6

7 0 0
                                    

Dear Diary Me,

So skip na tayo ng linggo kasi wala naman akong ginawa nun.

(Monday na naman, sabog na naman ang ulo ko) tune:akin ka nalang iingatan ko ang puso mo

So sa ngayon nasa school ako tapos nagpaplano kami tungkol sa birthday suprise namin kay Angel.

Hindi pumasok ang maganda kaya ayun walang nangyari. Nga pala yung girl nayun ginupitan ako ng bangs kaya eto ako. May bangs. Pero keri lang kasi nagustuhan naman ni mama.

Pero alam mo may nangyari pala kahapon. Kasi nagpost ako ng memes ng mga kaklase ko. Tapos isa sa kanila nagalit sakin. Ayun hindi kami nagpapansinan. Pero hindi ako galit sa kanya . Sya ang galit sakin. Napansin ko dahil nung sinabi ni Margaret na pipicturan sya ayos lang. Pero nung ako makaiwas ang pu- ( anak parin tayo ng diyos wag magalit baka matanggal ang anit).

Back to the story na tayo. Nasa school ako at nagcecellphone. Tapos nagsusulat ako dito sa diary(multi-tasking). So cellphone-cellphone lang tapos nakita ako ni  Ma'am.

Flashback

"So this is how you solve temperature." Sabi ni Ma'am habang ako busy magcellphone.

"Erin! Nagcecellphone ka ba?" Cher naman eh bad timing.

"H-hindi po" Nautal pa ako kaasar.

"Huli ka pero di ka kulong, detention lang" Sabi ng demonyo kong kaklase. Mga bwisit

"Detention!" Malutong na sabi ni Ma'am.

Ang masakit pa don kinuha yung cellphone ko.

So nasa detention room ako(oh kung ano mang tawag dito). At nandito din si Zach. SI ZACH. Hindi pa ako nakapagreply ng maayos sa text nya. Paktay.

So nakita ko syang kinakalikot yung cellphone nya. Naglalaro yata. ML, ROS, LOL?

Ayun ang wierd? Weird? Werid? Basta ang  panget pakinggan kung sinabi kong kaming dalawa lang dito. Kaya sabihin nating kasama naming dalawa ang hangin at dumi.

So ayun mga 5 minutes bago sya matapos magcellphone,bigla syang lumapit saakin. Tas bigla nyang sinabi.

"Uy, ayos ka lang?"

"Oo ayos lang ako." Matamlay kong sabi. Wait! Nanghihina ako.

Tas bigla akong natumba.

Dito na nagtatapos ang entry #6 bayi!!!

Dear Diary Me,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon