~cringgg cringgggg..~ >.< !!!!
" aaHh!! Hayp nayan aga pa! GrrrR, asan ba kase yun jusko"
kinakapa ko yung alarm clock sa side table ko at sa wakas na hagilap kona ito at tumayo na nag simula nakong pumunta sa banyo para maligo. Eto kase first day of school ko dito sa Cavite kakalipat lang namin dito sa bagong bili na bahay nila mama at papa.
"Alliyah baba na jan nak kakain na" tawag ni mama saken habang hinahanap ko yung suklay ko
"yes ma! Coming!" Balik ko sakanya habang nag susuklay nako ng buhok. Habang pababa ako ng hagdan
"Wow naman ang ganda ganda talaga ng prinsesa ko" si papa.
"sus pa wag mong sabihan si alliyah ng ganyan kaya lumalaki ulo" si kuya kong napakaepal na kumag.
"Ka uma-umaga kuya pa e pal ka talaga sabihin molang kung nagagandahan kalang saken. Che!" Umirap ako at umupo na sa pwesto ko.
Hi! I'm Alliyah selena joy B. Marquez but you can call me selene. Oh diba taray. Grade 12 nag aaral sa prestisyosong paaralan dito sa Cavite. CSA or Cavite State Academy.
Andito ako ngayon sa harap ng napakataas na kulay silver gold na gate. Sunod sunod na pumapasok ang mga istudyante sa loob at pumasok narin ako. Nag lakad lakad ako habang hinahanap kung saan ko makikita ang magiging sched ko sa buong sem."Hi. Excuse do you know where the bulletin board is?" Sabi ko sa magandang babae na naka uniform na parehas ng akin.
"Yes miss, derestso kalang then turn right tas tuloy tuloy kalang then makikita mona" ngumiti siya at umalis.
At yun na nga nakita kona.
"Yes! Parehas tayo ng subject"
"Lol, baket ganon sis"
"sabay tayong pumasok ah"
Rinig ko sa mga istudyante ring nakuha na ang mga schedule nila.Hinanap ko yung magiging sched ko at pinicturan na. Pumunta nako sa classroom ko. Habang nag lalakad ako sa hallway napansin kong andadaming mga rk na nag aaral dito ang gaganda kase ng suot nila halos hindi naka uniform kasi nga first day. Ang lawak ng field. May basketball court. Sa bandang dulo yung covered gym siguro. Ang daming buildings halatang pang mayaman na school.
Pumasok nako sa classroom. Naghanap agad ako ng upuan sa dulo. Halos konti palang ang tao umupo ako at nag earphones lang habang nag ce-cellphone.
Biglang tumitili ang mga kaklase kong mga babae at bading."ShEt! ampogi talaga ni Blax"
"Aaaah blax sana katabi kita"
"Kevin tayo nalang pleaseeeee"
"Pleaseee jexell mahal na mahal na kita"
"Lakas talaga ng appeal nila talagang walang kupas jhs palang crush na crush kona sila"Sigaw at bulong bulungan nila. Sabay na pumasok ang tatlong lalaking pinag kakaguluhan nila. Tumatawa yung pangalawang pumasok habang inakbayan siya nung kasama niya. Yung naunang pumasok naman ay panay ang kindat sa mga girls kaya naman kilig na kilig ang lahat. Except me. Duh -_-
Nag simula na ang klase. Walaman halos ginawa nag pakilala lang at nung dumating and break time dumiretso ako ng cafeteria ng school medyo madaming students. Naghanap ako ng table para maka kain na.
Sa kasamaang palad wala ng available na table diko alam gagawin ko naka tray panaman tong pagkain ko."Miss dito pwede ka tatlo lang naman kami" ani ni blax bayon sabay ngiti.
"Hehehe pwede ba?" Sabi ko.
"Oo naman classmate!!" Jexell
"Sure sure" kevin
Umupo nako katabi ko si jexell.
"So? Bago kalang dito no?" Si blax na umiinom ng tubig
"Ah - eh oo hehehe"
"Buti naisipan mong dito magaral? Bat dikapa lumipat last year?" Jexell
"Kase biglaan lang paglipat namin dito nila mama taga pampanga talaga kame"
"Ah ganon ba" ani nilang tatlo at kumain na.Pumasok nako sa next subject ko at nakinig na. Sa kalagitnaan ng pag didiscuss ni maam zapanta biglang pumasok sina blax, kevin at jexell
"You're late! Anong oras na? Ka first day first day late kayo?? Go to your seats!""HHAHAHA grabe dina nasanay si maam satin blax!" Kevin
"Ikaw kasi pinuntahan mopa si sophia eh wala kanaman talagang chance don" ani ni jexell kay blax na ngayon mukhang wala na sa mood.Nang natapos na ang buong klase sa buong araw. Pumunta ako ng locker room para iwan ang mabibigat kong books para bukas madala ko yung iba. Nang palabas nako ng locker room may narinig akong nag sasalita na babae.
"Ilang beses kobang sasabihin sayong ayoko na?? Paulit ulit nalang. Dikanaman ganyan noon ah?! Lumayo kana sakin at wag na wag monako guguluhin! Nakakasawa kana" ani ng babae.
"Sophia alam mo namang diko sinasadya yon diba? Alam mo naman bumabawi nako sayo ata pinagsisihan ko ang nangyaring iyon diba?? Please sophia believe me hindi ko sinasadya" si blax na namumungay na ang mata at halatang paiyak na.
Umiling si sophia at umalis sinundan niya ito.Lumabas nako at nag lakad papuntang gate. Diko inaasahang ang mga nakita at narinig ko hayyy baliw si blax sa babaeng yon?? Ano kayang nangyare bat nag kaganon sila? Haist! Selene stop. Kailan kapa naging interesado sa buhay ng iba??