Araw at gabi ako'y nananalangin
Upang ipagdasal itong daigdig natin
Nang sa gayon tayo ay pagpalain
Ng diyos amang mahabaginDalangin ko sana'y pakinggan
Nagbabadyang gera sanay maiwasan
Upang tao'y di maranasan
Mga nakaraang siglo, puro kahirapanGayon din bigyan ng kaliwanagan
Kaisipan ng bawat pinuno ng mamamayan
Upang magkaroon ng kapayapaan
Dito sa mundong ating ginagalawanSa oras ng kagipitan
Kami ay iyong tulugan
Pagkat kaming mga anak mo'y walang kalaban-laban
Sa masasamang elementong laging nariyan na nagaabang sa kung saanKami ay iyong patawarin, sa aming mga kasalanang gagawin
Pagkat kami'y di matuwid, ni maamo ay gayon din
At minsan pa'y nabubulid sa dilim dala ng takot na di kayang harapin
BINABASA MO ANG
Tulang niLikha para Sayo
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay base sa aking karanasan at pagmamasid sa paligid.