BREAK UP

331 6 0
                                    

Break na tayo, yan yung huling salitang narinig ko mula sayo
Ang mga salitang kinatatakutan ko, dahil ayukong mawala ka sa buhay ko
Mahal hindi ko alam kung paano at bakit, ngunit pano mo nagawa sa akin ito
Wala akong kaalam-alam sa pagaakalang okay pa tayo

Minsan naisip ko bakit nga ba tayo umabot sa ganito
Oo, aaminin ko marami ang nagbago
Ikaw na bumabati sa akin sa umaga ang syang laging hanap ko
At palaging hinihiling na sana'y bumalik ka sa piling ko

Nakakamis rin pala ang mga panahong tayo ay masaya
Na tila walang makakapaghiwalay sating dalawa
Paulit-ulit kung binabalikan mga masasayang ala-ala
Oo, tama ka mga masasayang ala-ala dahil tayo ay tapos na

Mahal suko na ako, hindi dahil gusto ko
Dahil ito ang nais mo
Nais mong kalimutan kita
Ngunit paano ko ito magagawa, kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

Pero tama ka, dapat na nga sigurong kalimutan kita
Kalimutan ang mga ala-alang nangyari sa pagitan nating dalawa
At hindi na rin ako aasang ika'y magbabalik pa
Dahil sayo na mismo nanggaling ang salitang 'Ayuko na'

Tama na, magpapahinga na ako, hanggang dito na lang yata talaga tayo
Makaka-asa kang makakalimot rin ako
At darating din ang araw na wala na akong pakiaalm sayo
At pangako hinding-hindi na ako magmamahal ng kagaya mo

Tulang niLikha para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon