CHAPTER 9: CLOSENESS

5 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa mall ni Lesly. Hinihintay sila Marky,Jake at Megan. Nung una ayaw ko pa kasi baka kasama si Paul pero sabi ni Lesly wag daw ako matakot. As if takot ako. Duh!

"tawagan na kaya natin sila, Lesly" kanina pa kasi sila at ang tagal-tagal. Hapon na nga eh.

" wala akong load ee. Ikaw na lang kaya"- Lesly

May cp na nga pala ako. Binigyan ako ni ate para pag emergency daw. Tetext ko pa lang ay sakto naman dumating.

" yan na pala ee. Tara na. Iwan mo na lang yang kotse mo Rose. Balikan na lang natin mamaya"- Jake

Pumayag na ako. Sa iisang van na kami sumakay. Driver si Marky at nasa tabi niya si Lesly. Gf nya eh!

Kami naman magkaka-tabi nila Megan. Matutulog daw muna si Megan at para ready siya mamaya.

Hindi ko nga alam san kami pupunta pero ang daming pagkain at gamit na dala. Hindi picnic to eh.

" ahh- Lesly san ba tayo pupunta? Tska kaw Marky bakit parang alam mo yung lugar"

" ahh..kasi dinala na ko dun ni Lesly kahapon nung nag-away kayo. Just wait masaya dun"- Marky

Hindi na ko sumagot. Kinabit ko na lang ang earphone ko at natulog.

TIME CHECKED: 6:30 pm

Nagising ako nung maramdaman kong huminto na kami baka nandito na kami.

Nag-ayos na ako at ganun din yung iba. Sila Marky at Jake binaba na yung mga gamit.

Bumaba na rin kaming girls. Pagkababa ko sobra akong namangha sa paligid at halatang ganun din si Megan.

" wow. Lesly ang ganda dito. Super"-Megan

" tara na ready na"- Jake

Sumunod na kami kayla Lesly. Sobra akong nagulat ng salubungin kami ng mga bata.

Sa gulat ko natulala na ko. Samantalang sila Jake at Megan sayang-saya pa. Ganun dun si Marky si Lesly kinakausap ung Madre.

Napansin ko lumayo na yung mga bata kaya nakabalik na ko sa realidad.

" nga poh pala Sister mga kaibigan ko poh. Sila Jake at Megan. Si Rose nga poh pala yung boss ko at si Marky poh kilala niyo na naman siguro"

" Magandang gabi po" sabay-sabay kami bumate. Mukang masaya nga dito.

" Ahh. Dito na po sana kami magpapa gabi. Kung puwede lang po" tanong ni lesly,pumayag naman si Sister.

Tinignan ko mga kasama ko at tuwang-tuwa sila. Happy Lot. Bakit nga ba kami nandito.

" a- guys tanong lang bakit tayo nandito?"

" ah- sorry Rose di namin napaliwanag. Ito yung sinasabi kong pupuntahan natin. Baka kasi makalimot ka sa mga problema mo. Alam mo na" paliwanag ni Lesly

" si Marky lang ba ang nakakaalam nito?ikaw,pa-paano mo nalaman ito?"takang tanong ko

" hmp. Alam ni ate Mich ito at ng Parents mo,ito ang tirahan ko. Si marky naman dinala ko lang dito kahapon nung nag-away tayo"-Lesly

"ah-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tawagin na kami nung Madre.

Pinapupunta na kami sa dining area. Malaki itong bahay. Orphanage pala ito.

Kakain na ata kami bago kami kumain nag dasal muna kami. Sila Lesly inaaasikaso yung mga bata at nakitulong na rin ako.

Ang saya. Kahit papano nakakalimot ako. Hindi na ko magtataka kung bakit masayahing tao si Lesly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerdy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon