Chapter 3.

0 0 0
                                    

SWEET'S POV ~

Haay. Nakakapagod. kaka-out ko lang sa trabaho at andaming customers. Gahli. Hindi maubos-ubos. Byernes naman din kasi. Mabenta ang kagandahan ko. "flipshair". Andami kong tip. Hihi.

Nag-aabang ako ng jeep.

Ayoko nang pumara kahit san pa magpunta

Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama ~ Kanta ko sa isipan ko.

"SWEEETY KONG MAGANDAAAA!!"

Napabalikwas naman ako at napalingo sa tumawag ng maganda kong pangalan. Nakita ko ang salarin sa pagtawag ng pangalan ko. Shet. Ang gwapo. Kamukha ni Dingdong Dantes. Bagay kami kasi kamukha ko si Marian Rivera minsan. Hihi. Pero, pano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko maiwasang iipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko at ngumiti ng pagkaganda ganda yung tipong nagpapacute sa kanya. Nakangiti siyang palapit sa'kin. Hihi. Kenekeleg eke. Hihihi. Hinintay ko ang paglapit niya sa'kin. Syempre, nagpakipot ako, hindi ako tumitingin sa kanya habang papalapit siya. Pero, lumipas ang limang minuto hindi padin siya nakakalapit, hindi naman mahaba ang lalakbayin niya patungo sa kaharian ko eh. Kaya nagtaka ako, at tumingin sa kanya.

Nawala siya!!

Nagpanic ako! baka kinain na siya ni Lolong, o kaya baka inabduct na siya ng Aliens. napatingin ako sa kalangitan, wala naman. nagpalingon-lingon ako.

'Nasan na ang prince charming ko? Huhuhu.'

"BASILYO!! CRISPIN!!!" Arte ko habang lumilingon lingo sa kaliwa't kanan. "Nasa'n kayo ga anak ko?!" Arte ko ulit matapos kong hawakan ang ulo ko at umilin iling.

"Pfft.:"

May narinig akong pigil na tawanan sa likuran ko kaya napalingon ako doon. Parng tinadyakan ng kabayo ang puso ko.

"Anaaak ko!! Huhuhu." Pagtakip ko sa pagkakapahiya ko. Hula kong hindi ako ang tinawag niya kanina. Kundi ang babaeng nasa likuran ko. Maganda siya, pero di hamak na mas maganda naman ako.

Dahan-dahan akong umalis sa lugar na 'yon. Nakakahiya talaga. Sumakay na ako sa jeep kahit na hindi ko alam kung saan ito papunta.

"Manong, bayad ng maganda, dyan lang sa Teresa."

Nakita ko ang pagngiwi ng iilang pasahero na kasabay ko. Hindi ko nalang pinansin dahil alam ko namang maraming na-iinggit sa kagandahan ko. *smirk*

Naglalakad ako patungo sa bahay nang may nakita akong bulto ng lalaking nakaupo sa harap ng gate namin.

Kinabahan ako. Baka masamang tao, madaling araw na at madilim na dito banda sa amin. Walang post light dahil pinutuan ng meralco ang barangay. Inilabas ko ang kutsilyo ko mula sa swiss knife na palagi kong dala-dala. May pliers din 'to. Pang-ipit ng ano, ng daliri.

Habang papalapit ako at hindi maiwasan ang paglakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako dapat matakot, dapat maging matatag ako. Para sa pamilya ko, para sa sambayanang pilipinas.

Nung nasa harap niya na ako ay inamba ko na ang kutsilyo para ipangsaksak sa masamang taong 'to.

"Aaaah!!!!" Bigla siyang tumingala at natatakot na hinawakan ang braso ko para pigilan ako matapos kong sumigaw.

Nang dahil sa ginawa niya ay nakilala ko kung sino ang lapastangan na tumatambay sa tapat ng bahay.

"Yaah! Yaah! Tarantado ka! Pinakaba mo ko! Anong ginagawa mo dito?! 4AM na for pete's sake! Wala nang nanliligaw ngayon! Akala ko kung sinong masamang tao!"

"Hayup ka Switik!! Pano kung hindi ako napatingala! E di dumanak na ang dugo dito! bakit may kutsilyo ka?! Tsaka ang kapal mo! Hindi ako mangliligaw sayo, never!"

WHO WOULDN'T (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon