Dear Diary Me,
Nga pala kahapon pumunta sa bahay namin sila Zach. Hindi ko alam kung paano nya ako napuntahan o paano nya nalaman yung bahay namin.
Flashback
"Tao po? Tao po?" Sino ba tong natawag?
"Bakit po?" Tanong ko.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Zach na nakabike.
Inner me: Shit! Bat sya nandito?
"Uy, bat ka nandito?" Sabi ko
"Ahhh, kakamustahin lang sana kita. Ayos ka na ba? Namroblema kasi ako hindi ka kasi nagreply sa text ko."
"Ahh oo. Jusko pumunta aka pa dito yun lang naman pala sasabihin mo. Pwede mo naman ako ichat."
"Hindi ayos lang,mas mabuti nga yung nakikita kita ng harap-harapan na ayos ka."
Inner me: kilig ka noh? Ako rin ehh...
Minsan gusto ko rin talagang sapakin tong kaloob-looban ko kaso magmumukha akong adik kaya wag nalang.
Buti nalang nag-ayos ako ng bahay kaya pwedeng pumasok si Zach.
"Ahhh,Zach pasok ka. Ipasok mo nalang din yang bike mo dito.
"Hindi na,aalis na din ako, gusto lang talaga kitang makita."
At bigla syang kumaripas ng takb- I mean ng padyak sa bike nya.
End of flashback
Ba't nya ginagawa toh? Never ko namang sinabing gusto ko sya, pero hindi ko din tinatanggal yung fact na magugustuhan ko sya.
Last year ko lang sya nakilala at napakatahimik nya last year. Grabe! Nag-iba na talaga sya.
Nakakatuwa lang kasi nagsasalita na sya ngayon kase masyado syang secluded dati. Sana lang magtuloy-tuloy na ang pagbabagong buha- este pagbabagong ugali nya.
Ps: Nahulog si Zach sa bike nya kamamadali. Buti nalang ako lang nakakita kung hindi andaming tatawa sa kanya.
Pps: Pigil na yung tawa ko kanina habang tinutulungan ko sya. Buti nalang din tinuruan ako ni mama kung paano gumamot ng sugat, kung hindi impeksyon ang inabot netong batang toh.
Ppps: Grabe makasigaw o makatili si Zach habang ginagamot ko sugat nya. Sakit sa ears promise. Wala kasing voice record ang notebooks eh. Hayaan mo gagawa ako non pag lumaki pa ko. CHOS KAILANGAN KO LUMAKI.
Dito nagtatapos ang entry #8 ta-ta