PART 8:P.O.V pa rin ito ni jake ..
Hayysss ,grabe ang mga nangyari ngayon araw ,,day off ko nga di naman ako nakapag pahinga ,grabe ang babaeng yun di napapagod ,akala niya talaga magsasabi ako sa kanya na may kambal ako,humanda sa akin yung babaeng yun ,ang daming kasalanan niya sa akin at ito na naka uwi na rin ako sa wakas ,natutulog na kaya sina mama at yung kapatid ko ,baka natutulog na ata alas 9 na kasi ng gabi,sarado na yung ilaw , at ayun pagbukas ko ng pinto ay natutulog na talaga sila ,kawawa nman kapatid ko dito na nakatulog sa sala ,ayun nilipat ko siya sa kwarto ni mama ,teka bakit hawak hawak ni mama yung picture ni jacob ,hanggang ngayon di pa rin niya nakakalimutan si jacob ,oo guys si jacob ang favorite ni mama ,hindi ako kasi mabait raw si jacob,at matalino .eh .ako ang bobo ko kasi at palaging pasaway pero nagbago naman ako nun nung nawala yung kakambal ko ..bukas ko nalang kakausapin si mama about sa boss ko ,malamang tulog si mama ngayon ..bobo ko talaga ..
Ayun hay salamat nakahiga na rin sa wakas ,at grabe di pa rin ma alis sa isip ko yung mga nalaman ko ,papasok ba ako bukas ,ewan ko ..si doreamon na ang bhla sa akin .sana nga andito si doreamon kasi para ma solve nya problema ko ..at ayun unti unti ng pumikit mata ko at zzzzzzzzz !!
Kinabukasan.
Kapatid ko: kuya ,kuya ,gising na ..
Ako: hhmmmm ..trisha ,anu ba natutulog pa ako ,
Trisha: anu ba kuya ,gumising ka na ,bigyan mo na ako ng baon ,male late na ako .kuya ..
Ako:(tumingin ako sa orasan) anuu .alas 8 na pala ,bakit ngayon mo lang ako ginising .
Trisha: si kuya naman ,isang oras na kaya akong nandito para gisingin ka ,ayaw mung magising
Ako: grabe isang oras talga. ,halika nga dito ,napaka sinungaling mo .
Trisha: sige na kuya ,bigyan muna ako ng baon .
Ako: kunin mu yung pitaka ko dun sa may bag ko .
Trisha:(kinuha nya yung pitaka ko at binuksan nya) oyyu kuya ,ang dami mo namang pera ,1,000 yung kukunin ko ha ..heheeh (agad nyang kinuha yung 1,000 at agad na binalik sa akin ang pitaka)
Ako: hoy .trisha ..grabe .1 week muna yang baon mo ..
Trisha: thank you kuya .kaya nga love na love na kita eh ..bye
Ayun ,umalis na kapatid ko ..guys akala niyo si trisha ay 6 years old pa lamang ,hehehe .nagkakamali kayo ,17 na sya ..at grabe yung kapatid ko yun .ang lakas maka hingi sa akin .ay oo nga pala kailangan kung maka usap si mama ,agad akong pumunta sa sala ,nakita ko si mama ,nagluluto ng pagkain ..
Ako: ma ,kamusta na po yung sakit nyo .uminom na po ba kayo ng medisina
Mama ko: di ka ba papasok ngayon ,anung oras na bka hanapin ka ng boss mo
Ako: ma ,nagpaalam po ako kay boss na absent lang muna ako ngayon
Mama ko:bakit ka naman umabsent ,
Ako: ma ,may sasabihin po ako sa inyo
Mama ko:( bigla syang humarap sa akin) anu ba sasabihin mung bata ka ,Ako: ma ,kilala nyo po ba yung boss ko ,may nakaraan ba kayo
Mama ko:(biglang sumigaw) aba ,anu bang pinagsasasabi mu dyan ..
Ako: ma ,nagsabi na po ng totoo yung boss ko na naging kayo raw dati
Mama ko:(bigla syang umupo) halika nga dito jake ,,bakit nya nman nasabi yun sayo
Ako:ma ,kasi gusto ko kasi na mag resign sa companya niya
Mama ko:jake ,please wag kang aalis dun sa companya nya kasi balang araw ay ikaw ang hahawak nun
Pagkasabi nun ni mama ,ay syempre nagulat ako at napasabi na
Natulala ako at anu ba ito lord ,wala na talagang katapusan ang mga nagaganap sa akin ,tiyak may bago na nman akong malalaman na kababalaghan at ayun napatayo ako
Ako: ma ,anu ba sinasabi mo ,anung ibig mong sabihin ,na ako ang hahawak ng companya niya ,di ko maintindihan
Mama ko: jake ,sorry ngayon ko lang sasabihin to sayo .
