Chapter 2

117 7 0
                                    

CLAIRE

" Walang hiya ka! Sino ka para dukutin ako huh?! Maling tao na nga ang dinukot nyo tapos may lakas loob pa kayong paliguan ako!" Sigaw ko sa kanya. Mag papatay malisya na parang wala lang ang nangayri. Makikitid ba ang mga utak nila?

" Erika..."

" Y-yes sir". Lumapit sakin ang babae. " Ma'am tara na po..."

" No! Hindi ako sasama! Not with you! Lalo na sayo!"

" M-ma'am... Tara na po... Nag mamakaawa po ako..." Dahil sa sinabi ng babae ay napa tingin ako sa kanya. Puno ng pag mamakaawa ang mata nito kanya kusa rin akong napasama sa kanya. Mabilis ang nangayri at ngayon ay tapos na akong maligo. Malaki ang restroom nila at talagang pang mayaman. Bihis na rin ako ng may biglang pumasok sa kuwarto hindi ko naman talaga alam kung kaynino.

" Ma'am kumain na raw po kayo..."

" Ayoko..."

" Pero ma'am. Magagalit po si Sir kapag hindi po kayo kumain..."

" Bakit? Tatay ko ba sya? Hindi naman diba".

" Pero ma'am... K-kayo lang po kasi ang nakagawa nun kay Sir... Ang pag sampal po sa kanya kanina". Dahil sa sinabi nya ay napa tigil ako.

" Then good... Para naman magising sya. Wala akong kasalanan sa kanya".

" Ma'am, kumain na po kayo..."

" Ayoko... Lumabas ka na... Ikukulong ko na lang ang sarili ko dito dahil yun naman talaga ako dito".

" Ma'am masyado po kayong maganda para ikulong nyo po ang sarili nyo dito... Makinis po ang balat nyo at napaka ganda nyo po talaga. Walang halong biro".

" Erika..."

" S-sir... Ayaw nya po kasing kumain". Nag usap sila saglit ng makita ko na isinara nya na ang pinto. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag lakas loob na lumapit sa kanya.

" Nasan ang tali at ang posas? Ako na mismo ang mag kukulong sa sarili ko".

" Woman... I'm not gonna lock you here... Ibebenta kita..." Dahil sa sinabi nya ay napa tigil ako.

Hindi pwede. Mas gugustuhin kong makulong sa ganitong klaseng lugar kaysa sa ibenta ang sarili ko.

" No..."

" Yes... Ibebenta kita, sa ayaw o sa gusto mo".

" No!"

" Yes. Now. Come with me..."

" No!" Agad akong lumuhod sa kanya. Kung ito lang ang tangging paraan para hindi nya ako ibenta ay gagawin ko. " Please... I'm begging you... W-wag mo akong ibenta... Wag please... Mas gugustuhin kong makulong dito kaysa ibenta mo, please. Nag mamakaawa ako..."

Hindi sya nag salita. Pinunasan ko ang luha ko dahil lumayas na sya.
" Ma'am? Tumayo na po kayo..."

" H-hindi na ba ako ibebenta ng boss mo?"

" Si sir Kile po? Ano po bang na pag usapan nyo?"

" S-sabi nya. Ibebenta nya ako. Ayoko. Ayoko... Ayokong maulit ang nangyari sakin..." Kwento ko habang naka upo kami sa gilid ng kama.

" Ano pong ibig nyong sabihin?"

" Noon kasi... Sinubukan akong ibenta ng step father ko sa ibang lalaki. Takot na takot ako noon... H-hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong nagawa kung hindi sumama sa lalaking yun pero nag pasalamat ako dahil naka takas ako. Muntik na akong ma rape kung sa kaling hindi ako makakatakas... Ayoko ng mangyari yun... Sinasaktan ako ng tatay-tatayan ko noon... Ayoko na..."

" Ma'am... Kung magiging mabait po kayo kay sir Kile. Hindi nya po kayo sasaktan..."

" Paano ako magiging mabait sa lalaking dumukot sakin? Magulo na nga ang buhay ko tapos madudukot pa ako". Asik ko. Totoo naman ehh.

Hindi mawala sa isip ni Kile ang narinig nya sa dalagita. Muntik na pa itong ma rape noong bata pa sya. Sa totoo lang. Nakaramdam sya ng awa ng malaman nya iyun, kahit ang totoo ay hindi talaga sya nakakaramdam ng awa sa kahit sino man.

Gusto nya na ring palayain ang dalaga ngunit may parte sa kanya na ayaw nyang pakawalan ito.

Is he atracted to that woman?

Nung makita nya ang dalaga ay namangha sya sa kagandahan na meron ito. Bukod doon ang dalaga lang ang unang naka sampal sa kanya. Hindi makapaniwala si Kile. Akala ni Kile na papayag ang dalaga kapag ibinenta nya ito ngunit nagulat sya sa sagot ng dalaga dahil mas pipiliin nya pa palang makulong sa isang ganitong lugar kaysa maging isang mababang babae.

Nilunok ng dalaga ang pride nya wag lang maibenta.

CLAIRE

Naka kulong pa rin ako sa kwarto at hindi pa rin kumakain. Kailangan kong maka takas bago pa sila makagawa ng kung ano sakin. Lalo si Kile.

Gabi na rin at umuulan. Walang ingay akong lukabas ng kwarto at pasalamat na lang dahil walang mga tauhan o mga katuling ang nandito. Dahan dahan akong bumaba sa hangdan at agad ding nag tago.

" Tara na". Rinig ko sa isa mga tauhan ni Kile. Nang makita ko na umalis na sila ay agad akong lumabas sa pinag taguan ko at dahan dahan na lumabas. Dahan dahan ko ring binuksan ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag ng wala na rin mga tauhan sa labas. Malaya akong makakalabas. Mabilis akong tumakbo at agad na binuksan ang gate.

" Nawawala yung babae!" Rinig kong sigaw ng isa mga tauhan sa loob. Agad akong tumakbo at umalis sa bahay na yun. Ayoko na roon. Basang basa na rin ako dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Iniinda ko rin ang gutom ko dahil wala muna akong oras para sa mga ganyan. Lumingon ako at naaninag ko na may mga tumatakbo rin ng mga lalaki.

Sh*t!

Baka maabutan nila ako. Patuloy akong tumatakbo ng mapatili ako. Biglang may humintong kotse mismo sa harapan ko. Buti na lang ay hindi ako nasagasaan.

Dapat tumatakbo na ako sa lagay na ito pero hindi ko magawa. Patuloy pa rin ang pag bagsak ng ulan sakin. Bigla naman may bumaba na lalaki at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko kung sino yun.

" Trying to escape huh?" Si Kile. Pinapayungan sya ng driver nya pero alam ko naman na nababasa na rin sya kahit kaunti dahil sa lakas ng ulan. Biglang may humawak sa dalawa kong braso at yun nga ang mga tauhan ni Kile.

Hindi ko magawang mag salita. Barado na ata ang lalamunan ko. Dapat lumalaban ako pero wala na ata akong lakas.

" Youre not going anywhere... Get in, Claire". Mariin nyang giit at wala naman akong nagawa. Isinakay nila ako sa kotse ni Kile.

Malayo ang distansya namin sa isa't isa at bukod pa doon ay basang basa na ako. Pinipigilan kong umiyak dahil pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag asa na makatakas.

Alam kong malaking tao si Kile para kalabanin ko. Pero wala na akong ma isip na paraan kung papaano makakatakas sa isang katulad nya.

Bukod pa doon, wala naman akong kasalanan sa kanya diba. Pero bakit ayaw nya akong palayain? Natatakot ba sya na isumbong ko sya sa pulis?

Sa sobrang pagod ay dinalaw na ako ng antok.

Kidnap By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon