Unexpected Message

163 5 1
                                    

Ako si Azami, 3rd year student sa Fort High School at President ako sa isang sikat ng organisasyon sa paaralan namin. Maitim ako, pango, at pandak. Sa katunayan nga eh dahil sa pisikal ko, ilang beses na akong na-bully sa paaralan namin. Ngunit dahil sa kalakasan ng aking loob, lahat 'yon ay buong puso kong tinanggap.

Noong may pinatawag na meeting ang Principal ng school namin, nagmadali akong mag-ayos ng mukha. Syempre, kahit anong ganda pa ng aking mga damit, tiyak na wala na itong magagawa pa sa aking pisikal. Ngunit lahat ng ito ay nagbago nang makilala ko si Sage, hearthrob sa paaralan namin. Tila ba'y nag-bloom at lumitaw ang kagandahan ko bigla. Haha. 

Si Sage ay maputi, makinis, matangos, matangkad, malusog at malinis sa pangangatawan. Sa lahat ng oras ay hindi ko pa nakitang nadumihan ang kanyang maputing polo. Napaka-bait ni Sage, mapag-bigay at warm daw siya sabi ng mga kaibigan ko. 

Gusto ko na si Sage simula pa nung magpa-conduct ng meeting ang Principal namin. Noong una kong pagkakita sa kanya, para bang hihimatayin ako. Literally. Kasi naman napaka-gwapo niya eh haha. Simula ng magkaroon ako ng crush sa kanya, nagsimula na akong mag-ayos ng mabuti sa katawan. Conscious na ako sa kung paano ang itsura ko, kahit na tanggap kong 'di na ako gaganda pa. Nagsimula na akong magdala ng suklay at salamin sa aking bag para kapag may gwapo akong katabi... Alam na. Haha. Bumili na rin ako ng mga pampaputing sabon at mga anti-split ends na shampoo at conditioner. Sinali ko na din sa mga ginagamit ko ang Moisturizer with Sunblock spf 45 sa beauty regimen ko. Ang landi diba?

Isang araw, naglalakad ako papunta sa MAPEH Faculty para kunin ang mga test papers. Habang binubuksan ko ang pintuan, tumambad sa akin ang boses ni Sage.

"Bae?"

"Bae, tagal mo naman? San ka ba pumunta?"

"Bae? Eto na mga test papers."

Shooooooocks! Si Sage? Bae tawag sa'kin? Oh myyyyyy!

Nabigla ako dun. Sobra. Kilig to the nerves grabe. So, tumuloy na ako sa Faculty at sinagutan si Sage...

"Ahh, sorry bae. Natagalan. Asan na mga test papers?" Pakilig na sagot ko.

"A-a-akala ko ikaw si Faye. Sorry kung natawagan kita ng Bae, akala ko kasi talaga ikaw si Faye eh." Patawang sagot niya.

"Ahh... Okay, sorry din." Pahiyang sagot ni Azami feelingera.

Baket. Bakeet. Bakeeeeeeeeeeet?! Hindi pala ako yung tinatawag nyang bae. Huhu. Okay na eh, kaya lang 'di pala ako yun. So ayun, hinanap ko nalang yung mga test papers sa faculty. Napahiya ako grabe. Haha.

Pabalik na ako sa room namin at magche-check na kami ng mga test papers. Fortunately, kasabay ko si crush. Katabing room ko lang pala si Sage. Oh my. Hindi ako kumibo kase napahiya ako, pero nagtanong siya sakin...

"Pasensya na ulit kanina ah? I'm Sage. Ikaw?" Tanong ni crush.

"Okay lang. I'm Azami." Sagot ko.

"Pwede makuha nu---"

"09091234567" Hindi pa man niya natatapos ang tanong, sinagot ko na agad. Malandi ako eh.

"Sige, salam---"

"No prob, basta ikaw." Mabilis na sagot ko.

So ayun textmate na niyan kami. Nga pala, dito na nagsimula ang nakakalungkot na istorya ng buhay ko. Isang araw kasi, nag-open ako ng fb para i-stalk si crush. Mabilis kong isinulat ang pangalan niya sa Search key sa facebook. Yeheeeey! Makikita ko na naman ulit si crush.

Like. Like. Like. Like. Puro like ako ng like sa mga posts niya. Nag-scroll down pa ako at bigla kong nakita yung... In a Relationship with Faye. Ayon! Sakit to the nerves na this. Huhu. Nung nakita ko ito? Iyak na ako ng iyak. Yung pwede kanang uminom kase mapupuno na ng luha yung baso (Ewww) Grabe, masakit talaga. Ika-6 ng October nang nagtext sa akin si Sage...

"Hi Azami. Kamusta ka?"

Hindi ko pinansin ang text niya. Nagseselos ako eh.

"Hi Azami?"

"Sage to."

"Yung kumuha ng number mo. Yung nakasabay mo sa MAPEH Faculty."

"Hello?"

Ayun. Hinayaan ko lang siya na kulitin ako sa text. Kasi naman, bakit magbibigay pa siya ng motibo kung in a relationship na s'ya diba? Huhu. So the next day, medyo senti ako. Sumakay ako ng jeep papunta sa school. Habang naglalakad na ako papunta sa room namin, biglang dumating at nakisabay sa akin si Sage. Di ako kumibo pero nagbigay siya ng isang sulat.

Hindi ko binasa yun ng isang linggo kasi nagseselos ako. Pero dumating ang araw na naglakas loob akong basahin ang sulat. Dali-dali kong binuksan ito. Medyo natatakot at tinatamlay.

"Hi Azami! Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko kahapon? Galit ka kasi? Ano? I-pm mo naman sa fb ko. Tsaka salamat nga pala sa floodlikes sa mga pics and status ko ah. Nag-message din pala ako sa'yo basahin mo nalang. Bye."

Huhu. Dapat pala binasa ko na ito dati. Okay so nag-online ako sa fb agad-agad. Binasa ko yung message niya sakin...

"Hi Azami. Ahmmm, medyo nahihiya ako kahit dito ko pa sinasabi sa iyo. Sa totoo lang, matagal na kitang mahal. Oo, mahal na kita. Kilala na kita dati pa. Nung nagpatawag nang meeting ang principal natin? Agad akong nag-ayos para sa'yo. Gusto ko kasi na mapansin mo ako at makilala mo naman ako. Tsaka nung nasa MAPEH Faculty? Ikaw talaga yun. Nagpalusot nalang ako na akala ko ikaw si Faye. Pero hindi totoo yun dahil dati palang, matagal ko ng gustong tawagin kang bae. Gusto kong maging akin ka Azami. Tapos yung In a Relationship with Faye sa facebook? Fake lang yun. Ginawa ko lang yung account na yun. Haha, sorry kung nasaktan ka. Takot lang akong sabihin ito kasi naman napaka-taas ng tingin ng school sa iyo. President ka sa isang sikat na org sa school natin. Hehe. O sige, basta sana magreply kana sa akin ha? Mahal na mahal kita bae!"

Oh myyyyyyy! Ayun. Ang inakala kong masalamuot na buhay, yun pala'y matamis na bunga. Biglang nakulayan ang buhay ko nang nabasa ko ito. Ang mga luha ko'y natuyo na, at ang simangot na mukha ko ay napalitan ng masayang ngiti. Dahil doon, dali-dali kong tinext si crush...

"Bae! I Love You!"

"Akala ko kasi iba ang mahal mo eh. I love you ulit."

Matagal kong hinintay ang reply niya. Umabot ng isang oras at wala paring response. maya maya'y nag-ring na ang phone ko!

"Pasensya, pero may mahal na akong iba." Sagot niya.

"Ahhh. S-s-sino? Huhu. Sana sinabi mo agad sa akin."

"Oa mo naman. Syempre si Azami Dela Cruz! Hindi si bae, si Azami Dela Cruz!" 

Oh myyyyyyy! At dito na nagsimula ang pinakamasasayang araw ng buhay ko! Sabay kaming pumasok ng college at parehong kurso pa ah? Haha. Yung dating sabon na pampaputi? Naku! Araw-araw nang nagreregalo sa akin si bae ng mga Whitening supplements. Haha! At kami na ata ang forever! Wohooo! Salamat fb!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fb MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon