Chapter 49

1.1K 26 5
                                        

Migo Loire Softsnow

Moin!

Imbes na nasa labas ako ngayon at naghahanap ng mapapatay ay nandito ako ngayon at nag aaral. Tsk! Ilang beses na naming napag aralan iyan!

Mas mabuti pa ang tutor ko! Iba iba ang natututunan ko sa kanya.

MR.SOFTSNOW! Malakas na sigaw ng aming guro na si Ms. Dench.

Patayin ko kaya sya? Wala naman syang ginawa kung hindi ang sumigaw at gumawa ng eksena.

Isa pa ako lang naman ang nag iisang killer na nandito kaya maaari ko syang patayin.

HINDI BA KITA TINATAWAG, MR. SOFTSNOW?! Sigaw pa nya at matamlay ko syang tiningnan saka tumayo.

Nang tumayo ako ay nakita ko kung paano matakot ang mga kaklase ko dahil alam naman nilang lahat na isa ako sa mga pumapatay.

Hindi ko nga alam kung bakit ipinakilala kami ni Mr. Choi ngayon, dati naman ay hindi nya kami ipinapakilala.

SASUSUNOD 'WAG KANG BABAGAL BAGAL! HA! Sermon pa nya sa akin nang makalapit ako sa kanya kaya tiningnan ko sya ng masama.

Quatsch! Nichts von dem, was du sagst, ist wahr. Galit na sabi ko sa kanya sa salitang alemanya.

Translation: Nonsense! None of what you say is true!

Batid ko namang hindi nya ito maiintindihan kaya kumunot ang noo nito at kinuha ang chalk saka itinuro ito sa noo ko at ilang beses nya itong itinuktok sa noo ko habang nag sasalita.

Napupuno na ako sa kanya!

Kinuha ko na lamang ang chalk at sinagutan ang pinasasagutan nya sa akin.

Nang matapos na akong mag sulat ay humarap ako sa kanya at sakto naman na nakatalikod sya sa akin at nakaharap sa mga kaklase ko.

Kaagad kong kinuha ang pocket knife ko at hinawakan ko ng marahas ang ulo ni Ms. Dench at saka sya mabilis ginilitan.

Dahil sa ginawa ko ay nag kagulo ang mga classmate ko kaya humugot pa ako ng limang pocket knife ko sa bulsa ng blazer ko at ibinato sa mga classmate ko na nag papanic.

HALT! Malakas na sigaw ko sa kanila nang matapos kong batuhin ang limang classmate ko.

Tumahimik nga sila at pinanood ko naman si Ms. Dench kung papaano malagutan ng hininga.

Gusto nyo na bang mamatay?! Tanong ko sa kanila at walang ni isang nag lakas loob na sagutin ako kaya ngumisi ako saka nag lakad papunta sa direksyon nung limang natamaan ko ng pocket knife.

Hinugot ko mula sa mga ulo nila ang pocket knife ko at dito nag simulang sumirit ang mga dugo nila sa ulo nila.

Ipinunas ko naman iyon sa damit ko at isinauli sa blazer ko.

Tapos na ang paghihirap nyo kay Ms. Dench, maging masaya kayo! I killed her. Masayang anunsyo ko sa kanila at nag tinginan naman sila sa isa't isa.

Ang presidente ng room namin ay tiningnan ko at tinaasan ko sya ng kaliwang kilay saka nag lakad papaalis.

Free time! Sigaw ko sa kanila nang makalabas ako ng classroom.

Whoo! At last! I'm free! Tsk! Sayang ang anim na bangkay na iyon! Tsk! Tsk! Ipapakuha ko na lamang sa mga Janitor at ipapadala sa hide out namin para naman may pag gamitan ang mga dugo at lamang loob nila.

Bukas na pala ang Event! Hindi na ako makapag hintay dahil paniguradong magiging masaya ito!

Masaya akong nag lakad dito sa may hallway hanggang sa may matanaw akong isang anino.

The Cadaver UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon