Chapter 5

59 0 0
                                    

Jayson’s POV

Hello, Yes meroon akong POV =). Okay Serious na.

Nagtatanong kayo kung anong role ko dito? Siyempre partner ni Ace. Alam niyo yun swerte ko daw sabi ni chief kasi ako daw ang partner ni Ace.

Bakit? Dahil daw magaling talaga si Ace, masipag sa trabaho. Trabaho kung trabaho, masungit, maganda ang buhok dahil straight na straight halata naman kahit nakatali siya, maputi, ang ganda ng mata.

MAGANDA siya period.

Don’t get me wrong ha? WALA AKONG GUSTO SAKANYA. Parang naging interesado lang ako sakanya, kasi ang cute cute niya lalo na pag naiirita siya saakin. =)

Okay mamaya ko na siya idedescribe.

Nandito padin ako sa ATC kahit umuwi na si Ace, trip ko lang maggala. Halos 30 mins nakong naglalagalag dito HAHA. Tapos napadaan ako sa Bread Talk at nakita ko si…

Ace. Akala ko umuwi na to? Lalapitan ko sana kaya lang may lumapit na isang lalaking matangkad na nakalongsleeves pero nakatupi.

at nagsmile si Ace.

Ewan ko ba kung bakit pero biglang…

Naginit ang ulo ko.

Ace’s POV

Nakauwi na ako sa bahay, nagpait muna ako ng damit, simpleng shirt at pantalon lang ang sinuot ko dahil iaabot ko lang naman tong envelope na to. Okay na, umalis na ako.

*BEEP BEEP*

kinuha ko ung fone ko.. 1 message received

“ Ms. Bautista let’s meet up sa Breadtalk. Thanks and see you.”

Si sir Cian siguro to maisave nga ang number, malay mo diba? Ang landi :>

Nakarating na ako sa ATC dumiretso na ako sa Bread Talk.

Wala pa siya, teka paano ko malalaman kung sino siya?! NYAK. Bahala na. After 10 Mins.

“Excuse me Miss”

tumingin ako sa nagsalita. WOAH. Ang gwapo naman neto, matangkad, maputi, tingin ko mga 24 or 25 lang siya.

“Are you Ms. Ace Bautista?” Nako siya si Cian?

“Ah-ah Y-yes sir, kayo po ba si Cian Atienza?” nakakahiya nautal pa ako.

“Yes, ako nga. Uhhmm are you busy Ms Bautista? Pwede ba tayong gumala muna?” nagsmile siya ng konti as in maliit lang nawala din agad.

“Hindi naman po, baka kayo po mukhang busy, ay eto po pala ung envelope, hindi ko po yan ginalaw” inabot ko ung brown envelope. Kinuha niya at nilagay doon sa hawak niyang bag.

“Ms. Ariadne Crystal Hernandez Bautista, Please drop the ‘po’  halos magkasing-edad lang tayo, I’m 25 you’re 24” dirediretso niyang sabi. NGANGA AKO dun. ANG DAMI NIYANG ALAM.

“te-teka? Paano mo nala—“ hindi ko natuloy ung sinasabi ko

”You’re working in a company as a executive secretary and you know pwede kang model” he chuckled, ang gwapo niyang tumawa.

“Sir, wag ka namang magbiro ng ganyan”

mukhang pinabackground check niya ako.

Buti nalang at tago talaga ang tunay kong trabaho, dahil secret nga ang operations naming.

“pero sa pagkakakita ko sayo” patuloy niya sa pagsasalita.

“I can say ayaw mo ng modeling, more on adventurous type ka.”

“Ang galing niyo naman sir HAHA” dumaan kami sa KFC.

Sa gwapo at sa porma nito sa akalaing mong nagfafast food.

“Hey Ariadne anong gusto mo? My treat, thank you gift nadin”

nagulat ako ng tawagin niya akong Ariadne. Isa lang ang tumatawag sakin nun.

“a-ah Krushers lang, hahanap lang ako ng upuan sir.” Kumunot ang noo niya.

“Cian, call me Cian” nagsmile ulit siya, nakakatunaw.

Nung nakapagorder na siya, napunta na siya sa table namin. inabot niya sakin ung krushers ko at umupo na siya.

Napatingin ako sa features niya, familiar.

“Stop staring, masama yan”

“Sorry haha, you look familiar kasi eh” uminom ako ng krushers ko.

“Well nagkabunguan tayo right?” tapos kumain na siya ng inorder niya.

“Ni hindi nga kita tinignan nun eh” Guni guni ko lang un.

“Maybe may naalala ka lang sakin.”

Medyo seryoso niyang sabi. May naalala? Sino naman? Tapos nagsalita ulit siya.

“Maybe your ex?” I saw him smirk. Aba! Kakakilala palang naming ah?

Pero cool lang dapat.

“Nako si—Cian mga tanong mo kakakilala palang natin ang dami mo na ding alam tungkol sakin, Stalker.”

Natatawa naman ako, dahil etong gwapong to stalker KO? HAHA

“Maybe I am, Maybe not. Pinabackground check kita”

“For what?”

“Ung envelope kasi ay may laman na important files or my company, kaya nung tumawag ka at nalaman ko ang ko ang name mo pinabackground check kita, at maganda naman ang records mo kaya tiwala akong hindi mo talaga gagalawin ung envelope na iyon at tama nga ako :)”

“wow grabe makapagmonologue.”

Natapos na kaming kumain at niyaya ko na syang umuwi. Nagpunta na kami sa parking lot.

“Ariadne, it’s so nice to meet you. Thank you nga pala =)”

“Wala yun sige babye.”

“bye” sabi niya at nagwave. Palakad na ako papunta sa car ko ng bigla siya ulit nagsalita.

“Oh, by the way… Ang cute mo pag shirt at jeans ang suot mo =)” at umalis na siya.

Ako? Naiwan sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung namumula ba ako sa hiya o sa kilig.

~~

A/N:

Eto na chapter 5 :))) masipag ako magupdate :)) kasi sabi nila magupdate na ako.

tska may nangungulit na sakin, hunuhulaan ang mangyayari HAHAHA.

Sige enjoy reading :)))

--Tine xP

My Criminal Lover [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon