5

10 0 0
                                    

So sabado na naman. Umalis kami ng bahay(dahil sawa na ako sa bahay) chos. Pumunta kami sa bahay ng mga kapatid ko. Anlayo pa naman kaya halos nagkandatulog-tulog ako. Kaya pagkadating ko dun sa bahay nila energy 100 ako. Yung parang nakakain ng 100 chocolate ganon.

Kasama nila yung pinsan ko. Hihingiin ko pa naman yung cellphone kasi bibili sya bago(buraot lang mas level-up). Ayon naghanap kami ng cellphone tapos nakakita sya ng iphone 7(Yaman talaga). Kaya nagsabi ako kay mama na bilhan nya ako. Sabi nya dapat daw mataas ang grades ko. Give and take. Ang hirap pa naman makakuha ng mataas na grades. Kabadtrip. Sigurado ako hindi ako mabibilhan. Pero hindi naman masamang magtry. Kaya sana mabilhan ako ng bagong cellphone.

Nagvibrate yung cellphone ko. May nagtext ata

09********9

Si Zach toh remember? Yung nanghingi ng number mo at sumalo sayo.

Shems putek. Si Zach pala yun. Nakalimutan ko na binigay ko nga pala yung number ko sa kanya.

Pinabayaan ko nalang muna yung text at tinago yung phone pero maya-maya nagvibrate ulit.

Si Zach na naman.

09********9

Ba't ayaw mo ba akong replyan?

Minsan uso ding magreply.

Anong irereply ko. Ngayon nagtatalo yung utak ko sa 'wala lang' at 'hindi ko trip'. Kaya nung nagtype ako eto lumabas.

Wala ko trip.

Ayos.

Dito na nagtatapos ang entry #5 bay!



Dear Diary Me,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon