ilalakad kita sa mapalad na lalaking napupusuan mo. Baka nga itakbo pa kita para sa mga pabor na nagawa mo sa akin eh.", sabi niya. Ouch!  Okay na sana yung mahal eh kaso may bestfriend pa. Ilalakad? Saan? Sa sarili mo? Sige nga aber tingnan natin kung hindi ka magisa sa sarili mong mantika kapag nalaman mong ikaw mismo ang tinutukoy mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-sided Love (Unrequited Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon