CHAPTER 4 - New Friend

1 0 0
                                    

CHAPTER 4 - New Friend

"Mama may tanong ako."
"Anu yun nak?"
"Ehh.. may Kaibigan po kasi akong babae na humihingi ng advice sakin e. Yung kaibigan ko po may Bestfriend at Mahal nya po yung bestfriend nya di'lang po bilang isang kaibigan.. Kaso.."
"Kaso? Hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay nung lalaki?"

Galing naman ng nanay ko at nahulaan agad nya(_ _)

"Wow ma! Pinagdaanan mo? Haha. Joke po! Eh ayun nga po.. Hanggang kaibigan lang po talaga tapos laging pinamumukha sakanya na ayaw sakanya nung boy.."
"Alam mo anak,dapat mong sabihin sa kaibigan mo.. Mag move-on na siya sa nararamdaman nya para sa bestfriend nya.Pero di ibig sabihin nito ay lalayuan nya na yun.Pero ipakita nya pa din ang importansya doon sa Lalaki."

Tama nga naman si Mama,alam nyo namang walang katotohanan yung pa segwey ko kay mama na sa kaibigan ko yun pero ang totoo ay para sakin yun. Haaaaay

Hindi ko siya pwede layuan dahil magkaibigan kami.. BESTFRIENDS PA kami.Kaso baka pag lagi pa din akong malapit sakanya mas masasaktan lang ako.. Haaay ano ba talaga. Nakakagulo ng utak!

Siguro, kaylangan ko na ngang kalimutan yung SPESYAL na nararamdaman ko para saknya.Pero ipaparamdam ko pa din na importante siya sakin,na nandyan pa din ako palagi para sakanya,ipaparamdam ko pa din na Mahal ko siya.. Ngunit magbabago na yun ngayon kundi pagmamahal na lang ng isang kaibigan.. pipilitin ko kahit alam kong mahihirapan ako. bakit pa kasi ako nahulog saknya,pilit niya naman akong tinutulak at di magawang saluhin (_ _) Jusmeng pag-ibig to oh!

-------------------------------

Napagdesisyunan kong pumunta muna sa Sm at bumili ng bagong Libro sa National Bookstore.Wala na kasi akong librong mabasa e.

Naghanap hanap muna ako ng interesting na basahin.At may nakita akong libro na naka-agaw ng interes at atensyon ko.Kukunin ko na sana to ng biglang may kumuha din dito..

"Ay... Gusto ko din yan e." Malungkot kong sabi.Nauna kasi siya sakin,e kukunin ko palang naman tapos siya nahawakan nya na.Sayang naman,mukhang maganda talaga yung libro e.

Nagulat ako ng tinawag nya yung isang Sales lady dun sa NB.

"Miss, may stock pa ba kayo nito?"
"Ay sir wala na po e."
"Ganun ba? Thankyou."

Mas lalo akong nalungkot dun ah :( sayang talaga.

"Uh miss.. Ipapaubaya ko na lang sayo to.Mukha kasing interesadong interesado ka e."
"Huh? Nako wag na! Nakakahiya naman sayo."

Shempre pa humble effect muna ako. Hihi

"I insist.Take this,dont worry maghahanap na lang ako ng ibang libro." sabay ngiti nya sakin.

"Talaga? Nakuuuuu salamat talaga ng marami!" (^∇^)
"No problem. :)"

Wow,ang bait naman nito.Di tulad ng iba na makikipag agawan pa at mang aaway pa.Pero siya hindi nakakaturn-on naman (⌒▽⌒)

(*ilaw lang ang Peg Jourdan?*)

Naku si Otor nakisali nanaman.
Ngumiti ako ng malapad dun sa lalaki,masaya talaga ako. hahahaha

"Ah,sige mauna na ako ha? Thankyou po talaga!!!" paalis na sana ako ng biglang..

"Uh miss? Pwede malaman ang pangalan mo?"
"H-ha? Uhm... you can call me Eiffel :)"
"Cute name.."
"Ahehehe. Sige mauna na ako ha. Thankyou uli!"

Hindi ko na siya hinayaan pang makapag salita,pumunta na agad ako sa Counter at binayaran yung libro.

Naglibot-libot muna ako bago ako lumabas ng mall.Nakakita ako ng nagtitinda ng mga Kwek-kwek at Fishball (^O^) Waah! Favourite ko ang Fishball! Kaya hindi na ako nagdalawang isip at kumain na ako non.

Habang kumakain ako,naramdaman kong may humihila sa damit ko. napatingin ako at nakita ko ang isang batang babae na madungis at nanghihingi sakin ng kinakain ko.

"Ah Manong pabili pa nga po ng sampung piso at saka po palamig." saka ko binigay sa bata.
"Oh ayan.. Baka nagugutom ka nga. :)"
"Maraming salamat po ate!hihihi." masayang tugon ng bata.Nakakagaan naman ng pakiramdam.

"Hindi ka lang pala maganda... Matulungin at mapagbigay kapa." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

Teka? Siya yung....

"Oo tama! ikaw yung lalaki sa National bookstore kanina diba?"
"Nakalimutan mo agad ako? Hahahaha"
"Uy hindi naman.Naalala ko lang na nakita na pala kita kanina.Bigla ka kasi nagsasalita jan e.Nambola pa!"
"Totoo naman yung sinabi ko ah? Maganda kana matulungin at mapagbigay ka pa"
"Sus.Wala naman sakin yun... atleast nakatulong ako."

Teka? Kinakausap ko siya e hindi ko naman siya kilala e -_____- Pero ang gwapo nyaaaaaa ♥︎♥︎♥︎ Wihihihi

"Teka kanina pa kita kinakausap hindi ko naman alam ang pangalan mo! Ano nga ba?"
"I'm Klein."
"Wow ang ganda nga pangalan natin ah? Hahahahha"
"Shempre gwapo may ari e. hehe"

Sabagay gwapo naman talaga siya e...
Nagulat ako ng nilahad nya yung kamay nya parang nakikipag shake hands.

"Friends?" nakangiti nyang sabi.

Makikipag kaibigan ba ako? e ngayon ko nga lang siya nakilala? Mukha naman syang mabait at gwapo pa! Pwede naman siguro kami maging magkaibigan.

"Sure! why not?" nakangiti ko ding balik sakanya. Bakit nga naman hindi? Dagdag friends din to.

Naku, madilim na.Hindi ko namalayan ang oras.. Kailangan ko na umuwi baka hinahanap na ako ng mama ko.

"Ah Klein kailangan ko ng umuwi e.Baka kasi hinahanap na ako."
"Hatid na kita."

Hatid agad? (_ _) Nakuuuuu! Magtitiwala ba ako dito?

"Wag ka mag alala hindi naman ako masama at hindi kita ipapahamak." napangiwi ako sa sinabi nya, nakakahiya naman pinag-iisipan ko siya ng masama e gusto lang naman tumulong ng tao.

"Naku hindi na, mapapalayo kapa sainyo kapag hinatid mo ako.Kaya ko naman ang sarili ko e."

"Bakit sa Antipolo ba ang bahay nyo?"
"Hala hindi naman ganun kalayo hahahah. Jan lang kami sa Brngy. Mahalimuyak."
"Sus. Ang lapit lang pala sa amin e.Katabing brngy. nyo lang."
"Talaga?"
"Oo kaya sabay na tayo.Baka mapahamak ka pa sa daan e."
"Sige na nga."

Sumakay na kami ng jeep at bumaba sa kanto namin.

"Uy dito na lang ako,nakakahiya na kapag hinatid mo pa ako samin."
"Okay lang yun! Baka mapagtripan ka pa ng mga gago jan e!"
Napangiwi naman ako,ang bait naman ng tao na to.Kahit ngayon ko lang nakilala,mukhang magkakasundo kami.

"Uy salamat sa paghatid ha?"
"Wala yun.Sige na pumasok kana.."
"Papasok na din ako."
"Hindi ako aalis dito hangga't di ko nakikitang nasa loob kana."

Weeeeew ang sweet! Namula naman ako dun! Parang lumalandi ako Hahaha.

"Sige ingat ka na lang. :)"

Saka na ako pumasok sa loob.Nakita ko naman yung libro na nabili ko,dahil dito nagkaroon pa ako ng bagong kaibigan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love you more than friends..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon