Chapter 3: First Day pt.1

47 4 1
                                    

Shin Ryujin.

*the next day*

Maaga palang nandito na kami sa loob ng classroom, kaya tamad na tamad kaming kumilos except kay Yeji unnie na busy sa pagbabasa ng history book. Kami lang ang tao sa loob ng classroom, at expected ko na yun dahil hate na hate ni Yeji unnie na ma-late.

"Nagugutom na ako, hindi pa tay nagbebreakfast" maktol ni Yuna "Unnie, bibili muna ako sa canteen" tumango naman si Yeji kay Yuna 

"Bili mo na rin ako" sabi ko kay Yuna naglahad naman siya ng kamay sa harap ng mukha ko

"KKB tayo unnie, konti lang ang dala kong pera tsaka hindi na uso ang libre this year" sabi ni Yuna, inis ko namang binuksan ang wallet ko at padabog kong nilapag sa kamay niy ang pera 

"Saan pupunta si Yuna?" tanong ni Lia unnie sakin 

"Bibili siya ng pagkain" sagot ko napa-ahh naman siya.

Maya-maya dumating na ang mga magiging kaklase namin, at ang huling pumasok ay si Yuna na parang nag-grocery sa dami ng dala niyang pagkain.

"Sukli ko?" tanong ko kay Yuna nang makalapit siya samin

"Ubos na unnie" tinaasan ko naman siya ng kilay "Pera mo ang pinambili ko sa pagkain natin" nainis naman ako sa sagot ni Yuna gusto ko siyang sigawan kaso baka sigawan din ako ni Yeji unnie.

"Akala ko ba hindi uso ang libre ngayon?" taas kilay kong tanong kay Yuna

"Kanina lang pala yun, iniba na yung batas e" sabi niya napa-iling nalang ako

 "Ano ba yung mga binili mo?" tanog ko sa kanya

"Carbonara, Spaghetti, Pizza, Milkshakes, Pancit, Lasagna, Chicken n mojo's, fries, " ipinikit ko nalang ang mata ko, ang dami niya inorder! 5k ang binigay ko sa kanya kasi hindi ko alam ang presyo ng pagkain sa canteen dito pero takte! Inubos ni Yuna ang pera ko! tsk! 

"Paano natin mauubos ang lahat na ito?" tanong ni Chaeryeong

"Mamigay tayo hindi natin mauubos lahat yan" sagot ni Yeji unnie at kumuha siya ng pagkain sa binili ni Yuna at nagsimula na siyang magpamigay.

"Kayo nalang mag-pamigay pera ko naman yung ginastos" tinignan naman ako ng malamig ni Yeji unnie. "Sabi ko nga tutulong ako"

Nang matapos kaming mamigay, wala pa rin ang teacher namin.

"Ang tagal naman" reklamo ko

"5 minutes pa bago mag-simula ang klase" sabi ni Yeji unnie 

Nilibot ko naman ang paningin ko sa classroom nagdadaldalan ang iba naming kaklase, yung iba naman nagcecellphone, yung iba natutulog. Si Yeji unnie nagbabasa pa rin, si Lia unnie nakikinig ng music, si Chaeryeong nagsusulat sa notebook niya, si Yuna naman masayang kumakain, ako naman wala.

"Yeji unnie, after class pupunta ako sa garden may mga Rhopalocera daw ang garden ng school na toh" sabi ni Chaeryeong kay Yeji unnie

"Ano yung Rhohamoshera?" tanong ni Yuna

"Rhopalocera yun" sabi ko

"Oo yun nga" sabi ni Yuna

"Rhopalocera ay scientific name ng butterfly" sabay sabay naman kaming napa-ahh pati yung mga kaklase namin naki-ahhh

mga chismoso

Umayos kami ng umupo nang dumating na ang teacher namin.

"Good Morning students especially to our new ones" tumingin naman ang teacher sa pwesto namin "Since first day palang ngayon introduction muna tayo. I'm Ms. Violeta your adviser and teacher at History and Math subject." lumiwanag naman ang mukha ni Yeji unnie nang marinig niya ang word na 'History'  "Now it's time for the students to in----" naputol ang sinabi ni Ms. Violeta nang may pumasok na limang lalake at dirediretsong pumasok sa room

"Sila ang TXT" bulong ni Chaeryeong yung bulong kaming lima lang ang makakarinig. Sinundan ko naman ng tingin ang TXT nang lagpasan nila ang pwesto namin.

"Gwapo sana, pangit naman ugali" sabi ni Yuna 

"Hindi ka parin tapos kumain?" tanong ko kay Yuna nang nakita ko na may hawak hawak siyang Loaded 

"Hindi pa" sagot niya 

"Let's start from the back, diyan nalang kayo sa pwesto niyo magpakilala" sabi ni Ms. Violeta, tumayo naman ang TXT

"Choi Yeonjun"

"Choi Soobin"

"Choi Beomgyu"

"Kang Taehyun"

"Huening Kai" 

pagkatapos ng maikli nilang introduction umupo na sila. Tumayo naman si Yuna dahil siya na ang susunod na magpapakilala.

"Hotssey Shin, 15 years old" tumayo naman si Chaeryeong 

"Judy Lee, 18 years old" tumayo naman ako nang maka-upo na si Chaeryeong

"Joanne Shin, 18 years old" tumayo naman si Lia unnie

"Julia Choi, 19 years old" sunod naman si Yeji unnie 

"Lucy Hwang, 19 years old" pakilala ni Yeji unnie then umupo na siya. Di ba boring din introduction namin, anyway earlier napag-pasyahan namin na gamitin namin ang english name namin para protektahan namin ang profile namin since may lead na kami kung sino ang limang Mafia Prince.

Iniyuko nalang namin ang ulo namin sa arm rest dahil wala naman kaming gagawin kundi makinig sa introduction nila.

NAGISING ako sa nang marinig ko ang school bell hinawakan ko muna ang gilid ng labi ko bago ko i-angat ang ulo ko.

"Buti naman nagising ka na" sabi ni Yeji unnie habang nagbabasa ng libro 

"Nasaan si Hotssey, Judy and Julia unnie?" tanong ko

"Pumunta sa canteen si Hotssey, si Judy naman nasa garden, at si Julia ay may kakausapin daw sa labas" sagot niya sa tanong ko

"E ikaw unnie bakit ka pa nandito?" tanong ko ulit sa kanya

"Hinintay kitang magising, hindi kita pwedeng iwan dito dahil may limang lalaking maiiwan dito na kasama mo pag-iniwan kita at baka may gawin silang masama sayo" sagot ni Yeji unnie at sinara niya ang libro niya. Tumingin naman ako sa likuran ko, natutulog ang TXT.

"But i can handle myself" sabi ko

"You maybe can, pero babae ka parin Joanne at lalake sila and take note lima sila kaya out of number ka" then lumabas na siya ng classroom  

Spies In DisguiseWhere stories live. Discover now