Part 4

5.2K 137 0
                                    

"AANO KA naman sa bundok?" high-blood na wika sa kanya ni Mildred nang magpaalam siya dito.

"Ate, kapatagan ang Cagayan, hindi bundok."

"Huwag kang pilosopo, Charity. Panahon ba ng pagbabakasyon ngayon?"

"Anytime puwede akong magbakasyon basta gusto ko. Tumawag na ako kay Lulu, ine-expect na niya ako doon this week."

"You're twenty-eight years old, Charity. Kailan ka ba magtatanda? Pinaghahanap kita ng matinong trabaho pero paglalamyerda ang gagawin mo. Tinitirya mo ba ako?"

"Please understand, sis. Magkaiba tayo ng gusto. Kung masaya kang naka-confine sa cubicle mo sa call center, masaya din ako sa ganitong buhay ko. Uulitin ko ba sa iyo? You don't have to worry about me. Kung halimbawa mang mawalan ako ng trabaho as wedding emcee, which is impossible at the rate Romantic Events is constantly growing, makakahanap pa rin ako ng ibang trabaho na ayon sa gusto ko. Alam mo namang gusto kong sarili ko ang oras ko."

Isang buntong-hininga ang ginawa ng kapatid niya. "Gaano ka naman katagal sa Cagayan?"

Napangiti siya. Alam niya payag na rin si Mildred sa lakad niya. "Depende. Mga two weeks siguro. Kapag nasarapan ko, baka isang buwan."

"Ang tagal naman!"

"Bakasyon nga, eh. Paano naman ako makakapag-unwind kung ilang araw lang ako doon?"

Tinitigan siya ni Mildred. "Makakatagal ka doon? Hindi mo mami-miss ang boyfriend mo?"

Itinaas niya ang kilay. "Wala na kami." At kunwa ay hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi.

Napatango ito, halatang nasiyahan sa narinig. "Basta tawagan mo naman ako paminsan-minsan. May signal naman siguro ang cell phone doon? Ikumusta mo na utloy ako kay Lulu."

"Don't worry, I'll keep in touch." At nginitian niya ito nang maluwang. "Papasalubungan kita, Ate. Lalaki. Para naman hindi ka na lang palaging high blood sa akin."

"Utang-na-loob, Chattie," paingos na wika nito.

"Hmmn, kaya ka ganyan kasi stress ka sa trabaho mo kahit na malaki kang kumita. Kailangan may love life ka. Para palagi kang inspired kahit na pagod ka at puyat."

"Kung magsalita ka... bakit may love life ka na namang bago?"

"Wala! Malay mo, magkaroon agad? Di, isasabay na kita."

"Luka-luka!"

*****

Gonzaga, Cagayan

"ITO NA ba si Denise, Lulu? Ang laki na pala," tuwang sabi niya nang makita ang pamangkin sa pinsan at inaanak din. Ibinaba lang niya ang baon niyang traveling bag at kinuha dito ang bata.

"Magtataka ka pa, eh, nu'ng huli mo iyang makita ay nu'ng binyag niya. Eighteen months pa lang iyan. Napagkakamalan na ngang dalawang taon. Paano'y bihira iyang dumede ng formula. Tama nga ang sabi nila, breastmilk is the best for baby."

"And for daddy?" tukso niya at nagkatawanan sila.

"Siguro. Buntis na naman ako, eh. Three months."

"Akala ko ba'y hindi agad nabubuntis kapag nagbe-breast-feed?"

"Malay ko? Sa nabuntis agad, eh," walang kiber na sagot ng pinsan niya subalit sa mukha naman ay mababakas ang kakuntentuhan.

"Kungsabagay, magte-treinta ka na. Hindi mo na kailangang mag-family planning. Naghahabol ka na ngang makarami, eh."

"Hanggang tatlo lang ang balak namin. Pero kapag nakalalaki kami dito sa pangalawa, magpapa-ligate na rin ako. Mahirap ang buhay, 'no?"

"Kayo, mahihirapan sa buhay? Kalahati yata nitong Gonzaga ay pag-aari ng pamilya ng asawa mo. Kahit nga humilata ka lang maghapon may kakainin kayo."

Wedding Girls Series 10 - CHARITY - The Wedding EmceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon