Chapter 6: FRIENDS NA DAW KAMI! ANSABEE!

8 0 0
                                    

Nagulat talaga ako sa  sinabi niya..

Gusto niya makipag kaibigan..

Whahaha. Natawa talaga ako, kasi naman!  Kahit na almost 2weeks kaming laging magkasama e di ko talaga masasabing magkaibigan kami,para ngang magkakilala lang kami na basta lang! basta ang gulo,kaya nung sinabi niya yun,di ko mapigilang di tumawa,kasi marunong din pala siya magseryoso,..i mean you know!

Pero dahil tinawanan ko sya nang bonggang bongga, nag walkout ang lola mo! Kaya sinigawan ko siya,syempre sino ba namang aayaw makipagkaibigan diba??

““ oo! Pwede tayong maging magkaibigan—basta wag mo lang akong tawagin sa salitang HOY! Kasi may pangalan ako!’

Kasi ayoko sa lahat yung ganun yung tinatawag niya sa akin! Basta na lang siya Mag HOHOY diyan sa tapat mO! Ang pangit pakinggan at nakakairita..

Tumalikod na ako pagkasabi ko nun, kasi nakatalikod na din naman siya, at alam ko naman narinig niya yun,alam ko naman na di siya bingi, me pangkaengot lang! hahahah..LOL..

Maaga ako nakauwi ngayon dahil wala kaming session dalawa, (tuitorial) kaya nagtaka yung ate ko..

“ang aga moa ta ngayon umuwi??”

“ah,e wala akong tuitorial ngayon e!”

Tumabi ako sa kanya sa sofa at humiga ako.. sa mga binti niya..

“ tuitorial?? Me bayad??

Wala, grades ko ang kapalit..

Ah! Kaya pala ginagabi ka! Sinong tinuturuan mo? Yun bang laging naghahatid sayo??

Hindi ate! He was just a friend of mine, ang bait nga niya kasi lagi niya ako hinahatid pag ginagabi ako!

Siguro may gusto yun sayo??

Di naman siguro ate! Kaw talaga, malisyosa..!

Sus ako pa! me asawa na ako kie! Alam ko na mga ganyang kaeklavuhan!

Tss. si ate talaga! Tumayo na ako at naglakad papunta sa may hagdan!

Ui! Dalaga ka na sis!

Che!

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis..

Habang nakahiga ako, napag isip isip ko  yung sinabi ni ate..

Baka may gusto sayo!

Tapos yung sinabi ni Mr.varsity

I think he likes you!

Anu daw?? What if nga naman! Pero wala naman siya sinasabi sakin! Imagination lang siguro yun..

Pero sa totoo lang, I like him! Im not saying that I love him pero I just like him, his personality, his attitude..

At mukhang siya yung tipo nang lalaki na mamahalin mo talaga! Anu bayan! Kung anu anu tuloy nasasabi ko!

Kakabasa kasi mga lovestory! Yan tuloy!

Makatulog na lang!

<GAB’s POV>

I think Im Inlove with kie!

Walang kagatul gatul kong sinabi sa bestfriend kong si jam habang magkausap kami sa may gym.. gusto ko kasi siya ang unang makaalam, siya kasi yung isa sa mga taong tinuturing ko talaga na kapatid, she’s a girl by the way! She’s a volleyball player here in the university, magkasabay kaming pumasok dito at kami din yun naging unang maging magkaibigan kaya tinuring ko talaga siyang bestfriend..

Siguro nga binging bingi na siya sa mga kwento ko! palagi ko na kasi nababanggit sa kanya si kie,

This past few days kasi,madalas ko Makita si kie sa labas nang school nang hihintay nang jeep pero lagi namang walang dumadaan, kaya lagi ko siya hinahatid!  Doon na nga kami naging close, not actually close like a bestfriend, but just a simple friend! Hero ang tawag niya sa akin dahil sa tuwing di niya alam kong paano siya uuwi,lagi akong dumarating! At sobrang nakakataba nang puso sa tuwing sinasabi niya yun sa akin..

“ obvious ka naman ! sabay palo ni jam sa braso ko!

Ganun ba talaga ako kaobvious??

OO! As In capital “O””O”

Natawa lang ako at napakamot..

Anu bang magagawa ko e puso na ung tinamaan e!

Patawa tawa lang siya! Kasi siguro nakokornihan na siya sa mga sinasabi ko!

“nakakasuka ka na gab!

Bakit??

Kakadiri kasi yang mga sinasabi mo! Parang di ka naman ganyan dati!

Pagbigyan mo na ko jam! Inlove ang bestfriend mo! Sabay akbay ko sa kanya..

Inlove! Inlove! Ang tanong, gusto ka naman din kaya nun?? E halos libro na lang lagi ang gustong kaharap nun??

Sus!  Edi liligawan para magustuhan! Ikaw talaga,wala kang bilib sa akin..

Wala talaga!

Dahil inaasar niya ako, inipit ko yung braso sa leeg niya..

“TAMA NA! TAMA NA! joke lang yun!

Tsaka ko lang siya binitawan.. hahaha. Ang galing kasi mang asar nang babaeng toh! Pang gulo sa munting pangarap ko!.. haha.

<JAM’S POV- GAB’S BESTFRIEND>

Sobrang sakit nang puso ko! sobra!

I think Im inlove with kie!

Ang sakit pakinggan mula sa taong mahal mo!

Sinabi yun sakin ni gab kanina habang nasa gym kami, katatapos lang nang training namin at bigla niya akong hinila dahil may sasabihin daw siya sa akin..

Yun lang pala!

Simula nang makilala niya si kie, ayon! Nabaliw na siya..  bakit kasi di na lang ako di ba??

Ilang taon na kaming magkasama..

He always told me..

I love you!

Pero may kasunod naman palagi..

BESTFRIEND!

Nasasaktan talaga ako kasi ngayon! Alam ko may iba na siyang sasabihan nang iLOVEYOU!

Kasi dati, masaya na ako.. kasi atleast di ba mahal niya ako kahit bestfriend lang pero ngayon!

Ngayon! Meron na siyang totoong gusto!

Anu bang meron kay kie na wala sa akin…

Anu bang nakita niya doon sa babaeng yun! Nakakaasar naman oh!

Palagi siyang kinukwento sa akin ni gab, at kitang kita ko sa mga mata ni gab yung sobrang tuwa, pero habang sinasamahan ko siya kiligin,.. unti unti naman din niya pinapatay ang puso ko.. wala na lang ako magawa kundi umiyak sa gabi at iniisip na di na talaga pwedeng maging kami!

Dinudurog niya ang puso ko sa tuwing masaya siya..

Masaya dahil sa kasama niya si kie at hindi dahil sakin..

Bakit kasi sa daming lalaki sa mundo, siya pa ang nagustuhan ko!

Ang sakit talaga! Huhuhu L

Never be replacedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon