"NAKAKAIRITA ang kakulitan ni Mama," wika sa kanya ni Patrick.
Magkayakap sila sa loob ng isang hotel room at tanging kumot ang tumatakip sa kanilang kahubdan. Katatapos lamang nilang magniig. At bagaman tila hindi magandang paksa ang binuksan ng binata, mas piniling namnamin ni Faith ang ligayang nalasap bunga ng pag-iisa ng kanilang katawan. Isiniksik pa niya ang sarili sa katawan nito.
"Bakit?" tanong din naman niya.
"Isinasama ako sa Amerika."
Hindi siya agad nakakibo. Sa pandinig niya, hindi isang simpleng pangungusap iyon. Malakas ang kutob niya na inilalayo si Patrick ng mama nito sa kanya.
"Nag-aaway na nga kami, eh," patuloy nito. "Sinabi ko naman sa kanya ang mga plano ko. Gustong kong patunayan sa lahat na kaya kong tumayo sa sarili ko. Pinag-aral na niya ako. Kung gagamitin ko ang impluwensya niya, di parang siya na rin ang nagpatakbo ng buhay ko?"
"Hindi ka sasama sa kanya?"
Tinitigan siya nito. "Para iwan ka dito? Nope, Faith."
Ganoon na lamang ang kaligayahang pumuno sa kanya dahil sa narinig. Humilig siya sa dibdib nito. "I love you, Patrick."
"Mahal kita, Faith. Mahal na mahal. Hindi ako makakatagal na hindi ka makikita. Papayag lang akong sumama sa Amerika kung kasama ka rin."
"H-hindi naman iyon puwede."
"Puwede. Let's get married."
Nagulat siya. "M-may plano pa tayo, di ba?"
"Nakikita ko rin naman ang punto ni Mama. Mas maraming opportunity sa Amerika. Iyon nga lang, hindi ako matutukso sa mga oportunidad doon kung magkakahiwalay naman tayo. Pero kung mayroong tsansa para maging magkasama tayo, why not?"
"Akala ko ba, gusto mong patunayan na kaya mong umunlad sa sarili mong sikap?" tudyo niya.
"Sweetheart, magagawa ko rin iyon kahit nasa Amerika na tayo. Baka nga mas mabilis pa nating maabot ang pangarap natin pag nandoon tayo. Magpakasal na tayo."
"Twenty-two pa lang ako," may pangambang wika niya. "Twenty-three ka lang. Baka hindi pa natin makayang magpamilya."
"Ano ka ba? Bakit hindi natin makakaya? Pareho na tayong mature."
"Hindi pa natin nakikita ang resulta ng board exam mo."
Napapalatak ito. "Oo nga. Malapit nang lumabas iyon. Medyo kinakabahan din ako."
"Makakapasa ka, Patrick. Matalino ka."
Pumihit ito paharap sa kanya. "Sabi nila, suwertihan lang kung minsan ang pagpasa sa board exam."
"Suwerte ka naman palagi, ah?" nginitian niya ito at niyakap.
"Yeah. Ikaw yata ang lucky charm ko." Siniil siya nito ng halik at minsan pa ay naghari ang alab ng pag-ibig nila sa isa't isa.
That lovemaking seemed different. There was an extra tenderness in every touch. There was an extra heat in every kiss. There was an extra passion in each thrust. And when she reached her climax, damang-dama niya ang malaking kaibahan niyon sa mga dating naranasan niya.
"I love you, Faith," humihingal pang bulong sa kanya ni Patrick nang tumigil ito sa paggalaw sa ibabaw niya.
Masuyo niyang hinaplos ang basa sa pawis na mukha nito. "I love you too, Patrick. Alam mo iyan."
Ngumiti ang binata at kinintalan siya ng halik sa mga labi. "Alam ko. Faith, kahit na ano ang mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko. Always. Forever."
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer
Romance"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang p...