Loyal ako kay mallow ko

269 7 0
                                    


Chapter 1:Loyal ako kay mallow ko

JD's P.O.V.

"Bro gala tayo?"aya ni Sumi.Kabanda ko.

"Tsk.Ayoko.Kayo nalang"sabi ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.

"Bro naman.Four years na ang nakalipas di ka parin nakamove on?"tanong ni Carl.Tinignan ko siya ng nanlulumo.

"Hindi mo ko masisisi bro.Mahal ko parin yung tao"sabi ko sabay sandal sa headboard.

"Alam namin yun bro.Aware kami sa nararamdaman mo.Ang amin lang bro.Wag ka namang magmukmok ng mag mukmok.Kami ang nag-aalala sayo eh"sabi ni Sed.

"Aba.May care ka pala na nakatago sa kili-kili mo bro?"pagbibiro ni Sumi kaya nabatukan siya ni Luke.

"Aray Luke!Bat mo ko binatukan?!Tsonggo ka!"sabi ni Sumi habang hinihimas himas ang batok niya.

"Wala.Trip ko lang"sabi ni Luke at tumakbo.Naghahabulan naman sila hanngang sa mahuli ni Sumi si Luke at nagsimulang magwrestling.

"Di nga bro.Gala tayo.Para naman hindi ka na magmukhang bampira dahil sa putla"sabi ni Carl.Tsk.Kainis naman.

"Sige na nga.Saan ba punta natin?"tanong ko.Nagkatitigan silang apat at tinignan ako habang nakangiti ng malapad.

"Sa Bar."in chorus nilang sabi.Sinamaan ko sila ng tingin

"Eh kung isumbong ko kayo sa mga girlfriends niyo?"pambla-blackmail ko sa kanila.

"Wala na kami ni Marie"Luke

"Wala na kami ni Maezen"Sumi

"Kami pa ni Nikka"Sed

"Kami pa ni Grace"JC

"Oh edi hindi kayo sasama sa bar.Baka ipasok kami ng mga gf niyo sa bag ni Dora"sabi ni Sumi.Napasimangot naman si JC habang chill lang na nakaupo sa gilid ng kama ko si Sed.

"Ehhh.Kainis naman eh!Gusto ko pa naman magbar.Exam na kaya natin pagThursday.Sasakit nanaman ang ulo ko"nakasimangot na sabi ni Carl.

"Edi makipaghiwalay ka bro"sabi ni Sumi kaya nakahakot siya ng maraming batok.

"Gaga ka bro?Siya na nga lang ang inspiration ko eh"sabi ni Carl

"Idala na sa MMK!"sigaw ni Sumi.

"Eh kung ikaw kaya ipadala ko sa mental"sabi ni Carl.Nagtago naman sa likod ni Luke si Sumi.

"Luke my love so sweet,save me!"sigaw ni Sumi kaya binatukan naman siya ni Luke at itinulak.

"Kadiri ka Sumi?"nandidiring sabi ni Luke.

"Ouch!"sabi ni Sumi habang nagpapanggap na nasaktan siya.

"So.Kayo nalang ang pupunta sa bar habang kami naman ni Carl ay magmu-mukmok lang sa kwarto.Its settle then"prenteng sabi ni Sed.

*tug tug tug tug tug*

"Ang ingay naman dito!"agad kong sabi ng makapasok kami sa VIP.

"Natural bro.Bar to eh"sabi ni Luke

"Matakot ka nalang kung mala-library ang katahimikan dito sa bar"pamimilosopo ni Sumi.Nagkatinginin kami ni Luke.

"Gago!"sabay naming sabi sabay tapon ng chips kay Sumi.

"Ui!Sayang ang chips!"sabi ni Sumi.

"Edi kainin mo!"sabi ko.Pinulot naman ni Sumi ang mga natapong chips at kinain.

"Bro kadiri ka!Ang dami kayang germs sa sahig!"nandidiring sabi ni Luke kaya inirapan siya ni Sumi.

"Ang Arte mo naman Luke my love so sweet.Atsaka ayon sa mga researchers,kapag sasanayin mo raw ang katawan mo sa germs,hindi ka raw madaling magkasakit!"proud na sabi ni Sumi at kumain ng chips.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon