Monday ngayon. May pasok nanaman. Pumasok ako, kahit wala ako sa mood.
“ACE!!!!” Ang aga aga nambubuisit nanaman si Jayson.
“Jimenez! Bakit ba ang kulit mo? Nakakairita na minsan.” Nagpunta nako sa station ko.
Pagdating ko doon dahil may bouquet ng white roses at may note.
“Ariadne,
Pwede ba tayong lumabas? Just text me ha?
--à Cian”
Napangiti naman ako nung nabasa ko iyon. Pampaalis ng stress.
Simula kasi nung nagkita kami sa ATC ay nag keep in touch na kami sa isa’t isa.
“Hoy! Si Tisoy nanaman yan. Tss. Mas gwapo pa ako dun eh! HAHA!”
Hindi ko siya pinansin pampanira ng mood.
“Bautista, tawag ka ni chief.” Nabigla naman ako, minsan lang kasi ako tawagin nun eh.
--
Pumasok ako sa office ni chief. “Sir, pinapatawag niyo daw po ako?”
“Yes, please have a sit.” Umupo ako, natetense ako sobra.
“Bautista, may natanggap akong letter galing kay Mr. Atienza.” Ha? Si Cian? Bakit naman?
“Ah bakit po , ano daw yun?” tanong ko
“Sabi niya kung pwede ka daw bang magtrabaho saknya?”
“Sir?” Si Cian gusto akong magtrabaho sakanya?
“Yun ang sabi niya eh. Kailan mo ba nakilala un?”
“Ahh 2 months ago po, pero sir hindi po ako lilipat doon, kasi po loyal ako promise po.” Tense kong sabi, grabe kinakabahan ako. Mukhang seryoso si sir.
“HAHAHAHA! Ace, wag kang masyadong tense. Okay lang naman sakin kahit lumipat ka doon, walang kaso. Pwede ka parin namang magreport ditto any time mo gusto =)”
Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko papaalisin na ako ni sir.
“Akala ko naman sir papaalisin niyo na ako eh, kinabahan ako!” tumwa ulit siya.
“Wag OA Ace, ay nga pala pinagpaalam ka nadin niya, sabi niya may lakad daw kayo. Nako may nahumaling nanaman sayo Ace xD”
“Nako naman tong si sir kung anu-ano sinasabi, tsaka kaibigan ko lang yon no?”
“Nako, osyah syah, umalis ka na at baka kanina ka pa hinihintay ng ‘friend’ mo” nako nangasar pa
“Sige na sir, thank you!”
Lumabas ako sa office niya, nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto nakabungad ang mukha ni Jayson.
“Oy ano sabi sayo? HAHA promoted ka na? nako napaghuhulihan ako ah.”
Binatukan ko nga siya ang ingay eh. “ARAY! Ang bayolente mo! Grabe nagtatanong lang naman eko eh.”
“Ang ingay mo kasi” yun lang ang sinabi ko at pumunta sa station ko at nagayos ng gamit para makaalis na.
“Aalis ka agad? Magkikita nanaman kayo ni Tisoy?” nagtatampo niyang tono.
“Ang kulit mo, alam mo yun?” Palabas na ako sa office, hindi padin natinag si Jayson at sinundan padin ako.
“Eh mas gwapo naman ako dun eh.”
“Tigilan mo ako, okay.” Sumakay na ako ng elevator , buti naman at hindi soya pwedeng sumunod dahil madami pa siyang trabaho.
Nakarating na ako sa parking lot. Pero mahaba haba ang lalakarin ko dahil sobrang layo kasi ng pinagparkan ko. Ano bayan -_-
At sa wakas nakarating din ako. Pero bago ako tuluyang makalapit sa kotse ko, may napansin akong tao nakinakalikot ang wiper ko.
Hinawakan ko ang baril ko sa gilid ng bewang ko at unti unting lumapit sa kotse.
May nilalagay siya sa wiper ko. Siya siguro ang nagpapadala ng mga kung anu anong mga sulat sakin.
Mahuhuli din kita.
Lumapit pa lalo ako, mukhang hindi pa niya napapansin na palapit na ako.
Bubunutin ko na ang baril ko ng bigla siyang napatingin sa direction ko.
Biglang parang napako ako sa kinatatayuan ko.
Napatingin ako sa mata niya. Kung siya ang taong nagpapadala sakin ng sulat bakit parang may iba sa mga mata niya?
Unti unti siyang lumapit sakin, hindi ko padin magawang igalaw ang kamay ko para bunutin ang baril.
Lumapit pa siya, hinihiling ko nalang na mabunot ko na ang baril ko. Pero ayaw sumunod ng kamay ko sa utak ko.
Sobrang lapit na niya, bigla niyang nilagyan ng panyo ang mukha ko, sa may bandang ilong.
And
--Everything went black--
~~
A/N:
Updated na :) feeling ko last na UD muna ito :)) Siguro lang. malay natin :))
Medyo magulo ung umpisa niyan pero sana magustuhan niyo :)))
weeee feel free to comment , vote and everything :))
BINABASA MO ANG
My Criminal Lover [On-Hold]
Teen FictionSa buhay, dalawa lang ang pagpipilian. Ang tama o ang mali. What Will you Choose? A/N: 2nd story :) sana magustuhan niyo :)