"Love isn't always about keeping, it sometimes mean letting go."
[Pananaw ni Angelito]
Eto na nga, napagkasunduan naming magkakasama na pumunta sa Central San Pedro (hindi ang eskuwelahan sa Poblacion ha?) Nang makapasok na kami doon, meron pang bakanteng mga puwesto. Mapupuna mong dayuhin ang lugar. Madali lang kasi itong makikita kapag naglalakbay ka mula Muntinlupa o Biñan. Naglibot ako ng aking paningin at ewan ko ba kung bakit may isang babae doon na naka-agaw ng pansin ko. Solo lang ito sa kanyang lamesa kaharap ang beer tower at panay ang tungga. Tila ba parang tubig lang dito ang serbesang iniinom. Iniwan ko ang mga kasama ko sa labas sabay sabing: "Maghahanap ako ng puwesto natin". Bumanat naman si Brian Ray ng: "Duduty na naman ang anghel ng grupo oh".Naghalakhakan ang mga naiwan sa labas.[Pananaw ng Guwapong Manunulat]
Biglang dumating ang isang lalakeng may dala pa ng skateboard, si Michael. "Sabi na nga ba at dito ko kayo makikita eh",sabi niya. "Kasama n'yo na naman ba si...",pahabol pa niya. "Ayos lang na hindi siya uminom basta kasama siya sa atin. Maigi na at nang makapaglibang siya nang sa gayon,makalimutan niya si Katrina", ani Yuanito.Samantala, si Angelito naman ay lumapit doon sa babae na akmang tutungga na naman ng panibagong baso. Nahawakan niya ang baso, inagaw ito sabay sabi: "Mukhang malaki ang problema natin ah. Hindi mawawala ang problema mo sa pag-inom. Masusunog lang ang atay mo dyan". Tumingin sa kanya ang babae at inagaw ang baso sabay tungga. "Ano ba ang problema mo hik? Wala kang pakialam hik. Kung wala kang kashama,eh di samahan mo na lang ako. Iniwan ako ng sira-ulo kong nobyo hik para sa kanyang lintik na pangarap hik. Pare-pareho kayong mga hik lalake", sabi nito. Umupo na lang si Angelito sa upuan sa harap ng babae at napatitig ito dito. Maganda naman ang binibini, nangungusap ang mga mata at maganda ang mga ito. Sa tantiya niya ay nasa 5'4" ang taas nito. May kaputian ang balat at may kaseksihang manamit. Nakita din niya ang nameplate nito sa damit na nakalagay ay "T.Reyes". Nahinuha ng binata na di-malayong mabastos ito doon lalo't nag-iisa. "Love isn't always about keeping, it sometimes mean letting go. May dahilan kung bakit pero dapat mo nang palayain yung lalakeng yun. Hindi naman porke't pinakawalan mo siya ay hindi mo na siya mahal. Ang totoo mahal mo siya kaya nanaisin mo siyang lumigaya sa piling ng iba. Kaysa naman itali mo siya sa sarili mo habang buhay at kapwa kayo magdurusa", sabi ko sa kanya habang matamang nakatitig sa kanya. "Anong tinitingnan mo dyan hik ?Di bale na nga hik kaysa naman sa saluhan mo ako. Ubos na ang pera ko hik kaya di na kita malilibre hik kahit softdrinks na meron sila dito", sabi ng dalaga. "Ano? Iinom-inom ka, hindi ka nagtira ng pamasahe mo pauwi. Delikado para sa isang tulad mo na umuwi nang naglalakad at mag-isa. Baka mapano ka pa sa daan.", sabi niya dito. "Hindi, ayos lang ako pagkat tinawagan ko na ang pinakamatalik kong kaibigan para sunduin ako dito. Kasama ko sana siya kaso may inasikaso lang kaya ito solo ako maliban na lang ngayon na nandyan ka nga.", sabi ng babae sa kanya.
Maya-maya pa, naramdaman ng dalaga na may humipo sa kanyang puwetan. Parehas silang napatingin ni Angelito sa gumawa noon sa dalaga. Kung ilalarawan ang lalaking gumawa noon ay mas lamang pa sa kanyang itsura si Empoy. Sinampal ito ng babae. Nagawa namang hawakan ng lalake ang dalaga sa kamay at akmang hahalikan, buti na lang at dumapo sa pisngi nito ang kamao ng binatang kasama ng dalaga. Nagpambuno na ang dalawa. Lamang si Angelito pagkat wala siyang karga ng alak. Natsambahan siya ng katunggali at nasuntok siya nito na ikinaputok ng kanyang labi. Napupuruhan na ang pangit na lalaking kasagupa ni Angelito nang lumapit si Elmer, kabarkada nila Angelito at nagmamay-ari ng nasabing establisimyento. Lumapit na din ang Tropang Gitara. "Salamat sa pagtatanggol sa akin.Di ko alam ang mangyayari kung wala ka dito", sabi ng dalaga. Nagsasalita pa siya nang dumating naman si Monique, ang sinasabi ng dalaga na susundo sa kanya. "Teressa! Buti na lang at hindi ka napahamak. Kaya nga ba pinipigilan kitang pumunta dito nang hindi ako kasama eh.", sabi ni Monique. Tila naghugis-puso naman ang mga mata ng ating bida nang madinig ang pangalan ng dalaga. "Teressa pala ang pangalan niya. Bagay sa kanya ang kanyang pangalan.", sabi ni Angelito sa kanyang sarili. Nasa ganitong pagmumuni ang binata ng tinawag ng dalagang iniligtas ang kanyang pansin. "Mister!" "Ano yun?", tanong naman ng binata. "Ah eh, kako baka puwedeng sumama ka sa amin, sa bahay ko. Magamot ko man lang yang sugat mo sa pagtatanggol sa akin.", anang dalaga. Di naman nag-atubili ang binata at pinaunlakan ang paanyaya ng dalaga.
Ano kaya ang magiging kaugnayan ng dalawa sa isa't-isa? Sino si Katrina? ABANGAN!
BINABASA MO ANG
One-sided Love (Unrequited Love Story)
Novela JuvenilAno kaya ang pakiramdam na ang pagmamahal na kaya mong ibigay ay hindi niya magawang ibalik? Paano kapag, nagkapalit kayo ng kalagayan? Yung taong hinahabol mo noon na hindi ka magawang lingunin ay siyang humahabol sa iyo ngayon? Sundan ang isang is...