Kabanata tres- Rhys Miguel Eugenio

13 0 0
                                    

Someone's Pov

"Masama na talaga 'to.  Unti-unti nang naglalapit ang kanilang mga landas.  Kailangan kong maitama ang pagkakamali ko.  Pero pano? "

------------

Lie's Pov

Syet.  Nasan na yun?  Nasan na yung vintage kong cp?

Kanina pa ako nandito sa room 201, yung klase kung saan ako sumigaw na 'natatae ako prof'. Pagkabigay ko kay Miss Ricafort nung blue notebook ay agad akong bumalik dito para kunin ang cellphone kong itinago ko sa ilalim.

Kaya lang wala dito.  Sino naman ang magkakainteres dun?

Im falling..
Im falling in love with you...

Ringtone po yan ng tatskrin kong cellphone.  Sabi ko sa inyo meron din naman akong modern phone.

Yung 3310 Nokia lang madalas kong ilabas kasi siguradong walang mgkakainteres na nakawin yun.

Pero asan na?

Im falling..
Im falling-----

"Hello!? "

"Hi!", bati nang boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

Tinignan ko ang number.  "My number2" ang lumabas.

Oh my gastos!  Number to nung sa cp ko na nawawala!

"Teka!  Cellphone ko 'tong gamit mo ah! "

"Ahh,  yes.  I was-----"

"Magnanakaw!  Ibalik mo ang cellphone ko! At talagang ginamit mo pa ang load ko ah!  "

"Hold on,  miss.  I was the one who took care of your cellphone the moment you left our classroom. "

Ay teka lang.  English speaking. Pero 'our classroom'?

"We're classmates and...  Sitmates if you remember me. "

Sitmates?

"Im here at the hallway near Phase 2. I'll wait for you here. "

"S-sige sige.  Salamat. "

-----------

"Beshyyy~~~"

Nagmamadali akong naglalakad sa phase 2 building.  Ni hindi ko napansin na kasalubungan ko pala ang bestfriends ko na sina Criza at Josh.

"Hoy! "

Aray.  Hilain ba ang buhok ko.

"Aray besh.  Buhok ko yan. "

"Sasabunutan talaga kita.  Di ka namamansin diyan. "

"Eh wait lang kasi.  Hinahanap ko yung nakakuha nung cellphone ko. "

"Nawala mo ang cellphone mo? ", si josh

"Yung touch screen? ", si Criza.

"Hindi.  Yung Nokia. "

"HUH!?  MAY NAGKAINTERES PA NUN!? ", halos sabay nilang react na dalawa.

"Grabe kayo ah.  Rare kaya ang quality ng mga ganung cellphone. "

Im falling..
Im falling..

"Wait ito na.", mabilis kong sinagot ang tawag, "Hello.  Nandito na ako"

"Yeah.  I can see you from here. "

"San ka ba?", tanong ko habanh palinga-linga.  Malas.  Hindi ko kasi tanda ang mukha niya.

"Beshy... "

"Wait lang bes.  May kausap ako. ", pigil ko sa kalabit ni Criza.

"Beshy.. "

Love DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon