Naiwan parin akong nakatayo samantalang ang mga costumer dito ay wala na ang tingin sa akin.Ang mga katrabaho ko rin ay bumalik na sa kanya kanya nilang ginagawa.Napansin kong lumapit sa akin si ate Anne at halatang nag aalala ito.
"Mal!Ok kalang ba?sorry ha mali pala iyong naipaserve ko!sorry dahil sa katangahan ko eh nangyari ito!"sabi nito sa akin.
Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari dahil wala naman siyang kasalanan.
"Ano ka ba ate Anne wala ka namang kasalanan!Siguro wala lang magawa yung mga batang iyon at dito naisipang maglaro!At ok naman ako"sabi ko rito.
"Sigurado ka Mal?Pero alam mo naman kung anong mangyayari sayo pagkatapos nito,Mal matatanggal ka sa trabaho.Hayaan mo kakausapin ko nalang si boss na ako talaga ang may kasalan para-"
"Ano ka ba ate Anne ok lang at wala ka naman talagang kasalanan.Ayuko namang ikaw yung mawalan ng trabaho dahil alam kong pinapa gamot mo ang nanay mo at ikaw din ang nagpapa aral sa mga kapatid mo.Ok lang na ako yung mawalan eh wala naman akong sinusuportahang pamilya"sabi ko rito.
Ayuko namang siya iyong matanggal sa trabaho dahil sa gulong ginawa ko.Siya lang iyong nagtatrabaho sa pamilya niya kaya ayukong mawala sa kanya itong trabaho.
"Mal maraming salamat ha!napaka bait mo talagang bata ka"binigyan lamang ako nito ng tipid na ngiti dahil alam kong nag aalala parin siya sa akin.
"Sorry for the inconvenience,we're giving you a free dessert for the trouble"sabi noong boss namin sa mga costumer.
"Mal I want you in my office now!"sabi nito sa akin.
Alam ko na ang susunod,matatanggal na ako sa trabaho.Naisip ko naman na iyon kanina kaya alam kong mangyayari ito.
Nagpaalam na ako kay ate Anne at sumunod na sa office ng aming boss.Kumatok muna ako bago pumasok.
Halata namang inaasahan na ako ng aming boss dahil matalim ang mga tingin nito sa akin.
"Good morning ma'am"bati ko rito.
Hindi manlang ito sumagot dahil alam kong galit ito.Masungit itong boss namin at alam kong tatanggalin na ako nito sa trabaho."You know what's the consequences of your actions Mal!"mariing sabi nito.
"I know ma'am but I'm just protecting myself"
"I know but we have rules here and you made a very huge mess!to think there's too many costumer out there!Because of your actions they would think that my crew here don't have manners!So I'm sorry but you're fired!"
Alam ko namang mangyayari ito pero masakit parin talaga na marinig sa boss mo iyong 'you're fired'.Ginusto ko naman iyon at dapat kong tanggapin ito.
"You're a big loss Mal!You're very hardworking and you just waste it!I'm just disappointed Mal! You can just give way but you chose to make it worst"sabi nito.
Tama naman siya dapat nagpakumbaba nalang ako pero hindi ko rin maiwasang sisihin iyong lalaki kanina mas pinalala pa niya yung nangyari.
"I'm sorry ma'am!excuse me ma'am I'm going!"
pagpapaalam ko rito.Tumango na lamang ito sa akin.Pagkalabas ko agad kong kinuha ang mga gamit ko nagpaalam narin ako sa mga kasamahan ko sabi ko maghahanap nalang ako ng panibagong trabaho.
Agad muna akong pumasok sa susunod kong trabaho bukas nalang siguro ako maghahanap ng panibagong trabaho para mas marami yung oras ko makapaghanap.
Nagpaalam na sa akin iyong pinalitan ko off na niya ngayon kaya ako naman ang papalit sa kanya.Ganun lang ang schedule namin siya sa umaga ako naman sa hapon.