Kabanata Cinco- Hide and Seek

11 1 0
                                    

"Simula ngayon,  lalayuan mo ang tatlong 'to. ", anito sabay turo ng maliit at cute na cute na hintuturo sa monitor ng laptop ko.  May tatlong pangalan itong ipinasearch sa facebook account ko.

Sohilie Estrellado

Serl Yd Amer

Akira Sankai

O-kay?

Anong kinalaman ko sa tatlong 'to?

"Alam mo ang gulo eh. Di ko gets.  Bihira ko lang sila makita.  Siguro isa o dalawang beses lang yata.  Pano ka nakakasiguro na magku-krus pa ang mga landas namin? "

Si Babe Serl siguro pwede pa since kaklase ko siya sa isa kong subject.  Pero yung dalawa,  tingin ko malabo eh.

"Simple lang.  Dahil ako ang Angel of Love kaya alam ko. Ako si Kupido kung tawagin ninyong mga tao. "

Napanguso na lang ako sa sagot ng batang nakapamewang sa harap ko.

"Para kasing napakaimposible lang. Sila?  Magkakagusto sa akin? "

"Ilang ulit ko bang ikukwento sayo ang nangyari para lang maniwala ka na------"

"Oo na!  Oo na.  Nagkamali ka nung nagkaroon nung eclipse dahil silang tatlo lang ang pinana mo at hindi mo napana ang mga babaeng nakatadhana para sa kanila tapos nagkataong ako ang nasa harap nila noong mapana mo sila kaya sa akin sila maiinlove! ", walang hinto-hinto kong tuloy sa dapat na sasabihin niya.

"Oh?  Gets mo naman pala eh. "

"Eh bakit kasi hindi mo panain yung mga nakatakda para sa kanila para tapos na? "

"Kung kaya ko tingin mo kausap mo ako ngayon? ", tapos ay mukhang problemado ito'ng nangalumbaba sa ibabaw ng mesa ko, "Hindi ko nga alam kung bakit nakikita mo ako eh. "

"Teka,  yung...  Tunay mong anyo.  Bakit hindi mo na magawang ibalik sa dati? "

"Hindi pa nanunumbalik ang kapangyarihan ko tagalupa.  Tuwing sinusubukan ko ay nanghihina ako at naglalaho.  Tulad noong nangyari nung isang araw.  Naglaho ako at napunta sa ibang lugar.  Natagalan ako bago kita nahanap.  Kaya habang hindi pa nanunumbalik ang kapangyrihan ko,  kailangan mo akong tulungan. "

"B-bakit ako----aray! "

Pinitik niya ang noo ko.  Sa liit ng daliri niya ang lakas niyang mamitik.

"Dahil nga sa ikaw lang ang nakakakita sa akin.  At may kaugnayan sayo ang misyon ko.  Kapag tuluyan silang napalapit sayo,  tatlong pares ng mga taong itinadhana ang hindi magkakatuluyan.  Maaring mapunta sila sa ibang tao o di kaya ay.. tumandang mag-isa. "

Natameme ako.  Ang saklap naman nun. Fan pa man din ako ng "and they live happily ever after" na ending.

"Bawat tao sa mundo ay may mga nakatakda para sa kanila.  Yung iba,  nakatakda nilang makita ng maaga habang yung iba, natatagpuan nila kung kailan sila tumanda o kung kailan huli na ang lahat."

"Eh diba ikaw si kupido? Bakit hind mo panain ng maaga-aga? "

"Ginawa ko na tagalupa.  Ngunit sa bandang huli,  kayong mga tao ang magdedesisyon kung susundin ninyo ang itinitibok ng inyong mga puso."

"Kaya ba...  Kaya ba nagkakaroon ng mga hiwalayan kahit kasal na dahil...  Mali ang pinili nilang desisyon? Ganun ba yun? "

"Tama. ", tumatangong sagot ni Kupido.

"Itong..  Itong tatlong lalaking ito.", sabay tingin ko sa screen ng laptop ko, "Pano ko sila..  Mailalapit sa taong itinakda talaga para sa kanila? "

Love DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon