050

1K 26 5
                                    


050
#RRMidnightSky

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Ricci. My eyes drifted at his haircut automatically. Sinubukan kong hindi tumawa, pero pumalya ako.

"Don't hold back your laugh anymore, Rein. I know you wanna laugh at me." He pouted and scratched his nape.

"H-Hindi kaya ako n-natatawa..." Heck, I want to burst out laughing right now really, really bad.

"Para ka lang kamatis sa sobrang pula ng mukha mo kakapigil ng tawa." Aniya na parang bata na inagawan ng candy.

I took a deep breath before talking.

"Hindi nga. Bagay naman ah?"

His lips curved, forming a smile all of a sudden. 'To talaga, nakarinig lang ng puri mula sa akin, tuwang tuwa na. As if my opinion matter.

"Talaga?"

Tumango ako.

"How do I look? Do I look handsome?"

I tilted my head to act as if I'm observing him. Well, I must admit... medyo bagay naman kasi talaga sa kaniya kahit anong style sa totoo lang. Medyo... ano.

I swallowed hard and continued staring at him. He did the same thing, too, and it's not helping. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng pagkailang?

Na hindi ko naman dapat maramdaman?

Ah, basta. Ewan.

"Medyo... gwapo." I smiled a bit.

He smirked at me and licked his lips.

"Medyo lang?" Aniya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Matapang ko siyang tinitigan pabalik.

Baka sabihin niya iniiwasan ko siya ng tingin kasi crush ko siya.

Hindi 'no.

"Okay." I breathed heavily. "Gwapo na."

He smiled widely.

"Ha?" He acted as if he wasn't able to hear anything. Gusto niya pa yatang ulitin ko ang sinabi ko.

"Hatdog." I replied instead.

"Hala si Rein, oh." He pouted. "Dali na."

Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hatakin ako papalapit sa kaniya.

"Rein?" He called me in a serious tone this time. "Rein... may gusto sana akong sabihin sa'yo. Kung ayos lang naman." It was almost a whisper.

His voice sent shivers down my spine, making my knees tremble a little bit. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maintindihan kung bakit ko ba ito nararamdaman. Noong una naman, naiilang din ako sa kaniya pero hindi ganito. Hindi sa ganitong paraan. Alam kong this time, may kakaiba.

"A-Ano?" I tried so bad not to stutter but obviously, I failed.

Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa tumapat na ang kaniyang bibig sa aking tainga. I can feel his breathing, and it's not helping.

"Nasaan ba ang CR mo dito?"

My heart started pounding. Ano na naman ba kasi 'to? Power trip na naman ba 'to? Gusto ko siyang itulak.

"Natatae ako, Rein." He burst out a laugh.

Agad kong hinampas ang kaniyang dibdib at tinulak palayo. Pagkatapos ay muli ko siyang pinagsusuntok. It seems like it's not hurting him, though. Sa liit ko ba naman, mukha ngang wala namang suntok na tumatama sa kaniya. Patuloy lang siya sa pagtawa habang ako, stressed as fuck na.

Midnight SkyWhere stories live. Discover now