040

1.2K 40 5
                                    

Hi. I'm back with an update! Sorry, I had to prioritize my acads and duties as a student. Here's a super loong update pambawi sa matagal niyong paghihintay. Your votes and comments are highly appreciated :))

040
#RRMidnightSky

"What's with your face?"

Halos maibuga ko ang iniinom kong softfrinks pagkatapos kong matanaw ang nakabusangot niyang pagmumukha. 'Yan ba naman kasi ang bubungad sa akin? What a nice way to welcome me.

He was already wearing his complete basketball attire, at mukhang kanina pa siya nagte-training dahil tagaktak na ng pawis ang buong katawan niya. Well, he still looks... fine though. The combination of color maroon and white jersey fits him.

Pero sa itsura ng mukha niya ngayon, mukha siyang batang inagawan ng candy.

He rolled his eyes at me.

"Ako, 'wag mong mairap-irapan diyan, Ricci..." I rolled my eyes at him, too. Bigla siyang napatingin sa akin, gulat sa kung anumang dahilan. "Hindi tayo close."

"Ha? Hindi ba tayo close?"

"Oo."

"Akala ko ba friends na tayo? Malapit na nga tayong mag-monthsary as friends, eh." He smiled from ear to ear.

Oo na, ikaw na may magandang set ng ngipin.

"Hindi pa nga... I mean yeah, we're friends but there's still a lot of things that we don't know about each other."

He smirked. "Then let's get to know each other better and... let's see where it would lead us. What do you think? Malay mo we can be more than friends—"

"You're crazy..." I cut him off.

"More than friends... as in best friends!" he chuckled.

"Weirdo..." I whispered and made face. 

I took another sip on my softfrinks as we walk towards the gymnasium. Sinusundan ko lang siya dahil siya ang nakakaalam ng rules during their training. Hirap akong makasabay sa bilis niyang maglakad.

Ang haba kasi ng legs.

"Laptop and bag, please," he offered me his hand. Tinitigan ko lang iyon.

"Kaya ko na. Ako na bahala sa gamit ko."

He clicked his tongue. "Huwag nang makulit. Baka mamaya makalimutan mo 'yang mga gamit mo dito sa gym, sige ka."

"Hindi ako mabilis makalimot..."

A hint of smile showed up on his lips. Para bang gusto niyang matawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"I'll not steal your things, okay? Ilalagay ko lang sa locker ko para safe. Tsaka baka mamaya matamaan pa ng bola 'yang gamit mo, lalo na 'yang laptop. Baka masira pa. Sige na, Ulan," he took a step closer towards me.

Hindi na ako nagpumilit pa at ibinigay ko na ang mga gamit ko sa kaniya. He put one strap of my bag on his right shoulder. Nagmukhang maliit ang bag ko noong sinuot niya. Ang daya. Bakit kapag ako ang nagsusuot ang laking tingnan? Para akong nasa grade school.

I waited for him. Inilagay pa kasi niya ang mga gamit ko sa locker. Ayoko namang magpadalos-dalos sa mga kilos ko dahil baka magkamali at mapahiya ako. Really, social anxiety sucks.

This is not my first time here in the gym, but it's my first time watching their actual training. I also watch some of their games, but it's mainly because of Margaux and Miguel.

Sila kasi 'tong nag-aayang manood tuwing may games. Kaya 'yon, sumasama nalang ako kahit wala naman akong alam pagdating sa basketball.

Rinig na rinig ang ingay ng mga sapatos sa loob. Everyone's training really hard, and I can see the determination in each and every one of them. Some of them are just warming up, and the rest are already playing. Isang linggo nalang kasi, at simula na ng season.

Midnight SkyWhere stories live. Discover now