Padalawang araw pa lang naming magkakilala pero puro gulo na agad ang nangyari sa aming dalawa, parang di ata kami pwede pagsamahin dahil baka magulo ang buong earth dahil sa pag aaway namin..
Lumilipas ang mga araw, gaya nang dati, tinuturuan ko siya pag wala na kami klase,at gaya nang ipinangako nang teacher naming, lagi niya akong binibigyan nang plus point kapag mataas yung score na nakukuha ni mr.varsity sa mga quiz.
Almost 2weeks na yung pagtuturo ko sa kanya, at mukhang nakakaadjust na siya,.. magaling din siya at madali matuto kya lang ang hirap niya kausap, kasi sa tuwing maguusap kami dahil pang may riot! Laging mag aaway! Ewan ko ba bakit ganun kami..kulang na nga lang magsabunutan at magsuntukan kami kahit nasa klase.. sa tuwing mag rereview kami after nang practice niya,e palagi mauuwi sa away ang paguusap naming pero sa huli, tatahimik na lang kaming parehas at tahimik na magaaral..tsk,tsk, ang gulo namin.. at sa tuwing nag aabang ako nang jeep sa gabi,palagi kong nakikita si gab, palagi kaming nagkakausap, minsan pa nga ay hinahatid niya ako, ang bait talaga niya. Natutuwa ako sa kanya and I started to like him na!
Dahil nakapagexam na kami nang midterm, mag aanounce na si mam riz nang result nang exam namin, ngayon ko malalaman kung may natutunan ba talaga itong si mr.varsity sa mga tinuro ko..a t sana meron para maging doble yung grades ko..
<Renz’s POV( MR.VARSITY)>
Iaanounce nan i mam riz ang grades naming, kinakabahan ako pero naeexcite din ako, nag ready talaga ako sa exam ko nay un, 2weeks din ako nag aral.. at binantaan pa ako ni miss hoy! (si kie) na sasapakin niya ako pag di mataas ang grades ko.. nahihiya din naman ako sa kanya dahil ang tiyaga niya magturo sa kin, kahit laging nauuwi sa riot ang usapan naming palagi, ewan ko ba, bakit di kami makapagusap manlang nang maayos, siguro dahil di naman talaga ako friendly sa mga babae, at di ko rin alam kung paano sila patutunguhan, lumaki ako sa boys town kaya di ko alam kung paano magkaroon nang kaibigan na babae..
Magkatabi lang yung armchair naming nitong si Ms.hoy! pero kahit seatmate kami, hindi kami naguusap nang maayos, palaging sigawan or less, nag aasaran.. pambihira..
At ngayon, parehas kaming tahimik at kabado.. naeexcite na ewan kami parehas sa magiging grades namin..
Nag start na magtawag si mam nang pangalan at nang grades..
Ms. Calderon, 90%
Ms. Cleofe 89%
Ang tataas nang mga kaklase namin..
At yun na nga malapit na tawagin ang apelyido ko..
Mr. Dayap, 88%
And
Mr. DelaCruz, congratulation, you got 100% ..
Napangiti ako at tumingin agad ako kay ms.hoy! nakangiti din siya..
Ms. Dela Vera, congratulation also, you got 100%
Napalingon ako sa kanya at nag high five kaming dalawa..
Wow! Ngayon lang ata kami nagkasundo..parehas kaming happy dahil sa result nang exam,sulit yung pag rereview niya sa akin dahil magiging doble yung grades niya..
After nang class namin, lumabas na yung mga kaklase ko at yung prof, naiwan kaming dalawa dahil nagaayos pa siya nang gamit at hinihintay ko naman siya..
“ bakit andito ka pa?? tinatanong niya ako pero di siya nakatingin at busy siya sa pag lalagay nang sandamakmak niyang mga books sa bagpack niya..
Hinihintay ka! Gusto ko sana siya yayain magcelebrate pero di ko alam paano sasabihin..
Bakit nga??
Tara naman magcelebrate, nakatungo lang ako noong sabihin ko yun kasi nga nahihiya ako..sinisipa sipa ko pa nga yung armchair ko pero mahina lang
HAHAHAHAHAHHA… narinig ko yung malakas na pagtawa niya..
Bakit ka tumatawa dyan?? Di pa rin ako tumitingin sa kanya
For the first time, huh! Marunong ka din pala magsalita nang maayos, akala ko authestic ka e! tawa pa din siya nang tawa, nag aasar ba siya o anu! Asar lang..
Hahaha.. di ka nakakatawa, nagfake smile ako!
Wag na nga lang! at tumalikod na ako sa kanya at nag start maglakad.
Nagulat lang ako nang bigla niyang hilahin yung bag ko..
Sandali lang, wala na yung bawian, nasabi mo na e, saan tayo magcecelebrate huh??
Tapos ngiting ngiti siya, hmp! At naasar ako! kasi nakakaluko yung mga ngiti niya.!
Kahit saan!
Meron lugar bang ganun??
Baliw ka na!
Naglalakad na kami palabas nang school..
At dahil nga magcecelebrate kami, niyaya ko nalang siya sa isang café malapit sa school, may training pa din kasi kami nang 6pm..
Lilibre mob a ako?? agad niyang tinanong nung naorder na kami nang food..
“hindi! Bakit kita ililibre! Oo, ililibre ko siya,pagtanaw manlang na utang na loob pero syempre, gaya nga nang sabi ko,hindi kami naguusap nang matino ..
“ anu ba naman klaseng tao ka? Di mo manlang itetreat yung tuitor mo! Walang kwenta lang! tapos nagpout siya! Tss. ang cute lang! parang bata..
Joke lang! oo, ililibre kita, hiya ko na lang sayo e, tumayo na ako at nagpunta sa counter at umorder…
Pero nagulat ako dahil nakita ko siya, kausap si gab! ang star player nang university naming at isa sa mga kateam ko at isa rin sa mga tinuturing kong parang kapatid sa team! magkakilala pala sila
