Hey There :)
Ipapaalam ko lang sana na Third Person na ung magiging POV until the End siguro . That's all .
Again Thanks For Reading ^^
THIRD PERSON'S POV
PININDOT ni John ang play button sa car stereo. Napangiti siya nang marinig ang kantang iyon. At napailing iling siya nang pumasok sa isip niya si Kaira.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito kanina nang halikan niya ito sa pisngi. She blushed. Matagal na niyang napapansin na numula ito tuwing hinahalikan niya ito sa pisngi. Nararamdam niya ang tila kakaibang nararamdam nito para sa kanya.
Nahuhulog na kaya ang loob nito sa kanya at nag kukunwari lang na hindi? Nakangising umiling iling siya. Kilala niya ito. Hindi nito gusto ang katulad niyang playboy. Lalo siya "super playboy" para dito. Hindi siya ang karapat dapat sa katulad nitong MABAIT at dapat na mahalin nang tapat at totoo.
Pero nang hawakan niya ang kamay nito kanina habang nagpapanggap silang mag girlfriend ay parang ayaw na niyang bitawan iyon. He felt something .... different. Katulad din kaya iyong iniisip niyang nararamdaman para sa kanya? Bigla tuloy siyang nagseryoso.
Naputol ang pag iisip niya nang tumunog ang cell phone niya. It was a call from Erica ang girlfriend niyang nag text sa kanya kanina. Nangungulit ito kung nasaan na siya. Ito na yata ang pinakamakulit niyang karelasyon. Sinabi lang niya na malapit na malapit na siya at nag paalam na.
Bumalik ang isip niya kay Kaira. Mahal niya ang kaibigan niya, oo Mahal na mahal. But only as his best friend.
Pero bakit ganoon? May kung anong takot siyang nararamdam. Na para bang ayaw niyang magkaroon ito ng ugayan sa ibang lalaki kundi sa kanya lang. Dahil ba may pagka- siya o iba na ang ibig sabihin sa kanya niyon?
Napakamot siya sa batok niya. Naguluhan siya bigla sa naisip.
NAKILALA ni Kaira si John noong Grade 5 . Ito ang unang lumapit sa kanya upang magpakilala at makipagkaibigan. Tahaimik kasi siya noon dahil naninibago siya sa paligid nito.
Sa Korea siya nag aaral at lumipat sila sa Maynila para doon Ipagpatuloy ang kanyang pagaaral. Ayaw niya sanang lumipat pero nakabili ang Daddy niya sa bahay roon. At sa Maynila na nag College ang ate niya.
Magkaklase sila ni John mula unang taon sa mataaas na paaralan. Napabilang silang dalawa sa star section. Sa kanya ito palaging nag papatulong sa mga assignments at reports. Pero kadalasan ay siya rin ang gumagawa. Matalino talagang si John kaso may katamaran lang kung minsan. Sabay silang pumasok sa school at sabay ring umuuwi dahil sa iisang subdivision lang sila nakatira, magkaiba lang ng street. He was friendly. Palakuwento ito kaya nalaman niyang halos mag kapareho ang ilang detalye ng buhay nila.
Pareho sila ng birthday. Nauna lang ito nang limang oras sa kanya. Pareho silang pangalawang anak. Pareho ring babae ang nakatanda nila , na pareho nang may sariling pamilya ngayon. Nasa Korea ang ate niya dahil naroon ang mga magulang ng napangasawa nito doon din ito nagtrabaho. Nasa Italy naman ang ate ni John.
Pareho rin silang ulila sa ina. Pareho pa silang walang muwang nang yamao ang kanilang mga ina dahil sa sakit at ang kanilang mga ama ay pareho malayo sa kanila. Ang Daddy namn nila ay nasa Dubai sa isang glass factory doon mula pa noong nag aaral sa college ang ate niya. Pinapatigil na niya ang papa niya sa pagtatrabaho pero mukhang nawiwili pa ito. Ang papa naman ni John ay nasa Davao City dahil doon abg food factory nito. Minsan ay lumuluwas ito ng maynila dahil sa negosyo at upang dalawa si John.
Noon pa man ay marami nang babaeng nahuhumaling kay John. Ang sabi niti, grade four pa lang daw ito nang halikan ito ng kaklase niyong babae. Grade six daw ito magkaroon ng unang girl friend. But it was not serious. Hanggang ngayon naman eh. Kailan ba ito nanging seryoso sa isang relasyon? At kailan ba ito nagkaroon ng matagal na relasyon?
Noong high school ay mas maraming babae ang nagkandarapa rito.Siyempre, mawawalan ba naman ito ng girl friends? Ayon dito, gwapo na raw kasi ito noon pa man.
Hanggang mag college, kahit magkaiba sila ng kinuhang kurso ay sa iisang unibersidad sila pumasok. Napansin niyabng habang tumatagal ay lalong dumarami ang humahumabol sa kanya. Iyong iba nga, okay lang sa mga to na maging boyfriend iyo kahit alam na may girlfriend na ito.
Ngayon ay 17 na sila. They were still living in the same subdivision. Ibinigay na sa kanila ng kanilang mga ama ang mga bahay na binili ng mga ito. Nagbukas ito sa isang music store, ang Music Prince, na kilala na rin ngayon. Mayroon na iyong sarling brahces sa isang sikat ng Music Store.
Mabait naman ito. Wala itong gingagawang masama sa kanya. Naroon lang ito ay masaya na siya. Nararamdaman niyang may kaibigan siya. Kung pag kakaibigan ang pag uusapan, isa itong mapagkakatiwalaan at totoong kaibigan.
Maramai rin siyang iba pang kaibigan. Nang makilala niya si John, nagkaroon siya ng kaibigan mas maraming ang hindi maganadang ugali kaysa sa maganda pero totoo at masayang kasama. Komportable na siya rito kahit madalas silang magtatalo tungkol sa pagiging babae nito.
Pero sanay na siya rito. Para ngang hindi makokompleto ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita. At parang hindi siya mabubuhay kapag wala ito sa tabi niya.
______________________________________________________
Author: Maraming salamat sa lahat nag basa ng aking story..
BINABASA MO ANG
My Heart Is Filled With You
Teen FictionJohn Dave Eslava ang nagiisang Best Friend ni Kaira Emerald Ramos . A Certified Playboy But One Hundred Percent Virgin. Mag Best Friend na Sila since Grade 5 . Matalik na Magkaibigan kasi ang Parents nila . Alam nila ang sekreto ng isa't isa . Sa ma...