Chapter 12 Decision

101 0 2
                                    

Snow's POV

Boooooghs!

Hindi maiwasang  ng mga tao rito sa pack house ang mapatingin sa ikalawang palapag ng bahay dahil sa ingay mula sa mga gamit na parang tinatapon.

Grooowll!!

"Fvcking mutts!"

Ilang araw na ba ang nakalipas na palaging ganito ang eksena sa loob ng pack house. Simula nung araw na tumakbo ako palayo sa kaniya ay ganito na palagi ang nangyayari. Palagi nang umaalis si Zhen at pag balik naman nito may halo ng dugo ang kulay ng  kaniyang damit. At pagkatapos ay nagkukulong sa kaniyang opisina at maririnig mo na lamang ang tunog ng mga gamit na nababasag.Ang pagka alam ko ay hinahanap raw nito ang kaniyang mate na hindi niya mahanap-hanap dahil hindi naman na ako ulit nagbalak na ilabas muli si Leila. Mahirap na lalo na't balak ko nang umalis dito. Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin kong parami na nang parami ang mga rogue na umaaligid sa boarder ng pack kung saan huling nakita ang white wolf

Kampante akong makakaalis ako ng pack nang hindi nila nalalaman ang tungkol sa totoong ako. Una,dahil maliban sa itinago ko ang mga ability  at ang aking scent ay hindi ko na ulit pinalabas si Liela. Pangalawa, ay dahil wala na rito sa tita Cassandra, ang ina ni Zhen na tanging nakakaalam kung sino ako. Umalis na ito noong araw ding nakita ni Zhen ang mate niya. Kahit na ayaw kong umalis ito dahil alam kong tanging siya lamang ang makaka sagot sa aking mga tanong na matagal nang naka tatak sa aking isipan ay wala naman akong magagawa. Naisip ko rin na mabuti na ring umalis na ito dahil mas mapapadali ang pag alis ko dahil alam kong hindi ako nito mapipigilan.

I planned on leaving next saturday. Hindi pwedeng ngayun dahil mainit pa sa mata ni Zhen ang boarder,palagi itong naroroon nagbabakasakaling makita ang kaniyang mate. Nagpaplano rin ako kung paano maka alis nang hindi maalerto ang nga pack guards lalo na si Zhen.

Napatingin ako sa beta at gamma na kalalabas pa lang mula sa kaninang maingay na opisina ng kanilang alpha.

"H-how is he?Is he okay?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Ayun. Ganun pa rin mukhang balak ngang suyurin ang buong kagubatan ng pack mahanap lang ang sinasabi niyang mate. Hindi ko nga alam kung nagsasabi ng totoo ang Alpha o baka halusinasiyon niya lang 'yun dahil sa kagustuhang mahanap ang mate niya"

Napatango ako sa sinabi niya.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, akala ko tanging sa libro ko lang makikita at  mababasa ang tungkol sa white wolf ."

"Ngayun ay mainit sa mga mata ng mga rogues ang pack. Dahil dito huling nakita ang white wolf at may posibilidad na maaaring nasa pack rin ito" seryosong sabi ng beta.

Napaiwas ako ng tingin mula sa mga ito. Mukhang hindi magiging madali ang pag alis ko dito.

"Puntahan niyo na ang Alpha at kakain na" utos sa amin ng mayordoma ng pack house.

Naghahanda kasi kami ngayun para sa pananghalian ng pack.

Nagtutulakan naman ang ibang omega kung sino ang pupunta sa Alpha

"Teka  ba't ako? Kayo na lang. Nakakatakot ngayun ang Alpha"

"Edi puntahan niyo na lang si Beta Kendrick,siya nang bahala dun"

"Ang balita ko ay umalis ang beta kasama ang gamma kaninang umaga, mukhang may inutos ang Alpha sa kanila"

"Paano 'yan, walang may gustong puntahan ang Alpha"

Napataas ako ng kilay nang marinig ko ang sunod na sinabi ng isang Omega.

"Si Snow na lang total mukhang close naman sila ng Alpha"

Kailan pa ako naging malapit sa Alpha nila?  Ba't hindi ako nainform.

"Oo nga, ikaw na lang Snow hindi ka naman siguro sasaktan ng Alpha"

Okay. Nice persuasion. Na appreciate ko. Grabe!

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang. Dahil kung hindi malamang hindi makakakain ang mga narito dahil wala ang kanilang Alpha. Isa sa mga rules ng pack ang pagsasabay-sabay kumain at bawal magsimula hanggat wala pa ang Alpha,maliban na lamang kung wala ito sa pack.

Habang paakyat ako nang hagdan ay nakaramdam ako ng kaunting  kaba. Simula nung nangyari sa gubat ay ngayun ko na lamang ulit siya makikita ng malapitan. Maliban sa dahilang palagi siyang nasa gubat ay pilit ko rin siyang iniiwasan. Natatakot kasi akong baka makilala niya ako na alam kong imposible dahil nasa wolf form ako noon.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng opisina nito.

tok*tok*tok

Wala akong narinig na sagot kaya inulit ko ang pagkatok. Nang wala talaga akong narinig na  sagot ay binuksan ko na ang pintuan.

Dahan-dahan ang pagbukas ko nito dahil baka hinihintay lang nito na ako mismo ang magbukas. Nang tuluyan ko nang mabuksan ay doon ko nakita ang hitsura ng opisina nito. Hindi mo na mikikita ang dating mga nakasabit na painting. Wala ka na ring makikitang anumang babasaging bagay sa loob. Tanging mesa at upuan na lamang ang makikita mo rito, na tila ba ay walang gumagamit dahil sa kunti ng laman ng kwarto.

Tinignan ko ang lalaking naka upo lamang sa upuan nito at may pinepermahang papel. Dahil sa tagal nang hindi ko siya nakita nang malapitan ay ngayun ko lamang napansin ang halata na nitong eyebags.  At may makikita ka na ring kakatubong balbas sa mukha at medyo humaba rin ng kaunti ang buhok nito.

Napatingin ito sa akin nang makarating ako sa harap ng mesa nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkasalubong ang aming mga mata. Mabilis kong iniwas ang aking tingin.

"*Ehem!* Kakain na"

Kumunot ang noo nito habang hindi inaalis sa akin ang mga tingin. I look everywhere but him. Hindi na ulit ako nakipagtitigan sa kaniya.

I heard his sigh before standing up.

Sign ko na iyon para umalis. Nauna akong lumabas sa kaniya. But still feeling his presence behind me. Nahiya naman ako kaya huminto muna ako saglit at hinayaang mauna siya. Sa lapag lamang ako nakatingin the whole time, hanggang sa makalampas siya. Ngunit laking gulat ko ng may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa aking harapan.

Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa harapan. Ni hindi manlang ako magawang tignan.

Hindi ko alam kung bakit siya tumigil. Kagat-labing napabaling ako ng tingin.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Tanging mga tibok na lamang ang aking naririnig, hindi ko na nga napansin na naka tingin na pala siya sa akin.

Napaatras ako ng isang hakbang ng lumapit siya sa akin. We're so close na isang galaw na lamang naming dalawa ay maari na niya akong mahalikan.

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa sitwasyon namin ngayun. Sa pagkakataong ito ay nakipagtitigan na rin ako sa kaniyang mga mata. Nahigit ko ang aking hininga ng inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko. Ngayun ay ramdam ko ang pagod niya. Mabagal at malalim ang paghinga nito. Hindi ako makagalaw dahil sa position naming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing  andito lang ako pero pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka makilala niya. Takot na baka magalit siya. Hindi rin naman nagtagal ang pangyayaring iyon at ito na mismo ang lumayo sa kaniya. Tinitigan muna siya nito. Kunot noong lumayo ito at tuluyang umalis.

************************************************************************
On-going na ulit siya guys!👏👏👏😂

The Last White Wolf(On-hold) ( To be REVISED)Where stories live. Discover now