Chapter 4

11 0 0
                                    

Kulit

"Hey, hindi ka papasok?" tanong ko.

Kakababa ko palang galing sa kwarto ng madatnan si Cyd na nakahiga lamang sa sofa.

Huminga siya ng malalim at pagod akong tinignan.

"Are you sick?"

Lumapit ako sakanya at nilagay ang likod ng palad sa noo niya. Mainit nga siya. Ngumiti siya saakin.

"I'm okay." aniya.

Umiling ako.

"Rest today. Uminom ka ng gamot." utos ko.

Tumawa siya at tumango. Pumikit ulit siya at niyakap ang unan galing sa sofa. Ano ba'ng ginawa nito at sobrang init?

"Cyd, kung gusto mo'ng matulog doon na sa kuwarto." I said.

Binuka niya ang isa niyang mata. Pagkatapos ay dahan dahang tumayo. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makaakyat siya kwarto niya.

Umiling nalang ako.

"Tagal mo, ah. Asan si Cyd?" Harid asked.

"May sakit hindi papasok." sagot ko.

Tumango na lamang siya at pumasok na sa kotse niya. Sumunod ako sakanya at agad niya ng pinaandar ang sasakyan.

It's been three days since that night happened. The feeling is still there. And I can still remember what Guiver told me.

Halos hindi ako makatulog nung mga gabing iyon. Binabagabag ako ng mga salita niya. Tawang tawa nga si Harid saakin pagkabukas nun. He kept on telling me that I look like a walking zombie.

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na talaga alam ano'ng gagawin ko. Araw-araw at gabi-gabi nalang akong binabagabag ni Guiver. His gestures, his words and his stares. Hindi yun maalis sa isipan ko.

What should I do?

"Are you okay? May sakit ka rin ba?" Harid asked curiously.

Umiling ako at nginitian siya. Tinignan niya muna ako bago ibinaling ang tingin sa kalsada.

"Class dismissed..."

Finally!

Akala ko hindi na kami matatapos sa discussion namin. Ang dami daming sinabi ng prof namin. Gutom na gutom na ako.

Agad ko'ng kinuha ang bag ko at dali daling pumunta sa canteen. Pagdating ko doon ay tapos na silang kumain. Hingal na hingal pa ako.

"Ang tagal mo. Nauna na kaming kumain." ani Maissy.

Napasimangot ako.

"Sorry sis. Gutom na gutom na kami." tugon ni Harid.

Huminga ako ng malalim at tinanguan na lamang sila. Tinignan ko ang canteen at marami pa ring mga estudyante ang bumili.

Napasimangot ulit ako. Ayaw ko nang makipag digmaan sakanila. Gutom na ako.

Tinapik ako ni Jennifer.

"Gusto mo ako nalang ang oorder ng pagkain mo? I still have 15 minutes." aniya.

Umiling ako.

"Wag na. Use it para makapag rest ka nalang." sagot ko.

Tinignan niya pa ako. Ngumiti ako sakaniya at inilingan ulit siya.

"I swear, ayos lang. Ako na bahala." sagot ko ulit.

Ngumiti siya saakin at inakbayan ako.

"Okay sabi mo, eh."

"Jen, bitiw na please ang bigat ng hands mo." tumawa siya kaya naman tumawa nalang rin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1: NeaWhere stories live. Discover now