CHAPTER 2 - Tayo daw ba?

4 0 0
                                    

CHAPTER 2 - Tayo daw ba?

Err asan na kaya yung Lalaki na yun? >__<

Haay hayaan ko na lang,malaki na siya at kaya na niya ang sarili nya saka hindi na ako kailangan pa sa paghahanap ng pangalan nya.

Nag libot libot ako bawat building at hinanap ko bawat rooms kung saan ang section ko. at sakto namang pagtingin ko sa ikalawang room ay nandoon sa master list ang pangalan ko. Nasa ikatlong building ako dahil doon ko nahanap ang pangalan ko, Section A-2 ako katabi ng room ko ang Section A-1. Pagsilip ko sa bintana ng Section A-1 ay nakita ko na nandoon na si Ezy. At masaya pang nakikipagtawanan sa mga dati naming kaklase, nakalimutan kong sabihin na Star Section ako dati at ang mga nasa Star section ngayon ay sila sila pa rin at ang iba ay napunta na sa ibang section nitong year tulad ko.

Teka.. parang nakalimutan na ata ng kumag na to na may bestfriend pa siyang Si Eiffel. -___- At iniwan na lang ako ng ganun ganun? Aba tong lalaki na to humanda to sakin mamaya >___<

Parang nakaramdam naman ako ng lungkot habang tinitignan syang mukha naman syang enjoy ... Hindi ko siya kaklase, nako naman kasi nasanay akong lagi syang anjan!>< Aish. Bahala nga sya :((

Pumasok na ako sa room ko at umupo, buti na lang ang iilan sa mga kaklase ko ay naging kaklase ko na pero yung iba ngayon ko lang nakita. As usual tahimik ako sa upuan ko, marami pa kasing kulang.

Maya maya, pumasok na yung Teacher. Hindi ko kilala, ngayon ko lang nakita kahit almost 3years na akong napasok dito sa Watty Academy.

''Goodmorning to all of you. I am Miss Fajardo, pero hindi ako ang Adviser ninyo kundi si Mrs. Portalejo. Wait for a while dadating na din sya maya maya.''

Umupo siya sa teachers table at tinawag isa isa ang mga pangalan na nasa master list.

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot, miss ko agad yung mokong na yun (__)

Tinawag nya lang ang nga pangalan na nasa list.

"Eiffel Jourdan Ibarra..."

"Present Ma'am!"

"Hi Eiffel!^____^" kalabit sa akin ng babaeng nasa likod ko.

"Hehehe... Hi din Alina!" hindi nga ako nagkamali sa pangalan nya narinig ko yun habang naguusap usap sila ng mga katabi nya tinatawag syang Alina. Ngumiti na lang ako ng pilit, e hindi ko naman siya kilala e . :3

"Ma'am excuse.. "

Sabi nung teacher naming lalaki. Teka lalaki nga ba? E bakla yung teacher na yun e .:3 hahaha

"Yes sir ano yun?"

"May ililipat lang sana ako dito sa Section na ito. Isa sa mga Varsity ko."

"Sure sir, isusulat ko na lang ang pangalan nya sa master list. Asan ba siya?"

Biglang may lumitaw na lalaki mula sa likuran ni sir.

O______O

Ezekiel?

(-______-)
Oh bat kaya andito yan? E masaya na siya don. Psssh

Dumaan sya sa harap ko at ngumiti ng nakakaloko.
Mapang asar talaga kahit kailan (~~.)

Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na lang ang notebook ko para kumopya ng Schedule namin.
Maya-maya lang dumating na din yung Adviser namin, nagpakilala samin.

"Okay Class,mag aa-assign na tayo ng Class Officers natin.But make sure na ang ihahalal ninyo ay karapat-dapat.Okay?"

"Yes ma'am!" sagot naming lahat.

I Love you more than friends..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon