Ang tagal kong hinintay ang trabahong ito, na maging isang secretarya ng isang kilalang kompanya sa buong Mundo kaya pagbubutihin ko ang trabaho sa abot nang makakaya ko. Kahit na palagi akong umuuwi nang late ay okay lang,ika nga nila "para sa ikonomiya". Matagal tagal na rin ako sa JT Group of Companies, hindi naging madali ang pagpasok ko sa kompanya at hinding hindi ko sasayangin na binigyan ako nang pagkakataon na magtrabaho dito. Mahirap maging secretarya nang isang boss na di mo kilala. Ni anino nito ay hindi niya pa nakikita sa higit tatlong yaon niyang pananatili dito. Purong email lang ang nagkonkonekta sa kanila nang boss niya. Pero kahit ganun ang sitwasyon ay pinagbubuti niya parin, mahirap na baka mawalan cya nang trabaho. Mahirap pa naman ang buhay at may mga kapatid pa cyang pinag-aaral.
"Flowers for you,Mira." Hay, andito na naman ang lalaking ito na walang ka sawa sawa sa pagdadala nang bulaklak sa araw araw na ginawa ng Diyos.
"Sam... " naiirita iyang sambit sa pangalan nito.
"Please,Mira. Accept this just for today? Can you do that? " at talagang nagpuppy eyes pa ang loko.
"Sam naman ehhh! Ayoko na nga diba? Tapos na tayo. Finish na! Wala nang babalikan na tayo. " Litanya niya. Higit anim na taon niya itong naging boyfriend at sa anim na taon na yun ay Wala cyang kamalay malay na ginagago na pla cya ng lalaki at nang bestfriend niyang pinaglihi kai babalu! Mga walanghiya talaga at cya pa ang ginawang may sala kung bakit nagtaksil ang mga ito. Aba't gusto na naman yata nang lalaking ito na marealtalk niya.
"Sam, Please lang. Tama na yang mga pakulo mong ganyan! Hindi ka bah nahihirapan-"
"Hindi! " sigaw nito na nagpatigil sa kanya at siyang ikinagulat niya. Pasalamt nalang ciya na walang tao sa mga quarter nang mga empleyado kung hindi ay talk of the day panigurado cya ngayon. "Hinding-hindi ako magsasawa na patunayan sayo na nagsisisi ako na niloko kita. Mahal parin kita Mira. Hindi ka nawala sa puso ko. Lagi nalang kitang napapanaginipan at yung nagawa ko sayo noon. " madamdamin nitomg saad. Napayuko siya dahil alam niya sa sarili, Konting konti nalang talaga at maiiyak na cya. At ayaw niyang makita ito nang lalaki. Tama na nang umiyak cya noon dahil sa mga ito.
"Mira-"
"P-Please..." garalgal niyang pakiusap sa lalaki. "Umalis ka na Sam,"
Mahabang katahimikan ang nangyari bago ito nagsalita ulit. " Babalik nalang ulit ako bukas. Hindi kita susukuan Mira. Alam ko, Mahal mo pa rin ako".
Hindi man niya maamin sa lalaki ang totoo na awa nalang ang nararamdaman niya dito. Di parin mabubura ang pagtataksil na ginawa nito sa kanya. Nilang dalawa nang taksil niyang kaibigan. Ou, matagal na ang pangyayari yung pero parang kahapon palang naganap ang lahat na bumago sa takbo nang buhay niya at hindi niya pinagsisisihan iyon.
YOU ARE READING
Setting Free The Wrong One
Storie d'amoreHindi nga maipagkakaila na marami ang gumagamit sa kasabihan ngayon na "Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana". Hindi mali ang umibig. Hindi mali ang magmahal. Hindi man sinasadya na sila ay magtagpo subalit mapagbiro nga yata ang tadhana at silang da...