Intro

57 8 1
                                    

        Madalas akong magpantasya na isa akong napakagandang prinsesa. Na nakukuha ko palagi lahat ng gustuhin ko, na may marami akong magagandang damit, nakatira sa isang malaking palasyo at isang napakagwapong prinsipe ang aking nobyo.

     Ang cheesy no? At napaka-imposible. Hindi lang iyan ang mga ini-imagine ko. Siyempre palaging kong iniisip na sana ay isa na lang akong heredera o kaya’y isang super genius, na sana balang araw malaman ko na meron pala akong super powers. O di kaya’y manalo ako sa lotto kahit hindi tumataya, o ampunin ako ng isang super yaman na pamilya. Naisip ko rin baka may makadiscover sa akin at maging artista ako, o kahit na gawin akong agent ng isang secret organization. O diba ang gaganda ng imagination ko? Lahat ng hindi ko kayang gawin sa totoong buhay ay nagagawa ko sa aking mga imagination. In my fantasies, ako ang bida and I am invincible. Walang problema, walang kahinaan, maraming pera at palaging masaya.

     Oo, I know I sound crazy at napaka-ambisyosa ko. Pero what’s wrong with that? Wala nman akong sinasaktang tao eh. At tsaka libre lang mangarap. Ika nga nila, walang basagan ng trip. Kahit sobrang nonsense para sa iba, eh hindi ko pa rin ititigil ang pagpapantasya. Malay natin eh magkatotoo nga. *LOL*  Typical girl fantasies lang naman iyon, atleast may positive thoughts ako sa isip ko and it gives me encouragement para pagbutihan ko ang lagat ng dapat kong gawin para maging successful.

     4th year student pala ako ngayon sa high school. At, I’m sure I’ll be graduating with honors. Sinigurado ko talagang matataas ang performance ko sa school dahil kailangan ko ng scholarship para makapag-aral ng college. Mahirap lang kami, that’s why nagsisikap ako. Kaya nga ang dami kong mga pangarap, wishes, hopes, at syempre, goals. I want to be successful.

     Simple lang naman ang numero unong hangarin ko. Pera. Oo, pera. Sa ingles, money. Gusto ko ng maraming pera. Ayaw kong maging mahirap habambuhay. My name’s Julienne. At taliwas sa mga pilyong fantasies ko, seryoso akong tao. At determinado akong makuha lahat ng kailangan at gusto ko. I may sound selfish to you, pero kung naranasan niyo nang maghirap ng sobra sobra, maiintindihan ninyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon