Araw ngayon ng sabado. Nakatanggap ako ng text mula kay blax kagabi at narito ako ngayon naghihintay sakanya sa Mega Mall.
Hindi manlang nag text kung malapit na siya para akong tanga dito naghihitay. Nag text sakin si natalie kanina at sakanila daw sila gagawa. Asan nakaya yun?
Habang naglalakad lakad ako sa bookstore, sa wakas anjan na siya naka white plain v-neck shirt, naka blackpants at naka dark blue janoski. Ang sarap niyang titigan. Joke mabango siyang tignan. Lolz"Dumating kapa? Mag la-lunch na oh?" Sabay irap sakanya.
"Hindi konaman alam na ikaw nag bukas ng mall nato?
Wow? Ako pa talaga??? Nag bukas ng mall? Tss pogi nga yabang naman tsk.
"Sa tingin moba nakakatawa yang sinabi mo? Tara na nga"Sinundan konalang siya papuntang parking lot kung saan naka park yung sasakyan niya. Nasa front seat ako. Alanganamang sa likod ako ano yun? May driver ako? May konting hiya naman ako no.
Unti unting bumukas ang color black na gate at tuluyan kameng pinapasok roon. Bumaba nakami at binigay dun sa guard ang susi.Dumiretso kame sa sala nila. Ang tahimik mukhang walang katao tao. Nakita ko din yung mga picture frames nila dun malapit sa piano nila family picture nila. Hmmm ganda ng lahi nila. Medyo kahawig niya ang papa niya yung mata, bibig, yung kulay ng buhok at haba ng pilik mata.
Tinawag niyako at pumunta ako sa dining area nila may nakahain narin don at may dalawang plato. Nakita ko si blax na nakaupo naroon at mukhang hinihintay ako.
"Take your seat. We need to eat bago natin simulan yung practice na gagawin natin."
Umupo nako at nagsimula nakaming kumain. Ng matapos nakami ay pinaligpit na niya sa mga yaya maid nila ang mga pinagkainan namin.
Andito kame sa studio room nila. Bongga damin instruments halatang mayaman pamilya neto ah. Napag isipan namin na ang sasayawin namin ay pang sweet dance parang pang js prom.Nag start nakami at easy lang naman mga steps di kame na hirapan dahil marunong din pala siya sumayaw. It's already 5pm ng napagdisisyonan naming magpahinga. "Wait lang nag pakuha ako ng towel kay manang at ng meryenda narin"
"Okay sige. Thank you"Hinatid ako ni blax samin kahit na sabi ko wag na kase kaya konaman mag taxi. Pero wala imbis na magtalo kame pinabayaan konalang siyang i hatid ako tutal pagod narin ako.