Masakit makita ang taong mahal mo na nahihirapan dahil sayo. Ou, mahal ko siya pero sapat nga ba ang pagmamahal ko upang iwan niya ang totoong nagpapasaya sa kanya?Kahit nahihirapan ako sa nakikita ko, ayokong umiyak sa harap niya. Kailangan kung magpakatatag dahil alam ko pagkatapos nito hinding gindi na kami magkikita ni Malik.
"Love, " tawag ko sa kanya. At nang tumingin cya diritso sa mga mata ko, alam ko kahit hindi niya sinasabi nababasa ko sa mga mata niya na nakikiusap siyang pakawalan ko na siya. "Love, mahal kita. Alam ko nahihirapan ka na,kaya nakapagdesisyon na ako. " tuloy tuloy kong sabi. Niyakap ko siya sabay bulong na mahal ko siya nang paulit -ulit. Tsaka ako umiyak nang tahimik sa mga balikat niyang higit tatlong taon kong naging sandalan.
"Mira, I'm sorry. I'm sorry, I dragged you into this mess. I truly care-" Pinutol ko nang isnang halik sa labi ang sana ay sasabihin niya.
"I'm sorry too," sabi ko. " I'm sorry, it took me three years to realize that I am making you miserable with me" huminga ako nang malalim at tumingin sa mga mata niya na puno nang pagmamahal. "Pinapakawalan na kita. Bumalik kana sa kanila,sa dapat kung saan ka. Alam kong Sa kanila ka totoong magiging masaya at hindi sa akin. " Kumalas ako at hinawakan ang mga kamay niya. Huling tingin ko sa taong malaki ang naging parte sa buhay ko. Huling hawak at yakap nalang. Siguro nga tama sila. Pinagtapo kami pero hindi kami ang itinadhana sa isa't isa."Mira -"
"Shhh, enough already. I made my decision and that is to set you free. For real this time" putol ko sa akmang paghawak niya sa kamay ko. "Umalis ka na, hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Dahil kapag di ka pa umalis ngayon, hinding hindi na kita pakakawalan,ipaglalaban kita kahit alam kong mali ito. "
Mahabang katahimikan ang sumunod na nangyari, ni isa sa amin ay walang nagsalita hanggang sa naramdaman kong bumukas ang pinto nang kwarto, ayaw kong lumingon sa kanya. Ayoko syang makitang umalis pero kailangan ito para sa ikabubuti naming dalawa."Goodbye and Thank you for everything Mira, " he said. Then closed the door behind me. At katulad nang pagsara nang pinto sa kwartong ito na naging saksi sa tatlong taon namin ay kasabay naman nito ang pagsara nang kwento naming dalawa nang lalaking tanging minahal ko.
"Goodbye Malik, " bulong ko.
YOU ARE READING
Setting Free The Wrong One
RomanceHindi nga maipagkakaila na marami ang gumagamit sa kasabihan ngayon na "Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana". Hindi mali ang umibig. Hindi mali ang magmahal. Hindi man sinasadya na sila ay magtagpo subalit mapagbiro nga yata ang tadhana at silang da...