Paghanga salitang nararamdaman ko para sakanya. Humahanga ako sa kagwapuhang taglay at sa kabaitan niya.
Kinakabahan ako pag nakikita ko siya. Marinig ko lang pangalan niya para na akong hihimatayin sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
Masilayan ko lang siya at makita ang matatamis na ngiti niya buo na ang araw ko.
Hinahangaan siya ng halos lahat ng babae dito sa buong campus. He's every girls dream. Yung tipong ngumiti lang siya parang malalaglag na yung panty mo sa kilig.
Ano pa kaya pag nakita mo pa siyang tumawa. Kung may perfect lang sana sa mundong ito. I guess isa na siya doon. He's almost perfect. Many girls called him 'Prince'. Because he's like a prince daw.
Kung madaming babae ang nagkakagusto sa kanya. Madami ding lalaking nagagalit sa kanya. Di naman maiiwasan iyon e. Boys will always be boys ayaw nila ng nalalamangan sila.
"Kyahhhhh! Go! Rayleigh!!"
"OMG! Ang galing mo talaga idol!"
"Ang Pogi best! Look ang lambot ng katawan.. grabe talaga ang galing sumayaw!"
"Rayleigh Augustine Kurston! WE LOVE YOU!!"
Malakas na tilian ang maririnig sa buong gymnasium, palakasan ng hiyawan at tilian mapansin lamang ng lalaking kanilang hinahangaan.
Nakatulala akong nakatitig sa stage habang pinapanood siyang sumayaw.
Napa palakpak ako kasabay ng mga studyante na pumapalakpak din at naghihiyawan ng matapos ang kanilang sayaw. Malaki ang ngiti na sinundan ko siya nang tingin ng bumaba Ito sa intablado at pumunta sa back stage.
Masaya na naman ako dahil nasilayan ko naman siya. Ganito naman palagi e masilayan ko lang siya buo na ang araw ko.
Una ko siyang nakita ng first year pa lang ako. Tinulungan niya ako ng makitang binabastos ako ng mga lalaki sa daan. Pauwi na ako noon at medyo madilim na ginabi na kasi ako dahil nagkayayaan kami ng mga kaklase ko na mag gala.
Napasigaw ako ng bigla siyang sinuntok ng isang lalaking nambastos sa akin. Muntik na siyang matamaan kung hindi lang siya nakailag. Grave ang kaba ko.
"Kyahh! OMG!" Naghihisteryang sigaw ko nang magpalitan na sila ng suntok.
Tatlo Laban sa isa. Kinakabahan at umiiyak na ako dahil sa takot. Hindi ko naman pwedeng iwan ang lalaking ito dahil tinulungan lang naman niya ako.
Kinakabahang kinuha ko ang cellphone ko sa bag para sana humingi ng tulong pero lowbat na ito. Mas natataranta at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatingin ulit ako sa kanila ng makitang dumaing ang isa sa nang bastos sa akin. Nakahiga na ito habang nakahawak sa tsyan at dumadaing sa sakit.
Namamanghang napatingin ako sa lalaking nagligtas sa akin ng mabilis na napatumba niya ang dalawa pang natira.
Galit na tumingin ito sa mga lalaking nakahiga na at hawak ang mga nasaktang parte ng katawan nila.
Ambang susuntukin pa nito ang mga lalaki ng bigla itong nag sipagtakbuhan.
Nanginginig na tumayo siya sa pagkakasalampak sa lupa at tumingin sa lalaking kasalukuyang nakatingin din sa kanya.
"Okay ka lang miss nasaktan ka ba nila?" Tanong nito
"Oo, okay lang ako. Maraming salamat sa tulong mo. Kung hindi ka dumating baka kung ano nang nangyari sa akin.." mas nanginig siya dahil sa naisip. Baka kung hindi ito dumating baka narape na siya or worse