Ako: na ano ma ,na si boss mike ang tatay ko .yun ba ang sasabihin mo
Mama ko: ,sorry anak ..(umiiyak sya).oo sya nga ang tatay nyo ni jacob .nung umalis sya nun sa abroad ay di nya alam na buntis na ako nun ,gusto ko sanang sabihin sa knya yun anak .huhuhu .kaso wla akong communication sa knya at isa pa dun ay galit na galit ang mama nya sa akin ,yun ay ang lola mo anak ..kaya nung araw na yun ay gusto ko ng magpakamatay nun ,kaso biglang dumating sa buhay ko si juanito ,,alam mo ba anak na magkaibigan sila ni mike ..siya ang nagsilbing maging tatay niyo ni jake kaya tinanggap ko sya at natutunan ko na syang mahalin at tinupad nya nman yung sinabi nya sa akin na bubuhayin nya tayo kaso anak ,nung pinanganak ko nman yung kapatid mo na si trisha ay biglang may nangyari sa tatay juanito mo ,at yun ay binaril sya ,di ko alam kung sino ang bumaril sa knya ,hanggang ngayon ay di pa nahuhuli ang may gawa nun sa knya kaya anak ,nagulat nlang ako ng biglang dumating si mike sa bahay natin at gusto nya na tulungan nya ako .at ako nman gustuhin ko man na di tanggapin yung alok nya ay wala akong magagawa kundi tanggapin kasi wala nman akong maipapakain sa inyo at baby pa nun si trisha kaya anak si mike ang nagpa aral sa inyo ni jacob hanggang sa pag college nyo .oo anak sya ang nagpa aral sa inyo di ko sinabi kasi bka kung anu isipin nyo .
Matapos ipagtapat ni mama ang lahat ay blanko ang isipan ko ,di ako makapag salita at di ko akalain na tumutulo na pala luha ko .sheeet bakit ako umiiyak ..kaya bigla akong napasabi na
Ako: ma ,tama na ,maliwanag na sa akin ang lahat ,so ibig sabihin yan sya ang totoo kung tatay at di pa nya alam na anak niya ako
Mama ko: oo jake ,di pa nya alam ,naghahanap pa ako ng pagkakataon para sabihin sa knya at di pa nya alam na wala na ang kakambal mo .
Ako:wag na ma ,wag nyo ng ipaalam pa sa knya ,may asawa na sya eh .at meron din syang anak na lalaki ,,kaya mas mabuti pang maging ganito nlang ,wag kang mag alala ma ,di na ako aalis sa companya nya .pangako yan
Mama: anak ,sigurado ka .at yung bang tinutukoy mong anak niyang lalaki ay si andrew .tama ba
Ako: opo ma ..at bakit niyo po kilala si andrew .tama po kayo siya nga po
Mama ko: salamat naman anak at di ka aalis ,oo kilala ko siya kasi di nya tunay na anak si andrew .
Ako: anu po ..sigurado po kayo ma ..
Mama ko: oo anak ..kaya nga diba sabi ko sayo na ikaw ang hahawak sa companya nya kaya mas mabuti pang sabihin ko na ang totoo sa kanya
Ako: ma ,please ..hayaan mong ako ang magsabi sa knya ,pero wag muna ngayon .may balak kasi akong gawin .please ma.
Mama ko: jake ,bakit anu ba ang balak mung gawin ,bka kung anu mangyari sayo ,matulad ka kay jacob di ako papayag
Pagkasabi nun ni mama ay natuwa ako kasi ayaw nya pla akong mawala sa buhay nya ..
Ako:(yinakap ko si mama) ma ,magtiwala ka sa akin ,di mo ba alam na madami na ang pinagdaanan ko ,dont worry ma ,kaya ko ang sarili ko
Mama ko:(binatukan ako) talaga lang jake ,cge kung yan sabi mo ,cge na tama na drama natin ,para tayong mga artista .cge na kumain ka na
Ako:(napakamot sa ulo at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya) ma nman ,sa ulo pa talaga ako binatukan ,cge na ma ,tara kain na tayo .kamusta na pla sakit mo .ok kna ba
Mama ko: okey na ako anak ,kaso sumasakit kadalasan yung ulo ko pag hapon.pero okey na ako anak.
Ako: talaga po ,bsta ma ,uminom lang po kayo ng gamot ha ..
At ayun nung matapos na kaming kumain ay nagpaalam ako kay mama ,pupuntahan ko kasi si paul ,tatanungin ko sya kung anu tlga ang nangyari sa knila ni cally
---
BINABASA MO ANG
A MAN FROM MY PAST(COMPLETE) BOOK 1
Misteri / ThrillerRomantic and Tragic Akala ni cally na patay na ang kanyang man from my past, akala niya na minumulto siya nito.. Pero naghihiganti lang pala ang kanyang man from my past sa kanya.. Pero sino kaya kina Jake at Jacob ang dalawang magkambal ang pipilii...